Aklat ng kwento natin

0 0 0
                                    

Ikaw ang aking akda sa lahat ng aking tula,
Ikaw ang aking paksa sa aklat na aking ginagawa.
Ikaw ang laman ng bawat pahina at linya,
Ikaw ang syang akda at  paksa sa bawat katha.

Ipagpatuloy ko pa ba ang aking ginagawa,
kung nakikita na kitang masaya sa piling ng iba. Makakaya ko kayang punitin ang bawat pahina  na
Aking nilikha na ikaw ang syang paksa at akda.?

Sayang ng aklat na ito kung siyang pupunitin ko,
siguro, itatago ko nalang ito bilang alaala ko sayo.
Sa aklat nato, nagkaroon tayo ng masayang       katapusan,
Kaya't sayang kung itatapon ko ito.

Sa buhay ika'y mamatay ngunit saking aklat ika'y hindi na mamatay.
Katulad ng pagmamahal ko sa'yo binigyan kitang buhay sa Aklat.

TintaWhere stories live. Discover now