Tatlong oras. Tatlong oras nang tutok sa computer ang mata ko para tapusin ang buong report sa kakatapos palang na kaso namin. Ramdam ko na ang sakit ng kamay, likod at leeg sa haba ng pagtatype.
Isa din kasi ito sa mga mahahaba naming kasong nahawakan kaya napakarami ding report ang gagawin para sa filing. Pero wala naman akong reklamo dahil tapos na ito at makakapagrelax na din ako sa wakas. Nakailang tipa pa ako sa keyboard at natapos ko din.
"Yes! Sa wakas tapos na!."
Napapalakpak pa ako pagkatapos kong maisave yung gawa ko. Mabilis din akong tumayo at nag inat ng katawan. Feeling ko ilang taon ang tinanda ko dahil sa report na yun.
Habang patuloy na minamasahe ang nanakit kong batok ay kumuha na ako ng tubig sa ref dito sa opisina. Kinuha ko na din ang lunch na binigay ng assistant namin dito. Hindi ko pa nakakain yun dahil sa kagustuhang matapos ko agad ang ginagawa ko kanina. Gutom na gutom tuloy ako ngayon.
"Kumain ka ng marami Aki, deserve ang magpafiesta ngayon." Natatawa kong pagkausap sa sarili ko.
Kasalukuyan kong ninamnam ang pagkain ko ng makarinig ako ng kumosyon sa labas. Napabuntonghininga nalang ako ng wala pa man ay alam ko na kung sino-sino ito.
Hindi pa nga ako tapos kumain at namnamin ang kapayapaan ko, may mga mangbubulabog nanaman.
Napapikit nalang ako ng bigla nalang bumukas ang pinto ng opisina ko. Wala ng bago sa mga to. Hindi man lang marunong kumatok.
"Hi Princess!" bati ni Kuya Von. Siya ang nagbalibag ng kaawa awa kong pinto.
"Bat andito nanaman kayo?!" Pasigaw kong tanung sa kanila. Alam kong mang-iistorbo nanaman sila. Dumiretso ng pasok ang tatlo kong mga kapatid at nagkani-kaniyang pwesto na sila.
"Nahila lang ako ng dalawang niyan." Seryosong saad ni Kuya Ven habang may inaasikaso sa laptop niya. Hindi naman yun nakakapagtaka kasi mas busy pa yan sa lahat samin dahil siya ang head namin dito.
Binalingan ko naman yung dalawa na abalang mangalkal ng pwedeng kainin sa ref ko. "Kayong dalawa, bakit kayo nandito?"
"Makikikain at tatambay lang sana kami dito Ate" sagot naman ng bunso namin na si Alec.
"Eh bakit dito? May lounge area naman sa labas. Magkakalat lang kayo rito eh" reklamo ko pa.
"Sis relax. Namimiss ka lang namin tsaka mas maganda dito no. Bonding time! Hahaha" patalon talon pa si Kuya Von papunta sakin para makiyakap. Mabilis naman na lumapit din yung bunso namin para makiyakap din.
Wala na akong nagawa kundi pabayaan nalang sila. Lagi naman eh. Mababait naman kasi talaga sila at sweet pa. At hindi ko din maitatangging sobrang naging busy kami nung nakaraan kaya ngayon palang talaga makakapagrelax. Natatawa nalang ako sa mga kalokohan ng kapatid ko.
"Psst Kuya Ven, hindi ka ba makikiyakap samin?" Pang-aasar ko sa panganay namin na si Kuya Ven. Actually, magkaedad lang naman sila ni Kuya Von dahil kambal sila pero panganay si Kuya Ven dahil siya ang unang lumabas.
"Ang cocorny niyo" wala nang nagawa si Kuya Ven kundi ang makisali samin.
Nasa ganoong sitwasyon kami nung pumasok naman si Papa, Mama at ang assistant dito sa company na si Ms. Valdez.
"Oh anu yan? Sali naman kami ng Papa niyo" game na game si Mama na sumali saamin. Hinatak pa niya si Papa para makisali sa yakap namin.
Nangingiti nalang si Ms. Valdez sa kalokohan ng pamilya ko.
"Tama na, di na ko makahinga" reklamo ni Kuya Ven. Kani-kaniyang angal naman ang mga kapatid at magulang ko.
Natatawang nagsipagbitawan na din naman kami bago pa magkaubusan ng hangin.
"What's brings you here Ma, Pa?" Tanung ko sa kanila.
"Oh, yes. Because of this" sabay bigay niya sakin ng folder. "I've already talk to your Kuya Ven about that assignment. It will be assigned to you" nakangiting saad ni Papa.
Bigla namang bumagsak ang balikat ko at napasimangot dahil sa narinig. Parang mauudlot pa ata ang relaxation na plano ko after matapos yung kaso kanina. Pero ganun talaga, hindi naman natigil ang mga kasong hawak ng kumpanya namin.
My family runs Apex Investigation and Security (ApexIS), an agency that provides investigation services for those who wants to solve cases which the law enforcements failed to do so and security services for those who needs protection.
We, my family and our hired agents fulfill tasks for our clients. We receive request and accomplish it for them.
"Wag ka nang malungkot anak, exciting naman yung bago mong assignment eh. Di ba gusto mo ng mga exciting na kaso" pagkumbinsi sakin ni Papa.
"Tsaka it is a personal requests from our friend for her son. So we really want to assign this to you anak kasi alam namin na kayang kaya mo" may ngiting sabi ni Mama.
Napapabuntong-hininga at walang magawang binuksan ko ang folder na inabot ni Papa sakin kanina. Napakunot ang noo ko ng makita ang picture ng isang banda doon. May limang lalaki na nasa stage sa harap ng napakaraming tao.
"Sino ang mga to?" Kunot-noong tanung ko sakanila. Hindi ako pamilyar sa mga sikat na banda ngayon.
"That's Crest. A famous band. They will be your new assignment" si Kuya Ven na ang sumagot. Patuloy pa din siya sa pagtipa sa laptop niya at hindi man lang nag angat ng tingin.
"Yes anak. The leader of the band is the son of our close friend. She wants to hire us to protect her son" dugtong ni Papa sa paliwanag ni Kuya.
Napabaling naman ako kay Kuya nang nagsalita ito. At parang nafifeel ko na hindi ito ang definition ng excitement na gusto ko na ibinebenta saakin kanina ni Papa.
"So you will be their bodyguard"
*KateZeal, 2024
BINABASA MO ANG
Keeping You Safe
RomanceAkivelle Lianne Sismundo is one hell of a woman. She throws punches that could sent you to a hospital. A kick that can paralyze and lead the parts affected into a useless piece of body. Danger does not scares her. It is better to think that danger s...