Part 6

159 4 0
                                    

Sa kalagitnaan ng gabi ay nagising ako dahil may nararamdaman akong malambot na bagay na dumadampi sa aking leeg. Mainit iyon at parang nakakabasa. Nagulat ako ng marealize ko na si Roland pala iyon, kissing my neck. And what I felt soft, lips pala nya yon. Sa gulat ko ay napapiglas ako. Pero malakas ang mga braso nyang nakayakap sa akin. Hindi ako makagalaw. Humarap ako sa kanya.

"SShhh.. Sam, It's okay. Don't worry, wala akong gagawing masama sa'yo." bulong nya na may halong pag-aalala. Inayos nya ang magulo kong buhok habang ang mga mata nya'y nakatitig parin sa akin. "I won't do anything stupid, I love you.. Just trust me." Malambing nyang sabi, at ang sarap pakinggan. Hindi ako nagsalita, sinabi nyang mahal nya ako, yun lang ang umiikot sa isip ko. Hinintay ko ang susunod nyang gagawin. Patuloy lang sya sa paghalik sa leeg ko. "Hhmmmm....."yun na lang ang lumalabas sa kanyang bibig. Ang init ng labi nya. napapikit ako sa ginagawa nya. Maya-maya pa ay iniangat nyang muli ang kanyang ulo at tumingin sya sa akin. Naaaninag ko ang mukha nya mula sa malamlam na ilaw na nagmumula sa lampshade. Ang ganda nyang pagmasdan. Nagtama ang aming mga mata, at ramdam kong puno iyon ng pagmamahal. Hindi ko yon naramdaman kay Jake dati, tanging sa kanya lamang. Matapos noon ay hinalikan nya ako sa noo. Hanggang sa dahandahang dumako ang kanyang labi sa aking ilong. Pagkatapos noon ay tumingin syang muli sa mga mata ko. I felt his eyes asking for my permission. Alam ko na ang susunod nyang gagawin. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata, bilang pagpayag sa gusto nyang gawin. Doon ko na naramdaman ang kanyang mga labi, dahan-dahang dumidikit sa akin. Una ay banayad, at mahina. Pero unti-unting nagiging mariin at malalim. Mapusok. Para kaming ulol na sabik na sabik sa isa't isa. Parang matagal na namin iyong ginagawa, na pagkatapos ng mahabang panahon ay ngayon lang namin iyon muling natikman. Ang kaliwa kong kamay ay ihinawak ko sa kanyang batok, samantalang ang kanan ay patuloy na nakayakap sa kanyang likod. Matagal na nakadikit ang aming mga labi, naghiwalay lang ang mga ito nang kapwa kami nauubusan na ng hininga. Hingal na hingal kami pagkatapos noon. Pero nakapako parin ang tingin nya sa akin. Masaya ang mga yon. He then gave me a quick peck on my lips. Napangiti ako.

"Sobrang matagal ko nang pinapangarap yung halik na yon. Akala ko, hanggang sa panaginip lang pwedeng mangyari yun. I'm so glad na hindi ka tumanggi." sabi nya. Tahimik lang ako at hindi sumasagot. "Alam mo, hindi na lang infatuation ang nararamdaman ko sa'yo ngayon.... With such a short period of time, I think I've fallen for you...... Hindi ko parin maexplain kung paano, pero,..... parang matagal na kitang kakilala." mahina, pero malambing ang tono ng pagsasalita nya. Hindi na lang ako umimik at niyakap ko nalang sya. He rested his head on my chest.... And with that..... I've never felt so comfortable before.

++++++++++

Lumipas ang mga araw at patuloy parin ang pagsuyo ni Roland sa akin. Hindi sya nagsawa sa panliligaw sa akin kahit na alam nyang wala pa sa isip ko ang magboyfriend ulit. Samantala, patuloy pa rin ang pangungutya ni Dereck kay Roland. Hindi na kami ngayon nagkikita na kasing dalas noong dati, dahil si Roland na ang lagi kong kasama. Pero alam ko naman na hindi parin nagbabago ang pagiging malapit namin sa isa't isa. Alam ko naman na alam na ni Dereck na bisexual ako dahil alam kong nakikita nya na iba ang tinginan namin ni Roland sa isa't isa, pero hindi naman sya nandiri sa akin, 'di tulad ng panlalait nya kay Roland sa sexuality nito. Siguro ay hindi sya magtatanong sa akin, hangga't hindi ako ang umaamin sa kanya.

