Prolouge

4 0 0
                                    


10 years ago..

                Kinakabahan. Iyan ang nararamdaman ko ngayong tutungtong na ako sa panibagong yugto ng aking buhay bilang mag-aaral. Ngayong araw kasi ay araw ng aming brigada eskwela. Biruin mo ang isang gaya ko ay na-nominate bilang isang Secretary ng aming section? 


Halos hindi kami magkakilala at mukhang na-trip-an lang naman ako. Kinakabahan ako kasi hindi ko naman alam kung magagampanan ko nang ayos ang posisyon ko. Ewan ko, OA lang siguro ako HAHA. Pero ayos na rin, panibagong experience na rin sa akin ngayong Grade 11 na ako.

Nagsimula na magtalaga ng gagawin ang aming guro. Kaunti palang ang kilala ko sa classroom kaya nahihiya pa akong kumausap sa iba. Pinag-try lang naman ako nila mama at papa na mag-exam sa school na ito. Ayon, pinalad at nakapasa kaya ngayon ay dito ko ipagpapatuloy ang senior high ko at hindi na sa paaralan na mas malapit sa bahay namin.

Kumuha na ako ng pamunas at isang tabo na may tubig at detergent powder. Pupunasan kasi namin itong pader. Habang nagkikiskis ng pader, napansin ko ang katabi ko. Tulad ko'y tahimik lang din siya habang ginagawa ang nakatoka rin sa kanyang parte ng pader. Napansin ko na simple lang siya. 

May makapal na kilay at pilik-mata, shoulder length na buhok, at matangos na ilong. Naka oversized white shirt siya na pinartner sa baggy pants. In short, kahit simple siya, maganda siya.

Unang araw ng brigada at gusto ko rin magkaroon ng kaibigan. Inilista ko rin iyon sa journal ko. Isa sa mga goal ko ngayong senior high ay ang magkaroon ng mga malalapit na kaibigan kaya naman naglakas loob ako at nagsalita.

"Hello, anong pangalan mo?" medyo mahina kong tanong. Kung hindi niya marinig, edi okay lang. Kunwari bumubulong lang ako sa hangin at kinakausap ang sarili dahil sa pagka-buryo sa kakakuskos nitong pader naming puro dumi na.

Ang awkward. Napalingon siya sa akin at itinuro ang sarili niya. Kita sa ekspresyon nya na nagulat siya dahil nananahimik siyang nagkukuskos ng pader tapos heto ako't iniistorbo suya. 

Tumango naman ako sa kanya bilang hudyat na siya nga ang kinakausap ko.

"Ah, Iliana Pesquera. Ikaw, anong pangalan mo?" nakangiti niyang tanong habang nagkukuskos pa rin ng pader.

"Kaia Pajarillo," napatango-tango naman sya.

"Ikaw yung nanalo kanina na class secretary?"

Grabe naman sa nanalo. Parang tumakbo ako bilang secretary ng isang ahensiya ng gobyerno. Iniisip ko pa rin na wala lang silang mapili kaya una akong ni-nominate. Dahil una ang pangalan ko sa listahan at hindi rin kilala ng iba ang isa't isa, kaya sila nagsitaasan ng kamay noong tinawag ang apelyido ko.

"Ah oo, eh ikaw. Nanalo kang PIO diba?", agap kong tanong.

Napatawa naman siya ng mahinhin, "Hindi ko nga alam kung anong ginagawa bilang PIO eh."

"Kaya yan, wala naman siguro pinapagawa. Siguro ako, paate-attendance lang," biro ko.

Natawa naman siya sa sinabi ko. "Hindi lang attendance, siguro pati pagsusulat sa board kapag mayroong ipapasulat ay sa iyo rin ipapagawa."

Ah shems. Oo nga pala, madalas sa secretary pinapasulat ang mga need kopyahin sa board.

"Hindi naman siguro palagi, kapag wala lang ang mga teacher."

