I can't believe this is happening to me.
No, I'm not scared but freaking angry!
At kanina pa ako paulit ulit na parang sirang plaka sa pagpapaliwanag sa mga police kung bakit hindi ko binalik ang bag that very moment.
"Dahil ang lakas ng ulan kagabi!" I'm so upset. "After duty ko pa sa trabaho nacheck ng bag na yan."
"Oh baka pinag-interesan mo?" Tanong ng isa sa mga police.
This time natawa ako, a sarcastic laugh. "Sa dami ng laman ng pera na yan edi sana tumakas na ako."
"Pero kumuha ka?" Pagsingit ng isang police na karating lang.
"Hindi." Matapat at matigas ko na sagot. "Kahit bilangin nya pa kumpleto yan."
Pero nasaan na ba ang babae na yon na gusto akong ipakulong.
Si Mama ay tinagawan din si Papa para sabihin ang nangyari.
Lumapit sakin ang karating lang na Police. "Kilala mo ba yong ninakwan mo Ms.?"
"Hindi ako magnanakaw." Mariin ko na sabi. Malapit na akong mapikon — "Wala akong ninakaw."
Tumawa ang police. "Pero na sayo yong bag ng pera. Pinag-interesan mo."
I'm about to say some remark when...
"Beshy!"
At humahangos si Tasya bitbit ang walis tambo.
"Oh sino naman to?" Tanong ng Police na kanina pa nang-eenterogate sakin.
But Tasya and I completely ignored them.
"Anong nangyari?" Tarantang tanong ni Tasya sakin. I can't even explain the look of her face. "Bakit ka nandito sa prisinto?"
Napahinga nalang ako. "Isa isa lang ang tanong Natasha." But i feel better dahil may kasama na ako. "May napulot kasi akong bag kagabi sa parking lot ng condominium hotel na pinagdeliveran ko."
Todo pamewang pa si Tasya habang nakikinig sakin. "Tapos?"
"Pera pala ang laman." Sagot ko. "Sabi eh ninakaw ko daw kaya ako nandito sa Police Station."
And the moment Tasya heard my answer, she face the police. "Mga sir, nakita nyo naman kung gaano kaganda ang best friend ko diba? Mukha ba syang magnanakaw?"
Titig na titig naman sila sakin.
"Hindi pero.."
Pumadyak si Tasya. "Ayan tayo sa pero eh, buts will not stand in court — we need evidence." Oo nga pala, Tasya is a political science graduating student kaya may alam nya ang batas. "Sinoli na nya yong bag diba? Wala namang kulang." Walang kumikibo. "May kaso ba?"
"As of now wala pa." Sagot ng isa sa mga police.
"But I'm thinking about it." Napatingin kami sa babaeng dumating — yong may-ari ng bag.
"Woah..." Natrinig ko na bulong ni Tasya na titig na titig sa babae. Well i can't blame her, ganyang ganyan ang reaksyon at itsura ko kanina. "Grabe, ano to? Dyosa?"
"Magsasampa po ba kayo ng kaso Ms. Advincula?" Tanong ng police sa babae.
Nagpanting ang tenga ko. "Anong kaso? Hindi ko naman yon ninakaw —"
"At hindi mo din binalik." Kontra sakin ng Police.
Nakakagalit talaga ang ganitong nga police, sariling batas hindi alam. Porket mayaman ang may-ari ng bag ay basta basta nalang magsasama ng kaso.
![](https://img.wattpad.com/cover/367652844-288-k856649.jpg)
YOU ARE READING
Bad Cinderella (Lesbian)
RomanceBuhay mahirap? Sanay na si Latoya dyan. Marami narin syang raket na pinasukan para maka survive sa araw araw at para narin sa pamilya nya. Layota is impressively beautiful, and sometimes she used that beauty para magkapera. She is also smart, a tot...