Chapter 2
"A-aray naman"reklamo ko kay naomi na nag lalagay ng yelo sa noo ko
Nandito kase kami ngayon sa clinic,dinala ako nung lalaking naka sapol daw sakin ng bola,bwisit bakit tumigil ang kapaligiran ng lumapit sakin yung padreng salvo na yun!pero hindi sya yun eh iba ang nag tanong sakin nun sigurado ako na hindi si padre salvo ang nag tanong sakin kung ayo-
"Araw!"daing ko ng diinan ni naomi ang hawak nya
Umirap ito"natamaan kana lahat ng bola nakangiti kapa dyan!"sabi nya na ikanataka ko
"Hindi naman ako Ngumingiti ah!"inis Kong sabi sa kanya
Hindi nalang nya ako sinagot,kaya naman naisipan kong tanongin sya nung nawalan ako ng malay kanina.
"Sino ba nag dala sakin dito?"tanong ko na ikinatingin nya
Tumaas kilay nya "yung ceilo daw sabi ni jared"sabi nya
"Yun ba yung nakatama sakin ng bola?"kase kung sya edi sya
Kabit balikat sya"sabi daw hindi,yung ceilo lang daw talaga ang nag sadyang tumulong sayo" sabi nya pa na ikinataka ko
"Pero kanina nakita ko si padre salvo"mahina Kong sabi pero sakto lang na marinig nya dahil diininan nya ang yelong hawak nya sa ulo ko
Muli akong napadaing,sinasadya na nya to na kakainis
"Bakit nanaman!?"naiiyak Kong sabi.ang sakit na kase papansin naman
Mukang matutuloy ang pag bukol sa ulo hindi dahil sa pagkakatama nang bola sakin kundi sa pisting hapones na ito
"Anong padre salvo!?Ano si Maria Clara ka naman ngayon?"parang tanga syang tumawa.
Ngumuso ako"Malay ko ba,kamukha nga si padre salvo eh"inis Kong sabi
"Ewan ko sayo"tanging nasabi nalang ni naomi.
Naka balik kami sa room,wala pa sila jared at cedrick dahil kinakausap daw Nila yung naka bato sakin,sabi ni naomi kilala daw Nila Jared yun kaya wag daw ako mag alala.
Sumakit ng kunti ang ulo kanina,ngayon mas sumakit pa lalo dahil sa mga peste kung kaklase.
"Pogi ba?"
Hindi
"Nag sorry sayo?"
Hindi
"Tinulongan kaba ni javier?"
Hindi
"Kamusta sya?"
Hindi
Sunod na sunod nilang tanong sakin,pero isa lang ang natuonan ko ng pansin javier sino naman yun ang pag kakaalam ko yung ceilo ang tumulong sakin.
"Sinong javier?"taka Kong tanong sa kaklase ko
Taka nya rin akong tiningnan"Teh?kilala na sya agad dito kahit kaka transfer palang nya nung last week"sabi nya
Luh buang yata ito ah,malamang kana transfer palang kaya hindi ko kilala tyaka pake ko naman sa javier nayan eh si marcus lang naman lagi ang nasa isip ko.
YOU ARE READING
Because I love you so much
RomanceSi Ainee viorel ay isang magandang babae,makulit at matalino..pero tanga naman sya sa pagmamahal she's so insane with marcus pero nag bago ang lahat nang yon ng masaktan sya sa mga sinabi ni marcus....hanggang sa May naka akit ulit sa kanya ito ay...