"Maganda ka ba magsulat?" nakaangat ang isang kilay na tanong niya.

"Syempre naman. Nakakahiya naman kung tumuntong akong senior high na pangit pa rin sulat ko." pagmamayabang ko.

"Siguraduhin mo lang, baka hindi ako makakopya sa board kapag pangit sulat mo." pang-aasar niya.

"Grabe ka naman sa akin," nagkunwari pa akong nasaktan sa sinabi niya. Tumawa lang siya habang napapailing-iling.

Nagpatuloy na ulit kami sa pagpupunas ng pader. Nagpunas din ako ng bintana. Ang daming alikabok dahil halos dalawang buwan ding hindi nalinis ang classroom gawa ng bakasyon.

Nagkakabiruan na kaming dalawa. Buti naman at nagkaroon na ako ng kaibigan ngayon pa lang.

Isa sa napansin ko kay Iliana ay mahinhin siya. Mahinhin magsalita pati na rin sa pagtawa.

I find it endearing. I never met someone na soft spoken tulad niya. Pero hindi ako magpapakasiguro, baka isa lang ito sa mga act tuwing pasukan na kunwari tahimik pero kapag nakilala mo, sobrang ingay pala.

Pero wala naman problema sa akin iyon. Aaminin ko, iba rin humor ko at maingay kapag kasama ko ang mga close friends ko. Na-miss ko tuloy mga JHS friends ko.

Mga alas tres ng hapon, ginagawa na lang namin ang pag-aayos ng upuan then after non, pwede na kami umuwi.

May kumulbit sa akin, "Uuna na ako, Kaia. Nice meeting you ulit!" paalam niya habang nasa likod ang isa pa naming kaklase na lalaki. Kasama niya ata umuwi.

"Nice meeting you too! Ingat kayo," I waved my hand at them.

Habang nakahiga sa kama, napagdesisyonan kong hanapin si Iliana sa Facebook. Hindi naman naging mahirap kasi tinignan ko na lang ang group chat ng section namin at hinanap siya sa members.

Mga isang oras din akong nag surf sa aking social media accounts bago mag notify sa akin na in-accept na niya ang friend request ko pati follow request ko sa ig account niya.

Agad kong tinungo ang profile niya. Wala akong makitang kahit anong picture. Napaka-lowkey naman ng taong ito.

Buti pa siya lowkey lang sa social media, ako heto't puro share ng memes. I mean once or twice lang ako nagshe-sharedpost at kadalasan naman hindi memes. More on daily affirmation din naman.

Binuksan ko ang gc namin ng ka-circle of friends ko nung junior high school.

Organisasyon ni Eggnesita

Hsjshsjs, may friend na ako sa classroom namin

Iris

Good for you sissy

Rhea

Baka ipagpalit mo na kami😞

Gordon

Can't relate, magpapaka-mysterious muna ako.

Faelo

Sus. Mysterious daw pero dadaldal din naman after makipag palagayan ng loob sa cms niya.

Lizzy

True


         Natatawa na lang ako sa kanila. Nine kaming magkakaibigan, madalas lilima or pipito lang kaming active sa gc. Kanya-kanyang schedule lang. Kung kailan free yung isa mag seen sa gc. Ka schoolmate ko pa rin naman ang tatlo sa kanila, si Bert, Faelo, at Lizzy. Hindi nag try yung iba sa amin dito sa school na nilipatan namin, STEM lang kasi ang ino offer ng school na ito.


Hays, napagod talaga ako ngayong araw. Makapag pahinga na nga. Inilagay ko sa bedside table ko ang cellphone ko bago tumihaya. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito dahil nakilala ko ang una kong kaibigan ngayong senior high ako.


Dahil sa pagod, napahikab ako at nag-unat. Maya-maya ay napapikit na ako at mahimbing na natulog. Next week na ang pasok namin at need kong sulitin ang maaga kong tulog.

Before You Knew | GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon