The stars aligned
Sumisimsim ako sa juice ko habang busy na nagtitipa sa phone ko.
Nandito kami ngayon sa villa nila Steph sa Amadeo Cavite, one hour away lang naman ito sa Bacoor kaya mabilis din kaming makakabalik mamaya para sa senior camp na 'yan.
Iniisip ko palang napipikon na ako eh.
Alas-dose palang naman ng tanghali, mabuti nalang ay hindi masyadong mainit ngayon ang sikat ng araw.
Napagdesisyunan naming mag chill muna dito, kasi mamaya ay siguradong marami kaming gagawin sa camp.
Bawat tent kasi ay may tatlong tao lang ang maa-assign, tapos kayo rin ang bahala na ayusin ang sarili niyong tent na tutulugan. Pwede naman na hindi kayo mag-tent pero kasi sabi ni sir ay may extracurricular points 'yon dahil 'yung tent ang isa sa main activity ng camp.
Napabuntong hininga ako nang ma-realize na marami kaming gagawin mamaya, 'yung tipong iniisip mo palang ay nakakapagod na! Kaya hindi ko nalang masyadong iisipin 'yon, at sa ngayon ay magpapahinga ako.
Ayoko kasing masyadong okyupado ang isip ko lalo pa't mag-birthday ako. Kung hindi lang talaga lang ito activity ay hindi talaga ako pupunta at magc-celebrate nalang ng birthday ko sa bahay.
"Badtrip talaga!" si Ilo na talo na naman sa laro nila.
Kanina pa sila naglalaro simula nang makarating kami dito. Kanina pa nga atang umaga simula paggising nila ay naglalaro na sila dahil nung magkita-kita kami sa bayan kanina ay naglalaro na sila.
Mga adik talaga!
Napailing nalang ako at ibinaling nalang ang tingin sa offline games na nilalaro ko sa phone ko. Bakit ba? Eh, offline games lang naman ito! Hindi naman ito tulad ng kanila, at isa pa minsan lang ako naglalaro nito kapag nab-bored ako.
"Mom's here!" Sigaw ni Steph paglabas niya sa pool area kaya agad na nawala ang atensyon nila Ilo sa phone nila at agarang pinatay 'yon.
Lumapit kami para batiin si tita kasi matagal na rin nung huli kaming nagkita-kita dahil minsan nalang din kami nakakadalaw dito, madalas pa ay wala sila ni Tito dito kapag nakakadalaw kami dahil busy sa business nila.
Steph's family is rich-rich. But still, her family remain humble and down to earth, unlike those other rich people, I'm not saying all rich people is ignorant, but most of them, yes.
"You guys are here pala!" excited na sabi ni tita habang isa-isa kaming bumebeso sakanya.
Ayaw niya kasing nagmamano sakanya dahil hindi pa daw siya uugod-ugod, at isa pa nakakatanda daw tignan kapag nagmamano sakanya, kahit nga mga apo niya sa mga kapatid niya ay beso din ang bati sakanya.
May kapatid na isa si Steph pero lagi namang wala 'yon dito, mas bata lang ng isang taon kay Steph.
"Nasan nga pala si Zion, tita?" si Jay.
"Kasama ang Daddy niya sa Isabela," napansin namin na medyo nalungkot ang mukha ni Tita.
"Kailan daw ba uwi nila Mom?" si Steph na yumakap sa gilid ni Tita.
"Nako! Nalalambing na naman ang unics hija ko!" natatawang sabi ni Tita kaya lahat kami nagtawanan.
Nakakaingit nga household nila Steph, kasi halos lahat sila affectionate, parang pamilya ng golden retriever.
"How's school mga anak?" tanong ni tita nang maupo kami sa table.
"Okay naman po," sagot ni Ilo.
"Well Tita, eto pasok parin sa with honors," pagyayabang ni Angelo kaya bahagyang natawa si Tita.
BINABASA MO ANG
Ship in the Waves (Love in Lines Series #1)
RomanceThe sinking ship represent Leiro Dewey Salazar's life, he always see his life as battleship fighting his own unpredictable waves, but when his ship started to sink, Yuriel Dean sail the sea to save him from drowning.