Kahit na lagi kaming magkasama ni Roland ay hindi ko pa rin sya ipinapakilala sa mga friends at orgmates ko. Actually, mas gusto nya pa nga na ipakilala ko sya sa lahat ng mga kaibigan ko, dahil acquaintances na naman nya ang ilan sa mga ito. Kapag may nakakasalubong kaming kakilala ko ay ginagawa ko na lang excuse na classmates kami sa isa sa mga GE courses ko. Pero kahit na eager sya na makilala lahat ng kakilala ko, nakapagtataka na wala man lang syang ipinapakilalang friends nya sa akin.

"Desidido ka na ba talaga dyan?" tanong ko kay Roland. Gusto kong pag-isipan nyang mabuti hanggang sa huling pagkakataon ang desisyon nya sa pagshi-shift. Tapos na naming asikasuhin ang lahat ng kailangan para mapalipat na sya sa ibang college dito sa university, particular na sa pagshift nya sa kurso na kapareho ng sa akin.

"Sa pagkakataong ito, wala na talaga tayong magagawa, kung magbago na ang isip ko. Approved na kaya ako sa college nyo. Hehe." Mukhang masaya pa sya. Sa tingin ko naman ay hindi sya nag-aalala.

"Sige.. basta, walang sisihan ah? Ikaw ang may gusto nyan eh." sabi ko na lang.

"Ngayon, hindi na nila tayo mapaghihiwalay! Bwahahaha!!!" pang-aasar nya.

Ang bilis ng mga pangyayari. Sa susunod na semester kasi ay magsisimula na sya sa bago nyang kurso. Hindi ko na sya pinigilan dahil alam kong totoo ang sinabi nya na matagal na syang nakapagdesisyon.

"Haha. Sam, naaalala mo nung---- oh, wait." Napatigil sya sa pagkukuwento nang mapatingin sya sa bulletin board na nakapwesto sa hallway ng isang building kung saan kami kasalukuyang naglalakad. Lumapit sya at itinuro ang isa sa mga publication materials na nakapaskil dito. Sinundan ko sya ng tingin at narecognize ko na agad ang gusto nyang ipakita.

"Sam! May orientation pala ang org nyo sa Thursday ng gabi, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?" tanong nya.

"Kaylangan ko bang sabihin sayo? As if namang interested ka."

"Bakit hindi? Eh magiging kapareho ko rin naman kayo ng major sa future ah?"

"Hay, Roland, alam mo naman na mahirap makapasok sa isang org dito sa university natin di ba? Hindi ito katulad ng sa ibang school na magsign-up lang ng registration sheet, eh automatic member na agad. Kailangan paghirapan muna ang lahat, para in the end, you will feel special at maitreasure mo yung pagiging miyembro." Paliwanag ko.

"Alam ko naman 'yon. At hindi naman ako palaging nagbibiro. Seryoso ako sa mga ganitong bagay. Alam kong mahirap, pero hindi na ako baby. I mean, baby mo ko, pero kayang kaya ko naman ang sarili ko. Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Eh, hindi lang naman yung process ang inaalala ko. Paano kung naging tayo na, tapos biglang nagbreak tayo, eh di awkward, kasi maliit na lang ang mundong ginagalawan natin?"

"Eh, sino bang may sabi na magbebreak tayo."

"Walang forever, Roland." Napahugot tuloy ako.

"Ow come on, babe. Wag ka kasing makikinig sa mga bitter na yan. Another thing is that, we're friends, and we will always be. Wala sa vocabulary ko ang awkwardness. Trust me, I'll take care of the situation."

And for the nth time, wala na naman akong nasabi. Hindi ko alam kung bakit ang bilis nyang magdecide ng mga bagay bagay, napailing na lang ako sa mga sinabi nya. Iniisip ko din ang dahilan kung bakit sunud-sunuran na lang ako sa kagustuhan ng mga tao sa paligid ko. Tinanong ko na dati about dun si Clark, na magaling mag-assess ng mga bagay-bagay. Sabi nya isa daw kasi sa personality ko yung pagiging pleaser. Ang gusto ko ay maging Ok ako sa lahat ng tao, so madalas, sinusunod ko ang gusto nila. Takot daw kasi ako sa rejection. Palibhasa lagi akong mag-isa nung bata, at bihirang magkaroon ng kalaro.

"Babe, don't worry, syempre iniisip ko pa rin naman talagang mabuti ang lahat bago ako magdecide. Balak ko na naman talagang sumali sa org nyo eh, nagkataon lang na meron na agad opportunity ngayon." Paliwanag nya.

"Hala, sige, bahala ka na sa buhay mo. Basta kung feeling mo na makakabuti sayo yan, eh di susuportahan na lang kita."

"Salamat babe!" sa katuwaan nya ay niyakap nalang nya ako bigla, kahit na alam nyang maraming tao sa paligid namin. Natouchako sa inasal nya.s


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Comes When you Least Expect ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon