INABOT ko ang remote at pinause ang video ng balita tungkol sa Crest. Isang sikat na banda sa bansa ngayon. Kinabibilangan ng limang miyembro na sina:
Crayson Andrew Salvador - Leader, Vocalist, Lead Guitar
Bernard Nicolas Nuñez - Vocalist, Rhythm Guitar
Mark Benedict Pascual - Bassist
Ace Joshua Vega - Keyboardist
Steven Kim Castillo - DrummerBinasa ko na ang lahat ng files tungkol sa assignment na to at para makakuha pa ng ibang impormasyon, pinanuod ko na din ang mga latest na balita sa grupo.
Kasalukuyang namamayapag sa larangan ng musika ang grupo. Napakarami na nilang fans sa loob at labas ng bansa. Kasalukuyan din silang naghahanda sa magiging concert tour nila. Ramdam na ramdam ang suporta ng fans sa kanila dahil sold out halos lahat ng concert stops nila sa loob lang ng ilang oras.
Hindi ako pamilyar sa mga sikat na banda o artista ngayon. Bihira din kasi akong manood ng TV o makinig sa balitang showbiz. Wala na rin namang oras para doon dahil napakaraming kaso ang natatanggap ng agency namin na kailangang tutukan. Kung sa pagiging negosyante ang titingnan, maswerte ang negosyo namin at hindi kami nawawalan ng kaso. Ngunit kalakip din niyon ang katotohanan na mahina ang pagkamit ng hustisya sa bansa o ganun nalang din kapangib ang manirahan dito.
Binalingan ko naman si Kuya Ven na nakaupo sa lamesa dito sa loob ng conference room. Kanina pa kaming dalawa dito para idiscuss ang magiging assignment ko.
"Gaano na ba kalala ang stalking issue at threat na nakukuha nila para ihire tayo Kuya?" Tanung ko sa kapatid ko.
"Medyo malala na at alarming na siya. Pero wala pa namang umabot na may nasaktan sa kanila. Well, beside sa kalmot ng mga fans at pasa kapag sinusubukan silang abutin o hawakan" agad namang sagot nito. Hindi naman talaga maiiwasan na magkasakitan pagganon dahil sa excitement na din ng fans.
"So ang gagawin ko lang talaga ay bantayan sila?" Tumango naman agad si Kuya Ven.
"Kuya naman! Wala namang excitement sa assignment na to eh. Binubudol niyo lang ako ni Papa" reklamo ko naman sa kanya. Ang boring boring naman kasi nito. Para akong magbebaby sit sa limang lalaki. Sila pa nga lang na tatlong mga kapatid ko eh sakit na sa ulo, may lima pang dadagdag.
"Actually, si Crayson naman talaga ang assignment mo dahil siya ang may pinakamalalang death threat sakanila. Pero dahil ayaw niyang magpakuha ng personal na bodyguard, kinuha nalang ng mama niya ang serbisyo natin para sa grupo dahil need naman talaga nila ng protection from stalking and other assault. Of course, we will still focus more on Crayson. Kailangan din nating malaman kung sino ang nagbabanta sa buhay niya dahil hindi tayo sigurado kung iisang tao lang ba to o marami sila" seryosong sagot sakin ni Kuya Ven. Napakaseryoso talaga niya lalo na sa trabaho. Naiintindihan ko naman kasi siya ang pinagkatiwalaan ni Papa na maging head ng agency after nitong magdesisyon na magretiro.
Ayon nga sa files ay mama ni Crayson Andrew Salvador ang kumuha sa serbisyo namin. Si Crayson ang leader ng grupo at siya rin ang nakakatanggap ng napakaraming death threat ngayon. Naaalarma na ang magulang niya sa safety ng kanilang anak kaya humingi na ito ng tulong sa magulang namin.
Kung hindi lang talaga personal na inassign to sakin ni Papa at Mama, kukulitin ko talaga si Kuya Ven na iba nalang. Kahit naman kasi si Kuya na ang head ng agency, may say pa din naman si Papa at Mama sa mga cases or assignments dito.
Wala na talaga akong kawala nito. Okay lang naman siguro ang bagong assignment na to. Pwede naman kasing si Kuya Von nalang ang iassign dito.
"May kasama ba ako dito o solo assignments lang talaga to?"
"Ikaw lang ang nakaassign sa case na yan para hindi din magduda ang banda, lalo na si Crayson. Hindi niya naman kasi sineseryoso ang mga death threats niya" paliwanag ni Kuya.
BINABASA MO ANG
Keeping You Safe
RomansaAkivelle Lianne Sismundo is one hell of a woman. She throws punches that could sent you to a hospital. A kick that can paralyze and lead the parts affected into a useless piece of body. Danger does not scares her. It is better to think that danger s...