CRIZA
"So, ano?"
"Anong ano?"
"Gusto mo si Harvey?"
"Laro!"
"Criza Joy 'sige deny pa' Taa."
"Mute challenge muna tayo for today's video, dear. Okay lang?" tanong ko kay Esnyr habang naka face mask kami at nakahiga na sa kama nya. Si Onie hindi na pumunta dito at nilasing ata kaya umuwi na muna kaya kami muna ni Esnyr ang nandito ngayon.
"Sa akin ka pa talaga mag tatago ng feelings! Una palang napapansin ko na yang mga tingin mo kay mister President kaya wag mo akong pinapatahimik jan," sabi nya habang inaayos ang facemask.
"Anong tingin sinasabi mo jan? Masamang tingin? Ganon?" Tanong ko, trying my best to act casual katabi sya't minamassage ang mukha gamit ng jade roller. Yung tipong kaka deny ko pati feelings ko sakanya gusto ko na pa-void. Ayaw ko na nga isipin kasi ayaw ko na maalala yung napanood kong eksena kanina.
Hindi ako kasali sa laro nilang tulakan kanina sa pool pero parang may tumulak na rin sa akin na itigil ko na tong pagkaka crush ko sakanya. Hindi ako nag enjoy sa pa pool party ni Harvey dahil nilunod ako ng realizations na oo nga pala, hindi pa pala yung crush yung final boss, may isang level pa na kailangan i clear – ang kababata.
"Kung masamang tingin ang category, feeling ko top answer 'jan is yung tingin mo kanina nong iniwan nating naguusap si Bianca at Harvey sa table. Napa inom si ate mo ng smirnoff kahit na promise ng promise sa darling nya na hindi iinom," sabi ni Esnyr.
"Na-o'O.P. lang kasi ako lahat ng tao umiinom, ako lang hindi." Patuloy kong pag deny. Ika nga nila, deny deny hangga't ang feelings ay mamatay.
Nang tumunog ang timer ni Esnyr, sabay namin inalis ang face mask at tumayo galing sa pagkakahiga para itapon.
Agad kaming bumalik sa kama nya nang itapon namin ang face mask. Ang saya talaga kapag tumutuloy ako dito kina Esnyr, nakaka-pag pamper ako gamit ang mga skincare nya. Akala ko hihiga na kami at matutulog na nang mag-indian seat sya bigla at humarap sa akin. Kinuha nya pa ang palad ko at hinawakan. Mago'open forum ba kami? Bakit ganito sya makatingin?
"Wag ka na mag-lie 'jan, dear. Kung ayaw mo ipaalam kay Onie, iz'zip ko ang bibig ko at ipapakain ko sa pirana ang susi. Just be honest with me. Bestfriend mo ko at hindi mo kailangan itago sa akin. Sige ka, magiging utot pa 'yan kung pigil ka ng pigil," sabi nya na punong puno ng sinseridad.
Hinintay ko ang 'laro lang! good night!' at baka jinojoke time lang ako ni Esnyr. But after a while, he looked at me with nothing but sincerity.
Napabuntong hininga ako, unti-unting sumusuko. Bakit ko nga ba tinatago sa kanya, out of everyone sya ang pinaka tunay kong kaibigan. Silang dalawa ni Onie. Umupo ako galing sa pagkakahiga, pabebe akong tumingin sa kanya at kinagat ang kuko ng hintuturo.
"Gano'n ba ako kahalata?" I asked and cutely pouted. Bigla syang tumili. Na-alarma ako kaya agad kong tinakpan ko ang bibig. Gaga 'to, parang hindi pa alas-tres! Ang lalim na ng tulog ng mga tao sa bahay nila.
YOU ARE READING
take a chance {crizvey}
FanficIn the halls of St. Louis Academy, Criza and Harvey were academic rivals, constantly battling for the top spot in class. They were known for their debates and achievements, but little did anyone know that they shared a deep bond as anonymous best fr...