04 - Kung Alam Mo Lang, Masarap Maging Isang Bata

15 0 0
                                    

Habang may oras pa, ilista mo ang mga gusto mong gawin:

Magbasa, magsulat, kumanta, sumayaw, gumuhit,

mag-aral, gumala, mangarap kung anong gusto mong maging.

Kumain ng masasarap na pagkain, pumunta sa iba't ibang lugar,

Magpalipad ng saranggola, o makipaglaro sa mga kaibigan.

Masarap mabuhay.

'Wag ka munang magmadali tumanda.

Masarap maging malaya.

'Wag mo munang asamin ang kumita ng pera.

Sulitin mo ang mga panahon ng paglalaro.

Minsan mo lang makikita ang mundo bilang palaruan.

Sa mga susunod na taon, ang mga responsibilidad ay hindi matatapos.

Sa ngayon maglaro ka muna, minsan ka lang maging isang musmos.

Nin (31 Tula Para sa Batang Ako)Where stories live. Discover now