Chapter 3

65 8 0
                                    

Napabuntong-hininga na lamang ang kanyang ina at tinapos ang mga gawaing bahay na hindi niya natapos. Saka niya pinuntahan ang natutulog nitong anak na sanggol pa lamang. Naawa nga siya sa anak niyang si Percy Lee dahil hindi nito maaaring kargahin ang nakababatang kapatid nito dahil na rin sa hindi pa nito kontrolado ang lakas nito. Siguradong kapag nagsimula na itong maging Cultivator ay saka lamang ito makokontrol ang tamang puwersang dapat na ilabas ng katawan ng kanyang anak. Napanatag ang loob ng kanyang ina dahil sa ligtas na nakauwi ang kanyang anak ngunit nag-aalala siya sa kanyang asawa. Medyo lumalalim na ang gabi kung kaya't binalot ng pangamba ang kanyang loob.

...
Medyo malalim na gabi kung kaya't mas lalong tumitingkad at lumiliwanag ang mga bituin sa langit. Walang bakas ng makulimlim na panahon na siyang pahiwatig na walang namumuong bagyo maski ulan. Napakatahimik ng lugar at tanging ang mga huni lamang ng mga insekto ang maririnig sa paligid na siyang nagbibigay kahulugan sa gabi. Walang bakas ng anumang kakaibang pangyayari ang maaaring makagulo sa pagpapahinga o pagtulog ng Lee Clan.

Sa apat na sulok ng maliit na silid ay makikita ang isang batang may puting buhok at may maamong mukha ang nagmemeditate. Itong batang ito ay walang iba kundi si Percy Lee. Nagkakaroon ng mga mumunting mga enerhiyang bumabalot sa katawan nito at paunti-unting nagkakaroon ng rotasyon at sirkulasyon sa enerhiyang parang sumasayaw at masayang pumapasok sa bawat ugat nito ngunit karamihan sa mga enerhiya ay pumapasok sa ilong ni Percy Lee direkta sa meridian nito sa bandang tiyan na siyang lokasyon kung saan matatagpuan ang dantian nito.

Sa edad na tatlo ay ginagawa na ito ni Percy Lee dahil sa musmos pa lamang ito ay naimpluwensiyahan siyang gawin ito. Nagsimula ito ng minsang pumunta sa pamilihan ang ama niya at isinama siya nito upang mamili't-mamasyal. Sa paglalakad nila ay maraming nakitang kakaibang bagay ang batang si Percy Lee habang karga-karga siya ng kanyang ama. Sa edad na ito ay nakakapagsalita na siya maging ang ibang mga bata dahil na rin sa mga Bloodline ng kanilang mga kaangkan.

May binili ang kanyang ama kung kaya't kailangan siysng ibaba muna ng kanyang ama upang maisilid sa bayong na dala-dala ng kanyang ama na si Teddy Lee.

Sa oras na iyon ay may lumilipad na kulay puting paro-paro na sobrang nakakaakit kapag tiningnan ng sinuman. Hindi nakaligtas maski ang batang si Percy Lee kung kaya't sinimulan nitong abutin at hulihin ang kaakit-akit na kulay puting paro-paro gamit ang mumunting kamay nito sa paniniwalang madadakip nito. Nagsimulang humakbang ang paa ng batang si Percy Lee upang hulihin ang paro-paro hanggang sa pabilis ng pabilis ang hakbang nitong. Hindi namamalayan ng batang si Percy Lee na malayo na siya sa lugar kung saan naroroon ang kanyang ama at mas lumalayo pa ang distansya na namamagitan sa kanila subalit patuloy pa rin sa lakad takbo at talon ang batang si Percy Lee hindi alintana ang mga siksikang mga taong bumibili sa mga eskenita. Ang atensyon lamang ng bata ang ang lumalayong pigura ng paro-paro na siya namang hinahabol nito. Ilang paliko-likong eskinita ang dinadaanan ng bata hanggang sa bigla na lamang nawala ang pigura ng paro-paro na siyang ikinapagtataka ng mumunting batang si Percy Lee na wala musmos pa lamang ang pag-iisip.

"Gusto mo bang makita ang kaakit-akit na paro-parong iyon?" Sambit ng isang tinig na animo'y uugod-ugod na.

Agad na napatigil sa paghahanap ang batang si Percy Lee sa pinanggagalingan ng boses at nakita nito ang isang matandang uugod-ugod na habang may hawak na baston.

"Opo! Kaarkit-arkit po ryon!" Sagot ni Percy Lee sa di mabigkas ng tama ang sinasabi nito.

"Naniniwala ka bang paro-paro iyon na lumabas sa katawan mo?" Sambit ng matanda habang nakangiti.

Kahit na makikita ang pagkamangha sa mukha ng batang si Percy Lee ay biglang naalala niya ang habilin ng kanyang am't-ina. Biglang nawala ang manghang ekspresyon nito sa mukha.

SUPREME ASURA: Lee Clan  [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon