MAYBE THIS TIME EPISODE 11

470 35 13
                                    

RONI POV

Maaga akong pumasok sa school at baka magbago pa ang isip ni Tom na magpractice. Kaya 6:30 AM palang ay nakadating na ako sa school pero mukhang ready naman sya at maaga ding pumasok.

Nang makababa ako ng sasakyan ay nandun na din sila sa gate ng mga barkada nya. Sinalubong na nya ako at dinala yung mga gamit ko.

Tom: Ang aga ha! Excited kang makasama ako?

Roni: Baka magbago kasi isip mo.

Tom: Alam mo sa lahat ng nakita kong pagirl na cheerleading ikaw lang ang laging nakacap.

Roni: Ang dami mong napapansin. Tara na!

Tom: Nagbreakfast ka na ba?

Roni: Bakit ililibre mo ba ako?

Tom: Hindi magpapalibre nga ako sayo eh!

Roni: May dala akong food. Kumain na lang tayo sa auditorium.

Tom: Hahaha.. Ang agang makatunog ng mga knight in shining armor mo Ms. President. Ayaw ba nila ng nalalamangan ko sila?

Roni: Bakit?

Tom: Nandyan na si Borj, nagprapractice ng basketball. Si Basty naman nasa cheering. Napakasipag naman nila kahit weekend todo practice.

Roni: Magpapakita lang ako sa kanila. May gagawin din kami ni Borj dito sa school mamaya.

Tom: Sasamahan na kita, para maaga kong makitang bwisit na bwisit yang bestfriend mo.

Roni: Pwede ba?

Tom: Hahaha.. sumakay ka na lang. Hindi ko naman sila aawayin. Iinisin ko lang.

Roni: Tara na!

Napakaingay naman nitong isang to, wala na syang alam gawin kung hindi mang-inis at mangbwisit ng ibang tao.

'Pinanganak ka bang galit sa mundo at lahat ng tao gusto mong inisin kahit sobrang aga pa'.

Naglakad na kami papunta sa gym para mapuntahan ko muna si Borj. Nang makita nya akong kasama si Tom ay nagsalubong na agad ang kilay nya. Hindi din naman pinalampas ni Tom ang pagkakataon para inisin sya.

Tom: Roni, sandali!

Roni: Bakit?

Inayos nya yung buhok ko at inilagay sa likod ng tenga ko. Pati yung cap ko inayos nya ng konti para lang mainis nya si Borj.

Tom: Yan, maganda na.

Roni: Talagang hindi ka magpapa-awat!

Tom: Yan ba ang bestfriend? Galit na galit agad kapag may umasikaso sayong iba?

Roni: Pwede, maupo ka na muna. Kakausapin ko lang sya. Akin na yang bag ko. Bibigay ko lang yung food ng mga kateam nya.

Tom: Nice naman, meron pang suhol ang bestfriend sa mga kateam.

Roni: Shut up!

Tom: Tatahimik na, dalian mo baka mainip ako. Magtaguan pa tayong dalawa.

Roni: Saglit lang to!

Tom: Ok po!

Nang lumapit ako sa kanya ay hindi pa din nya inaalis yung masamang tingin nya sakin kaya hinampas ko sya sa tyan.

Borj: Aray!

Roni: Ang sama ng tingin mo para mo akong kakainin ng buhay!

Borj: Ang aga nyo namang magkasama nyan.

Roni: Diba sabi ko sayo kagabi may practice kami.

Borj: Bakit ka nandito?

Roni: Papaalala ko lang na kailangan nating pumunta sa org ni Tonzy mamaya. Tsaka may dala akong food para sa inyo.

Maybe this timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon