MGA NASA IBABA

1 0 0
                                    

Kami na lang palagi
Hindi nila kami naririnig
Sila palagi'y may kinakampi
Anong meron sila na wala kami?

Nawawalan ng karapatang magsalita
Dahil hindi na raw ito mahalaga
Wala na ba talagang pag-asa pa?
Kahit kokonti ba'y meron pa?

Kahit minsan kami naman,
Kami ay may bibig rin naman.
Inyo kami palaging siniselyuhan.
At madalas hindi pinakikinggan.

Kami'y napapagod rin magsalita.
Sana ituon rin sa'min ang mata.
At huwag sana itong isara.

Pakiusap, 'wag muna kayo.
Sa amin naman ang atensyon niyo.
Habang ngayong binabasa mo ito.
Sana marinig mo ang tinig ko.
At sa gusto kong ipahiwatig dito.

------------------------------------------------------------

Written by groveswithleaves

VILLANELLE: Collection of Poetries  Written by groveswithleavesWhere stories live. Discover now