Part 1

372 8 0
                                    

Ang kwentong ito ay hindi naaangkop sa mga bata. Naglalaman ito ng mga paksang sensitibo pagdating sa temang pangkasarian tulad ng pag-iibigan ng dalawang lalaki, ngunit tumutukoy sa realidad pagdating sa ganitong mga usapin. Kung kayo ay sensitibo sa ganitong paksa ay huwag na sanang tumuloy pa sa pagbabasa. Ang mga karakter at pangyayari sa kwento ay pawang kathang-isip lamang. Kung mayroon man itong pagkakatulad sa tunay na buhay ay paniguradong hindi sinasadya at pawang nagkataon lamang.

_______________________PROLOGUE

"I can't take this anymore.. hindi ko na kayang pinagdududahan ako ng ibang tao!! Ayaw kong magbago ang tingin nila sakin!"

"eh ano bang gusto mong gawin ko!?" tanong ko.

"mabuti pa, tapusin na natin itong relasyon natin bago pa 'to malaman ng iba..."

Iyon ang mga katagang huli kong narinig sa boyfriend kong si jake bago sya tuluyang nakipagbreak sakin. Hindi man lang nya hinintay ang opinion o magiging sagot ko sa kanyang sinabi, at tuluyan na nga nya akong iniwan. Wala na akong nagawa pa dahil matagal na akong kinutuban na mangyayari ang bagay na yon.

Nanlalambot ang aking mga tuhod at napaupo na lang ako sa mahabang upuan. Nakadikit ito sa pader ng maliit na konkretong silid na tinatawag naming tambayan. Medyo malaki ang kwartong yon na pag-aari ng student organization kung saan kaming dalawa ay parehong myembro. Nakapwesto ito sa loob ng isang building na matatagpuan sa loob ng university kung saan kaming lahat ay nag-aaral. Dito sa tambayan kami unang nagkakilala, at di ko akalaing dito din magtatapos ang lahat sa aming dalawa.

Sa room na ito sya nagconfess sakin, at dito din kami palihim na nagkikita at naglalambingan. Natatandaan ko pa nung hindi nya sinasadyang masabi ang nararamdaman nya para sakin. Kami lang dalawa noon sa room na ito, may mga klase kasi ang ibang orgmates namin. Dinatnan nya akong nakahiga sa upuan, nakapikit ang aking mga mata. Siguro inaakala nyang tulog ako kaya sinabi nyang mahal na mahal nya daw ako, at nahihirapan daw syang sabihin yon sakin dahil pareho kaming lalaki. Halos pabulong ang pagkasabi nyang yon, pero hindi yon nakaligtas sa aking pandinig. Nagulat sya ng bigla akong bumangon at hinalikan sya sa labi. Napakatamis ng una naming halik. Palibhasa matagal na rin akong inlove sa kanya that time. Gumanti sya ng halik sa akin, at doon na nga nagsimula ang lahat sa amin.

Tuluyan na akong napahagulhol nang bumalik sa aking isip ang mga pangyayaring yon. Pero alam ko naman na wala na akong magagawa. Wala rin naman akong mapagbuhusan ng sama ng loob. Nanatili akong nakaupo habang pilit na pinipigilan ang aking paghikbi sa madilim na sulok ng kwartong yon.

___________________________ 1

"Oh ako naman, game over ka na, haha!" sigaw ko sabay agaw sa cellphone ko na hawak ng isa ko pang orgmate na si Dereck. Magkatabi kaming nakaupo sa mahabang upuan sa loob ng tambayan. Naroon rin ang iba pa naming orgmates na busy sa paggawa ng reports na ngayon ang deadline.

"eh ang daya mo naman eh, ako ang naglalaro, tapos nakikipindot ka naman", ang naaasar na ungot nya sakin.. kasalukuyang kaming naglalaro ng piano tiles na paborito naming libangan.

Natawa na lang ako at tinapik-tapik ang kanyang batok, pampalubag loob. Gwapo rin si dereck, katulad ni jake. Matangkad sya at maputi. Makinis ang mukha at matangos ang ilong. Gustong gusto ko din ang pagkachinito nya, na katamtaman lang ang pagkasingkit, at normal naman ang laki ng mga mata. Natutunaw ako kapag ngumingiti sya sakin, at lumalabas ang dimple nya sa kaliwa nyang pisngi. Mahilig syang magsuot ng fit na damit, na bagay naman sa kanya dahil maganda ang hubog ng kanyang katawan. Yon ang dahilan kung bakit maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya, na hindi naman nya pinapansin. Ang ayaw ko lang eh ang lagi nyag pagsusuot ng cap ng nakabaliktad ang harap sa kanyang ulo, natatakpan kasi lagi ang maikli at itim na itim nyang buhok.

