start ! 𓂃 ࣪˖ ִֶָ𐀔

6 0 0
                                    

"Alis na po ako!"

Humalik ako kay Papa at Mama pagkasabit ng bag sa balikat.

"Mag-ingat. Iiwan ko ang susi ng bahay kay ate Beth mo, kuhanin mo na lang," bilin ni Mama dahil pareho silang may lakad ni Papa at ako lang ang tao mamaya pag-uwi ko.

"Opo..."  sagot ko at saka lumabas na ng bahay.

Nakita ko si Winter, ang alaga kong pusa sa may teresa. Hinaplos ko ang buhok niya at pinanggigilan siya ng humalik bago tuluyang umalis at isarado ang gate.

Fifteen minutes lang na lakad ang layo ng school sa bahay namin kaya hindi na ako nag-aabalang sumakay. Nagiging exercise ko na rin ito tuwing umaga.

Habang naglalakad ay marami akong nakakasabay na schoolmates. May ilan ding mga kaklase na nasa parehong barangay o nasa kabilang barangay lang.

"Chantelle!"

Lumingon ako likod nang marinig ang pangalan ko. Doon ay nakita ko si Timothy, ang best friend ko, kasama ang pinsan niyang si Jean.

Hinintay ko silang makalapit sa akin. At nang makarating ay agad akong kumuha sa supot niyang hawak na siguradong ang laman ay pandesal.

"Salamat!"

"Ang aga-aga, Chantelle, nambuburaot ka na," sabi ni Jean.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw nga umagang-umaga pero mainit na agad ang ulo mo!"

Tumawa si Tim. "Napagalitan kasi 'yan ni Tita."

Nanlaki ang mata ko at natawa rin. "Sinumbong mo siya, 'no?" akusa ko.

Tumawa siya at inakbayan ang pinsan. "Paanong hindi? Pati ako nadadamay sa pakikipag-away niya. First week of school tapos ipapatawag agad sila Tita. Tapos pati ako pinagalitan kagabi dahil hindi ko raw binabantayan?" Naiinis na kwento niya. "Kung makikipag-away ka kasi Jean, doon ka sa walang makakahuling teacher!"

Siniko ni Jean ang dibdib ni Tim kaya nagtawanan kami. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang kine-kwento pa rin ni Tim ang nangyaring sermon sa kanilang bahay kagabi. Panay naman ang hagalpak ko dahil mukhang si Tim pa ang napagalitan kaysa kay Jean.

"Advice ko, huwag kang bayolente. Hindi porket gym rat ka na..."

"Isa pa, Tim, susuntukin na talaga kita!"

"Oh, tingnan mo bayolente na naman!" sumbong sa akin ni Tim habang tinuturo pa ang pinsan.

At dahil hindi na nakapagpigil si Jean sa inis ay sinuktok niya ang balikat ni Tim na tingin ko'y napalakas dahil halos tumalsik si Tim sa damuhan at napasigaw pa.

"Aray ko! Ang sakit non!" inda nito.

Iniwan ko sila roon at nauna sa building namin habang natatawa pa rin.

Kalahati na ng mga kaklase ko ang nasa room. Pero ang lahat ay wala pa sa kanilang mga tamang upuan kaya binaba ko na lang din muna ang bag ko sa upuan at pumunta sa kabilang room kung nasaan ang magpinsan.

Wala pa akong kaibigan sa mga kaklase ko. I'm a transferred student just this school year, Grade 11 student, taking ABM strand. My former school is not offering ABM strand kaya I have no choice but to transferred. At tingin ko naman ay mas mabuti dahil nandito ang kaibigan ko. And since first week pa lang ay hindi pa ako masyadong kumportable na kumilala ng ibang tao. Kaya kapag walang klase ay tumatambay ako sa room nila Tim.

Tim is my friend since elementary. Classmates kami at isang kanto lang ang layo ng bahay namin sa bahay nila kaya simula noon ay siya ang palagi kong nakakasama. Nagkahiwalay lang kami noong Junior High School dahil magka-iba ang pinasukan naming school. Pero hindi naman nawala ang communication namin sa isa't isa kaya hanggang ngayon ay kaibigan ko pa rin siya.

Trapped in this Fairytale Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon