023 - Pagmasdan Saglit ang Mundo

4 0 0
                                    

Unang patak ng ulan sa gitna ng tag-araw,

Huling piraso ng paboritong pagkain,

Bagong kaalaman tungkol sa bulalakaw,

Pagsibol ng munting bulaklak sa hardin,

Amoy ng bago at lumang libro,

Paglapit ng munting pusa sa kalye,

Masarap na tokneneng sa kanto,

Mag-isang pagsubok na bumiyahe,

Biglaang gala kasama ang kaibigan,

Ginhawang dulot ng unang suweldo,

Masayang paglalaro sa ilalim ng ulan,

Pagsabay sa kantang paborito . . .

Ang mundo ay hindi nababalot ng kalungkutan.

Lagi't laging may kabutihang nagkukubli.

May kasiyahan sa bawat maliliit na bagay.

Minsan, kailangan lang magmasid para ngumiti.

Nin (31 Tula Para sa Batang Ako)Where stories live. Discover now