The story in someone's great war
"May senior camp daw tayo dito sa friday sa school—sakto birthday mo 'yon diba?" Sunod-sunod na bungad sa'kin ni Lily pagkapasok ko palang sa classroom.
Oo nga pala, dalawang araw nalang ay birthday ko na. Pero hindi naman ako nae-excite kasi wala rin naman akong ganap bukod sa gagala kami ng mga kaibigan ko.
Bagot ako sa room dahil puro vacant kami ngayong araw. Wala daw kasing papasok na subject teacher namin dahil busy sa pictorial para sa graduation ng grade 12.
Makapunta nga sa canteen. Tumayo ako para ayain sila Steph at sumama rin naman agad ito.
"Isang hotdog and egg with rice nga po Ate Luz," aniya ko sabay dukot ng pera sa wallet ko.
"Ako nga rin po ate," si Steph sa gilid ko. Nang lingunin ko siya ay inirapan niya lang ako. Gaya-gaya talaga!
Umupo kami kung saan naupo si Ilo. Wala rin siyang klase gaya namin dahil nga busy ang mga teachers, ang alam ko nga hindi rin pinapasok yung mga high school students. Ang unfair 'di ba? Para saan pang pinapasok kami kung ganto lang din naman ang gagawin namin.
Display ang atake.
Puro lang reklamo ang ginawa ni Ilo dito. Wala naman siyang binili na kahit ano na para bang wala talaga siyang balak na kumain. Habang patuloy sa tawanan dahil sa rants ni Ilo na ikinatawa namin ay nabaling ang tingin ko doon sa grupo ng kalalakihan na pumasok sa cafeteria.
Nagtama ang tingin namin nung pamilyar na lalake. Nakalipat na pala siya dito? At wow marami na agad siyang kaibigan.
Sinamaan niya ako ng tingin nang mukhang makilala ako, inirapan ko naman siya.
"Omg! 'di ba 'yon si Paulate?" rinig kong bulungan sa tabing table namin.
"Oo ayun nga! 'yung bading na pumatol sa teacher sa old school niya," narinig kong sabat ng isang babae na dahilan ng tawanan nila.
"Mga bading talaga walang pinipiling lugar at tao!"
Biglang nagpintig ang tenga ko sa biglang sinabi nung isa.
"Taray ng mga bagsakin ng HUMSS nakuha pa maging homophobic kesa magaral ng mabuti, ha?" parinig ko at sigurado naman akong narinig nila 'yon.
"Anong sabi mo?" singhal nung babae sabay agresibong tinulak ang dibdib ko kaya natapon 'yung kanin at ketchup sa uniform ko.
"Tanga ka ba?" kalmadong rebat ko pabalik kaya mas lalong ngumiwi ang labi niya sa galit.
"Hey, stop fighting," awat ni Ilo sa 'min sabay turo sa babae. "At ikaw, ang lakas ng loob mo maging matapang, when in fact you're literally using someone's gender to insult and point a fingers on them without really knowing the truth,"
"Real story mo mukha mo! Ang sabihin mo ayaw mo lang masaktan feelings ng butthurt mong kaibigan kasi bading din siya! Kasi alam naman nating lahat na ganon ang mga kagaya nila. Mga nakakadiri at nakakasuka!"
"Hayaan niyo na 'yan, palibhasa kasi 81 ang average last semester. Proud humanista pa 'yan sa social media niya pero and totoo ay walang pakealam sa social issues, hindi mo pa masabi kung ignorante o sadyang tanga lang eh," lahat kami nagulat nang biglang magsalita si Steph na nakaupo pa rin at busy sa phone niya. "Don't look at me like that as if I'm not telling the truth."
"Anong sabi mo?" Sigaw nung kaibigan nung babae na akmang susugod kay Steph, mabuti nalang ay naawa namin ni Ilo.
"Bakit?" Si Steph na kalmado pa din sabay tayo sa kinauupuan niya kaya napaatras 'yung dalawa. "Hindi ba totoo 'yung sinasabi ko? Sinasayang niyo ang ang free voucher na galing sa pera ng taong bayan para lang maging ignorante, HUMSS pa naman kayo. Hindi kayo nababagay sa strand na 'yan! Alam kong lahat tayo ay may karapatan matuto at mag aral ayon sa sariling kagustuhan natin pero kung hindi niyo lang din ginagamit ang natututunan niyo edi mas magandang tumigil kayo. May lugar para sa mga mangmang, pero walang lugar para sa mga taong may baluktot na moralidad at walang balak tulungan ang sarili nila."
BINABASA MO ANG
Ship in the Waves (Love in Lines Series #1)
RomanceThe sinking ship represent Leiro Dewey Salazar's life, he always see his life as battleship fighting his own unpredictable waves, but when his ship started to sink, Yuriel Dean sail the sea to save him from drowning.