Hila-hila nila Timothy ang kamay ko habang paakyat kami sa buidling ng STEM. At sa tuwing may madadaanan kaming mga estudyante ay lumalakas ang bulungan nila.
"Dito ba 'yon, Sheina?" tanong ni Tim habang sinisilip ang mga classroom sa second floor.
"Hindi ako sure. Magtanong tayo."
"Teka! Wait lang!" pigil ko sa kanila. "Seryoso ba kayo? Parang nakakahiya kasi... "
Si Jean lang ang pumansin sa akin. "Sabi mo in-accept niya friend request mo?"
"Oo nga pero... Hindi siya nagreply sa chat ko kaya baka hindi tayo kilala."
"Kilala ka niyan! Halos lahat pinag-uusapan kayo tapos hindi pa rin siya aware?" si Sheina. "Nasa fourth floor daw, head quarters ng SSD"
Pagkasabi ni Sheina noon ay dali-dali silang umakyat papunta sa fourth floor. At dahil hawak ni Tim ang kamay ko ay sumunod na lang ako.
"May acquittance party ba? Bakit naririnig ko sila nag-uusap tungkol sa isusuot daw sa party?" tanong ni Tim nang may madaanan kaming grupo ng mga babae.
Nagkibit balikat kaming lahat. Nakarating kami sa fourth floor at nakitang tahimik ang hallway hindi tulad ng mga nasa ibaba. Siguro dahil nandito ang faculty at ang mga laboratory rooms.
"Hindi pa ba tayo late?" tanong ko, nagbabakasakaling ipagpaliban muna namin ito.
"Maaga pa."
Bumuntong hininga ako at sumuko na lang.
Mabuti na rin siguro 'to para naman matigil na ang rumor. Hindi na rin ako nagiging kumportable na palaging tinitingnan at pinag-uusapan. Tuwing papasok hanggang sa uwian ako 'ata ang topic ng mga estudyante sa buong school. Baka magulat ako pati teachers pinag-uusapan na ako.
"Ito headquarters!"
Tumigil kami sa isang room. Sarado ang pintuan pati ang bintana pero may nakapaskil na 'STEM Student Department Headquarters'.
"Katok na kayo!" sabi ni Sheina.
"Kumatok ka na, Chan!" tulak ni Tim.
"Luh, bakit ako? Kayo na!"
"Kami ba ang may kailangan? Sige na, kakatok ka lang naman," si Tim.
"Kayo tumawag kapag kumatok ako," pakikipag-deal ko pa.
Umismid si Tim. "Hala, ano 'yon? Para namang bata. Sige na! Maayos naman itsura mo kaya ikaw na rin ang tumawag."
"Hindi ko naman sinabing pangit ako ngayon kaya kayo ang tumawag."
Tinawanan nilang tatlo ang sinabi ko. Pero hindi rin naman nagpadala at tinulak na ako para kumatok.
"Paano kapag wala siya?"
"Edi wala. Balik tayo mamayang uwian."
Sumimangot ako sa sinabi ni Sheina.
"Bilis na! Malapit na mag-time!"
Bumuntong hininga ako. Hindi naman ako kakainin ng mga tao rito.
Dahan-dahan ay inangat ko ang kamay ko para kumatok. Tatlong katok ang ginawa ko. Tumingin ako kila Tim na umaatras habang nangingiti. Sumimangot ulit ako sa kanila bago ulit kumatok ng dalawa pang beses.
Halos manghina ako tuhod ko sa kaba. Hindi naman ako sasaktan o ano man, pero mas malala 'ata ang nararamdaman kong kaba kaysa noong nag-defense kami noong Grade 10.
Mga ilang segundo pa nang bumukas ang pintuan. Pigil ang hininga kong sinilip ang taong nandoon.
"Oh, si Chantelle!"
BINABASA MO ANG
Trapped in this Fairytale
Ficção AdolescenteMahiwagang salamin kailan ba niya aamin ang kaniyang tunay na pagtingin? ----- Started: April 29, 2024 Ended: On-Going (cover photo is not mine) TAGALOG