Maswerte akong naging orgmate ko sya, sobrang sweet nya kasi at maasikaso sa lahat ng mga kaibigan nya, marami din tuloy ang nakaka-misinterpret sa ginagawa nya, at isa na ako don. Hindi ko na pinalalim ang attraction na naramdaman ko sa kanya noon, kasi naman ay alam kong straight sya, at walang chance na pumatol sya sakin. Bukod pa ron ay ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin. Mabait lang talaga sya. Inisip ko na nga dati na sabihin sa kanyang bisexual ako kasi alam ko namang maiintindihan nya, pero pinilit ko na ring itago, dahil gusto kong protektahan ang lihim namin ni Jake.

"kainis naman eh" ungot nya sabay kagat sa braso ko.. napaaray na lang ako sabay tawa. Sinuntok ko sya ng mahina sa kaliwa nyang braso. Masaya ako na sobra kaming mas naging close nitong mga nakaraang linggo. Sya lang kasi lagi ang madalas kong nakakasama lately.

Nasa ganoon kaming sitwasyon ng bumukas ang pinto. Napatigil kami sa pagkukulitan para tingnan kung sinong nagbukas non, pati na rin ang iba pang orgmates namin na naroon ay napatingin din. At laking gulat ko sa aking nakita.

"Hello, pwede ko bang papasukin itong kasama ko? Ipapakilala ko lang sa inyo." Ang nahihiyang sabi ni jake habang kaholding hands ang isang magandang babaeng kanyang tinutukoy.

Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Nangilid ang luha sa aking mg mata. Kakabreak lang namin ah, bakit pinalitan na nya agad ako?

"Is there a problem?" bulong sakin ni dereck. Hindi ko na napansin na kanina pa pala syang nakatitig sa akin. Napatiningin ako sa kanya, at naramdaman ko ang sincere na pag-aalala nya.

"Wala, pano naman ako magkakaproblema?" tugon ko sabay bigay ng pilit na ngiti. Sa tingin ko'y hindi sya naniniwala pero nagkibit balikat nalang sya at ginantihan ako ng kanyang matamis na ngiti.

"Oo naman, pwede kayong pumasok, bakit naman hindi?" ang masiglang pagbati kay jake ni Leah, isa ko pang orgmate na naroon din nang mga sandaling yon. Wala syang kamalay malay sa bigat ng aking nadarama.

Unang lumapit si Jake sa kinaroroonan namin ni Dereck. Abot tenga ang ngiti nya habang hila-hila ang kamay ng kanyang girlfriend. Masigla sya at direktang tumingin sa akin, na animo'y nang-aasar.

"Oh, Sam, si Jane, girlfriend ko... Jane, eto naman si Samuel, isa sa mga close friends ko talaga dito, no girlfriend since birth yan.." ang natatawang biro nya sakin na alam ko namang may meaning.

"Talaga? Never ka pa nagka girlfriend? Sayang naman ang kagwapuhan mo. kung gusto mo lang eh papayag akong ipagpalit ko tong si Jake sayo..." biro nya sakin. Pinilit ko na lang na ngumiti.

Wala kang kamalay-malay sa sikreto ng boyfriend mo. Pero sana magtagal kayo. nasabi ko na lang sa aking sarili. Nakatunganga parin ako nang biglang sumabat sa usapan si dereck.

"Ako po si Dereck, nice to meet you!" ang medyo papansin at exaggerated niyang tugon sabay akbay sakin ng mahigpit gamit ang kanyang kaliwang kamay, habang iniabot kay jane ang kanan, upang kamayan sya.

"hello, I'm jane!" ang enthusiastic na response ni jane. "grabe jake ha, ang gugwapo pala nitong mga org----"

Hindi pa sya natatapos magsalita ay hinatak na sya ni jake papunta sa iba pa naming mga orgmates. Hindi ko napigilang mapangiti ng bahagya matapos akong akbayan ni dereck. Pakiramdam ko kasi ay tinutulungan nya ako nang mga oras na yon, kahit wala naman syang idea sa mga nangyayari. Pero kahit na ganon ay talagang nasasaktan pa rin ako. Pagkaalis nila ay agad akong tumayo. Balak kong pumunta na cr upang doon umiyak. Habang naglalakad ako palabas ng tambayan ay ramdam kong nakahabol ng tingin sakin si dereck siguro ay nagtataka sya.


Love Comes When you Least Expect ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon