Chapter 1

1 0 0
                                    

                 Two weeks na ang nakalipas matapos ang brigada. Sad to say na hindi kami naging magkatabi ni Iliana dahil may mga katabi na siya that time at na-late rin ako ng pasok kaya no choice ako kung hindi umupo sa tabi ng bintana sa may second row samantalang siya ay nasa kabilang dako ng classroom, pang fourth row.


Buong first quarter ay ito na ang seating arrangement namin. Wala naman akong problema, kasalanan ko rin naman dahil na late ako.


Ipinagpapasalamat ko na lang dahil naging ka close ko rin ang mga ka seatmates ko pati kapwa ko officers. Naging super saya ng unang buwan ng school year na ito.

"Psst, Kaia. Kilala mo ba iyong nasa third floor? Lizzy ang name?" Tanong sa akin ni Caryl.


Napahinto ako sa pagkain. "Oo, bakit?"


"Ang ganda eh, crush ko na ata."


"Bading, straight ata yon," singit ni Kels.


"Ihh, crush lang naman."


Isa sa ikinagulat ko sa school na ito ay gender inclusive ito. Wala kang makikitang homophobic, or kung meron man, sinasarili na lang nila ang opinyon nila. Mukhang nasanay na sa environment dito.


Mostly sa mga friends ko noong jhs ay hindi rin straight. Mostly mga bi. Alam ko sa sarili ko na hindi ako straight pero I can't conclude what's my sexuality.. for now. Papakiramdaman ko muna sarili ko bago ko label-an ang sarili ko.


"Si Kaia nananahimik lang pero nagagandahan yan dun sa kaklase nung friend nyang si Lizzy," pang-aasar ni Caryl.


"Aysus, Kaia. Mga tipo mo, mga poganda," gatong ni Kels.


Aaminin ko, sinabi ko sa kanila na nagagandahan ako kay Estrella. Sino ba namang hindi? She looks beautiful on her pixie hair. She aced that haircut. Bagay sa face shape niya. Dagdag pa na singkit siya tapos may katangkaran ng kaunti sa akin tapos maputi.


"Baka may chance ka don sis. Feel ko bading yon."


"Hindi 'te, admiring from afar lang ako." natatawang sabi ko.


"Anong admiring from afar? Nasa second floor lang tayo habang nasa third floor sila. Ang OA mo." pagtataray ni Caryl.


"Oh bakit? Hirap kaya makasulyap kapag magkaibang floor tapos hindi pa ako mahilig lumabas ng classroom," bawi ko.


"Problema mo na iyon."


"Saka naitanong ko na rin si Lizzy noong nakaraan kung bading ba talaga si Estrella. Hindi daw. Napagkakamalan lang daw dahil sa haircut niya. Actually may boyfriend na nga sya, nasa ibang school lang." Mahabang paliwanag ko.


"Kawawa naman pala itong sissy natin. Hindi pa nakaka-usbong ang pagka crush niya, nagka heartbreak agad." Hinahaplos-haplos pa ni Caryl ang buhok ko. Wow, parang kanina lang inaaway niya ako. Iba talaga mood swings nito.

Before You Knew | GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon