MAYBE THIS TIME EPISODE 3

230 21 0
                                    

BORJ POV

May pasok na naman, makikita na naman kita Roni. Sorry if I need to distance myself for a while. Kailangan ko lang pigilan kung ano man yung nararamdaman ko para hindi na lumaki.

I decided na wag na munang pumasok sa first class namin. Nandun naman sila Epoy, Jelai and Missy para alalayan sya.

Tumambay na lang ako sa gym para makapagbasketball. Nang mapadaan si Epoy ay sinenyasan ko na lang sya na wag syang maingay kanila Roni.

RONI POV

Nang makadating ako sa room ay nandun na sila Jelai, Missy and Epoy.

Roni: Nasan si Borj?

Jelai: Wala pa eh!

Missy: Naku ayan na si sir.

Professor: Attendance please, Ms. Salcedo.

Inabot ko na sa kanya yung attendance list and ng makita nyang wala si Borj ay pinagalitan nya ako. First class pa man din namin to and wala akong gaanong tulog kaya mabilis akong mairita.

Prof: Nasan si Mr. Jimenez?

Roni: Wala pa po sir eh.

Prof: Diba sabi ko sayo, team work ang additional points mo sa subject na to. Everytime na may aabsent mababawasan ka ng puntos. Gusto mo ba yun?

Roni: Ayaw po.

Prof: Wala naman syang excuse letter na may practice sila sa varsity so there's no reason para hindi sya makapasok sa class ko. I'm giving you 10 mins para hanapin sya or else I'll be deducting some points sa grades.

Roni: Sir naman.

Prof: May angal ka Ms. Salcedo?

Roni: Wala po.

Bumalik ako saglit sa upuan namin nila Jelai para tanungin sila kung nakita ba nila si Borj.

Roni: Hindi nyo ba sya nakita?

Jelai: Galing kaming tambayan bago kami pumunta dito wala naman dun.

Missy: Epoy! Bakit hindi ka nagsasalita?

Roni: Nasan ang magaling mong kaibigan?

Epoy: Roni, wag mong sabihin na ako ang nagsabi ha! Nasa court nagbabasketball.

Roni: Thanks!

Dali-dali akong tumakbo papunta sa gym para mahanap sya. Nang abutan ko sya ay kausap nya sila Trisha kaya lalo akong nainis. Nilapitan ko syang agad at piningot sa tenga.

Roni: Sorry girls, excuse us.

Borj: Roni, aray masakit!

Tinanggal ko na yung kamay ko sa tenga nya at hinanap yung bag nya. Kinuha ko yun at binigay sa kanya ng patulak sa tiyan.

Borj: Aray naman!

Roni: Kung ayaw mong pumasok wala namang problema sakin pero pwede bang wag sa subject na to kasi mababawasan yung grades ko ng dahil sayo.

Borj: Hindi ko naman alam.

Roni: Pwes ngayon alam mo na so pwede na tayong pumasok kasi 10 mins lang yung binigay sakin para makita ka.

Hinila ko na sya at pinilit syang maglakad ng mabilis. Nang makadating sa room ay hindi ko na sya pinansin sa sobrang bwisit ko sa kanya.

Prof: Mr. Jimenez kailangan pa bang sunduin ka para lang pasukan ako sa klase ko?

Borj: Hindi po sir, sorry. Hindi ko po kasi napansin yung oras.

Prof: Kung hindi ka pumasok ngayon mababawasan ng grades si Ms. Salcedo. For your punishment, Ms. Salcedo and Mr. Jimenez, you need to make a project for me.

Roni: Sir, bakit ako kasali. Nahanap ko naman si Mr, Jimenez.

Prof: Ms. Salcedo sa kakaangal mo baka gusto mong dagdagan ko pa ang punishment nyo.

Roni: Ano po bang gagawin?

Prof: You need to apply sa newscasting team para makapasa kayo sa subject ko.

Borj: Sir, may practice po kami ng varsity.

Roni: Meron din po akong cheering squad na sinalihan.

Prof: Well that's not my problem. I'll see you next meeting magiiwan na lang ako ng gagawin nyo.

Nang lumabas si sir ay napatingin naman sakin si Jelai at Missy dahil sobrang nastress ako. Dagdag na naman sa oras ko tong panibagong task na binigay samin.

Jelai: Sis, kaya mo yan.

Epoy: Wala naman kayong problema sa pag-aapply kasi si Tonzy may hawak nung organization na yun. Yun nga lang kakain pa din ng oras nyo.

Roni: Tara na, sa tambayan na lang tayo. Para makatulog pa ako.

Missy: Tara! Kayo Borj, Epoy?

Epoy: Sige sama na kami.

Nauna na akong maglakad sa kanila at dire-direcho ng pumasok sa loob ng tambayan at umakyat sa kwarto.

Yuan: Anong problema nun?

Jelai: Tanungin mo si Borj.

Yuan: Anong ginawa mo pare?

Borj: Hindi ko naman kasi alam na madadamay sya kapag hindi ako pumasok sa class namin. Napagalitan sya tas nadamay pa kasi kailangan naming mag-apply sa organization nila Tonzy.

Tonzy: Oh! wala namang problema dun tatanggapin ko naman kayo.

Missy: Eh kaso lang diba may practice sila sa varsity at sa cheering squad lalo sila mawawalan ng oras sa studies nila.

Yuan: Borj talaga oh!

Tonzy: Hindi pa man din ako pwedeng maging lenient sa inyo dahil nakakahiya din sa mga members ko.

Borj: Alam ko naman yun pare kaya nga nahihiya ako kay Roni.

Yuan: Mag-sorry ka na lang mamaya nandyan na yan eh!

Junjun: Tama kesa bumagsak kayong parehas magtulungan na lang kayo.

Borj: Ano pa nga ba magagawa namin.

Tonzy: Jelai, Missy akyatin nyo na yun sa taas baka kung ano na sinisira nun.

Jelai: Sige, pahinga na din muna kami.

BORJ POV

Sa kagustuhan kong iwasan sya ay napasama pa lalo yung sitwasyon at napahamak ko pa sya. Ano kayang pwede kong gawin para mapagaan yung binigay na punishment samin ni sir.

Habang nagpapahinga kami sa tambayan ay dumating si Basty at hinahanap si Roni.

Basty: Yuan, sister mo?

Yuan: Nasa taas bakit?

Basty: Meron kasi kaming practice ng cheering squad. Borj, pwede bang makisuyo. Paabot naman to sa mga prof nyo, excuse letter para hindi sya hanapin.

Kinuha ko naman yung papel at binasa yung nakalagay.

Borj: Isang linggo, bakit ang tagal?

Basty: Meron kasing dadating na bisita next week kailangan naming magperform.

Borj: Sige pre, ako ng bahala dito.

Yuan: Wait lang papababain ko na.

Basty: Sige, salamat.

Nang bumaba si Roni ay kinausap na muna nya ako about sa excuse letter nya.

Roni: Borj, pabigay na lang muna nyan ha! Tsaka na natin problemahin yung sa org nila Tonzy.

Borj: Sige Roni, ako ng bahala dito.

Roni: Tsaka pumasok ka sa mga classes natin para makakopya ako sayo ng notes next week ka na tamadin at ako naman papasok para kung gusto mo mang umabsent may makopyahin ka din ng notes basta yung isang class natin please.. wag mong iiskip.

Borj: Opo, promise. Sige na.. Hinihintay ka na ni Basty.

Roni: Thanks!

Borj: Bati na tayo ha!

Roni: Oo basta, yung bilin ko sayo.

Borj: Opo! 

Maybe this timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon