CHAPTER: 26

146 3 0
                                    

Talia's Point of View


Naikwento ko nga sa kanya ang lahat lahat nang nangyari kahapon, simula nong sinanaktan ako nila Alie at Kristen. Hindi talaga siya makapaniwala nun, kasi akala niya ay mahinhin at mahiyain yung dalawa pero may ganung pag uugali daw pala.

Nakita ko naman nun sa mukha niya na galit na galit talaga siya. Hindi dahil sa totoong ugali ng dalawa kundi yung pananakit nila sa'kin. Pero kasali narin naman yung totoong ugali. Hindi lang Basta yung pananakit.

And speaking of Alie and Kristen. Hindi ko sila napansin dito sa opisina.

Absent kaya? Pero bakit silang dalawa talaga? Ay sabagay mag kaibigan naman sila kaya kung saan yung isa dapat yung isa din sasama, ganyan kasi kami ng mga kaibigan ko noon, e. Pero ngayon? Si Angel nalang ang nag iisa kong kaibigan. Pero syempre may mga kaibigan din akong mga lalaki pero di kami masyadong close. Pero tinutoring ko silang mga kaibigan.

Nag iba lang yung itsura niya nong naikwento ko na sa kanya yung pumunta ako sa safehouse nila Christof and of course ang sinabi ko ay BAHAY ni Christof.

Hindi naman siya galit pero yung itsura niya talaga diko maintindihan, parang walang emosyon o di kaya may iniisip lang na importante? O baka naman na-boboring na sa kwento ko?

Nong napansin kong nag iba yung emosyon niya ay agad akong nag change topic.

"Ayy Boss may sasabihin pala akong magandang balita sa inyo!" Masiglang tugon ko.

"Ok, ano naman?" Walang emosyong tanong pa niya.

Psh, nabored na ata.

"Ah, ano! Yung ano ko, plano—na hindi na ako ma-le-late bukas!" Nakangiting sabi ko.

Nangunot naman ang kilay niya. "Ah, talaga? Magandang balita nayan para sayo?" Tanong niya, pero nakayuko na ako.

Ang seryuso niya naman.

Biglang tumahimik kami.

Nakakabinging katahimikan.

Nang biglang nag clear-throat siya.

Nag angat naman ako ng tingin.

"Boss? Makati lalamunan niyo--"

"Shut up. I'm not in the mood." Walang emosyong sabi na naman niya.

Problema neto?

Napakamot na naman ako sa ulo.

Hays...

"Can I ask you something?" Pag tanong niyang yun ay agad akong napatitig sa kanya ng seryuso.

"Sige gors.."

Nangunot na naman kilay niya. "A-Anong gors?" Tanong niya na sabay kamot sa batok.

Napangiting napailing nalang ako.

"Gors, ibig sabihin niyan ay GO! GORS! HEHE--"

"Okay, fine. Can I ask you now?"

"Yes! Of course! You can now!" Nakangiting sagot ko naman.

Napa-tsk naman siya.

"Choose between... Love or Respect?" Naka dekwatrong naka sandal pa siya sa upuan niya at naka cross-arm pa.

"Pwede both?" Agad-agad na tanong ko naman.

"No, kaya nga may 'choose' and 'or' diba? Isa lang dapat. Psh." Singhal pa niya.

"Okay, fine. Whatever. Can you repeat the question... Sir?" Naka taas kilay na tanong ko.

Nakataas din ang kilay niya kaya napangisi ako.

My Boss, My LoverWhere stories live. Discover now