Panimula

219 5 2
                                    

"Oh my god"

"Oh my god......"

Napasigaw ako dahil sa binabasa kong love story sa book, nakatuluyan kasi iyong dalawang bida kahit ang dami na nilang pinagdaanan sila parin sa huli.

Pero kaagad akong napatakip sa bibig ko nang marealized kong nakatingin sa akin ang mga taong nasa loob ng bus.

Kasalukuyan ako ngayon sa loob ng bus papunta sa province dito sa cebu, and yes hindi ko alam kung anong province ang pupuntahan ko dahil sa inis ko hindi na ako nagtanong kay mama.

Galing akong manila at dito ako magbabakasyon sa Visayas, summer na at dito nila ako pinagbakasyon sa cebu sa bahay ng tita ko kapatid ni mama. Actually hindi ata to cebu dahil halos buong araw akong nasa biyahe papunta lang sa lugar ng tita ko. Paglabas ko pa lang kanina ng airport umaga pa ngayon mag gagabi na nasa loob parin ako ng bus, siguro nga baka naligaw na ako.

Wag naman sana no. Nagkalat pa naman sa pilipinas na may nangunguha daw ng bata well hindi naman ako bata kaya safe.

Hayy nako kung puwede lang maglaho na muna o kaya pumunta sa ibang mundo ginagawa ko na masyado na kasing magulo sa mundo natin ngayon nagkalat narin ang mga sakit tulad ng virus at iba pa.

"Eneng puwede ba tumigil ka dyan ang ingay mo ere"

Gulat akong napalingon sa lolang nasa tabi ko nasa bandang bintana ako nakaupo at sa tabi ko naman itong lola, "Sorry po" sabi ko. Siguro naingay siya kanina dahil napasigaw ako. Kasalanan ko bang kinikilig ako?

"Kinikilig ka wala ka naman jowa," Sabi ulit ng lolong nasa tabi ko na kinagulat ko "At kung gusto mong pumunta sa ibang mundo kung nanaisin mo puwede kang makarating doon, ere." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

Para akong pinuhusan ng malamig na tubig sa sobrang kaba.

Paano niya nalaman ang mga sinasabi ko? Nasa isip ko lang ang mga salitang 'yon......

Magsasalita na sana ako nang biglang huminto ang bus.

"Lilly."

Napatingin ako sa baba kung saan nakita ko si tita Carmine sa baba, kumaway pa siya sa'kin. Subalit hindi ko magawang ngumiti dahil tulala ako.

Nang matauhan ako kaagad akong tumingin ulit sa katabi kong lola ngunit wala na siya roon.

Umiling-iling ako kung ano-ano iniisip ko baka hindi naman 'yon yong narinig ko baka mali lang ang narinig ko, oo tama yon nga namali lang ang pandinig ko.

Pagdating ko namin sa bahay ni tita Carmine kaagad niya akong hinatid sa taas kung nasaan ang kwarto ko dalawag palapag ang bahay at maayos naman siya gawa siya sa semento.

Pagpasok ko sa kwarto padabog akong humiga sa kama, nakakapagod ang araw na to.

Hindi ko na rin namalayan nakatulog na pala ako ni hindi ako nakapagpalit ng damit.

Kinaumagahan nagising ako dahil sa sikat ng araw tumatama sa mukha ko, gusto ko pa sanang matulog pero narinig ko ang pangalan kong tinawag ni tita. Bago ako bumaba naghilamos muna ako at nag toothbrush.

"Lilly," tawag sa'kin ni tita nang makita ako nasa hagdan pa lang ako " Good morning halikana mag almusal kana"

"Good morning tita" nakangiting bati ko hinila ko ang umupan saka umupo.

"Pagkatapos mong kumain puwede kang maglibot-libot may tulay doon sa may lawa maganda ang tanawin doon." Sabi ni tita

Tumango na lang ako bago kumain, gusto ko sanang tanungin si tita kung bakit mas pinili niyang manirahan dito kaysa sa manila madalas kasi bumibisita aamin si tita tapos umuuwi din siya dito siguro nga mas gusto niyang manirahan sa tahimik na lugar, at gusto ko din tanungin kung may boyfriend pa siya dito. Pero dahil sa gutom ko nakalimutan ko siyang tanungin.

Pagkatapos kong kumain lumabas ako ng bahay dala ko ang maliit kong backpack color black, sinusunod ko ang sinabi ni tita naglibot-libot ako. Kakaunti lang ang bahay dito dahil malayong province nga ito pero kahit na ganon, nakikita kong masaya ang mga taong naninirahan dito, simula kasi noong lumabas ako lahat ng mga taong nakakasalubong ko binabati ako ng magandang umaga. Kahit na hindi ko siya binabati pabalik at kahit nakasimagot ako binabati parin nila ako.

Nang mapagod ako kakalakad umupo ako sa may tulay, ito ata ang sinasabi ni tita na tuloy sa lawa. Maganda naman dito at sariwa ang hangin.

Inilabas ko ang wattpad book ko sa backpack ko para magbasa, nang may palakang tumalon mula sa kung saan napatayo ako wala sa oras muntik pa akong sumigaw. Gosh.

Tatalikod na sana ako para umalis nang biglang makulimlim ang kalangitan Kasabay non ang paghihip ng malakas na hangin at bigla din kumidlat, tila ba sa isang iglap nagbago ang pahanon.

Mula sa malakas na hangin may unti-unti akong nakikitang liwanag sa unahan ko, palaki ng palaki ang butas na iyon hanggang sa tuluyan na nga itong lumaki na para bang isang pinto.

Sa takot ko umatras ako, gusto ko sanang tumakbo paalis subalit hindi sumusunod ang katawan ko. Para unti-unti hinihila ang katawan ko palapit sa liwanag.

At sa isang iglap natagpuan ko na lang ang katawan ko unti-unting papasok sa liwanag.

MD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Vacation into Another World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon