Dahil sa sakit na dulot ng heartbreak, itinuon ko ang sarili ko sa ilang makabuluhang bagay. Inayos ko ang aking sarili. Bumalik ulit ang hilig ko sa pag-aaral ng piano. Kumuha ulit ako at itinuloy ang ilang buwang naudlot na piano lessons. Paminsan-minsan ay nagjajamming kami ni dereck, dahil magaling syang mag gitara, at meron naman kaming maliit na keyboard sa loob ng tambayan. Pero kahit marami na akong pinagkakaabalahan, pilit paring sumasagi sa isip ko si Jake. Alam ko sa sarili ko na bitter pa rin ako. Nasabi ko na lang sa sarili ko na hindi sya karapat dapat sa akin, dahil hindi nya kayang ibunyag sa lahat ang sikreto namin...
On the other hand, masyado naman dumalang ang pagdalaw ni Jake sa aming tambayan. Kung pumunta man sya ay hindi na namin naaabutan ang isat isa. Siguro ay busy sa pagpapaligaya ng kanyang girlfriend. Not until the month of December. Nakaugalian na kasi sa aming org na magcelebrate ng Christmas party sa huling linggo ng pasukan bago sumapit ang Christmas break. Hindi na ako nagulat ng makita kong umattend noon si Jake, wala kasing umaabsent sa amin sa mga ganung klaseng okasyon. Sa gitna ng program, palagi kong nahuhuli ang lihim na pasulyap-sulyap sa akin ni jake. Parang may gusto syang sabihin sa akin. Binalewala ko naman iyon at itinuon ko nalang ang aking attention sa ibang members, lalo na kay dereck, na hindi tumitigil sa pangungulit sakin. Naging kumportable na ako sa company nya. Maya-maya pa ay tinawag na ako ni Alex, ang emcee namin. Pinilit kasi nila akong maghanda ng intermission number, tutal eh nagpi-piano naman ako.
"...and now, para sa isa pang bonggang intermission number, tinatawagan ko po si Mr. Samuel Dionisio.. palakpakan naman kayo dyan!!" nangingibabaw ang malakas at excited na tinig ni Alex sa loob ng room.
Tumayo ako at pumunta sa harapan na nagsisilbi naming stage. Kinuha ko ang keyboard at iniayos paharap sa kanila. Ang lahat ay tahimik at pinagmamasdan lamang ako habang nag-aayos. Wala silang idea kung ano ang kakantahin ko dahil hindi ko naman yon sinabi sa kanila at hindi ko din yon pinapractice sa harap nila. Nagsimula ako sa isang simpleng dedication.
"Pasensya na, alam kong magpapasko, pero malungkot yung kakantahin ko.. gusto ko lang talagang makanta to ngayon sa harapan ninyo..idinidedicate ko ang kantang ito sa lahat ng secret crushes ko! Para sa inyo to!..." ang biro ko, na me lihim na patama sa ex ko.
Nagtawanan ang lahat pero nanatiling tahimik si jake, at ganun din si dereck na sya na namang ipinagtaka ko. Nagkibit balikat na lang ako at nagsimula nang tugtugin ang intro ng kanta..
"turn down the lies, turn down the pain.."
Nakapikit ako at dinadama ang bawat salita ng kanta, habang patuloy ang pagtipa sa keyboard na nasa harapan ko... impit na napatili ang ibang babae, marahil ay nakakarelate sila, o kinikilig sila sa idea na meroong totoong tao na inaalayan ko ng kanta..
"Ssshhhhh!" ang suway ng iba habang pilit na pinapatahimik ang mga babaeng kinikilig upang mapakinggan nila ng maayos ang aking pagkanta. Nagpatuloy ako sa pagkanta ng hindi parin iminumulat ang aking mata..
"turn down these voices, inside your head..
Lay down with me, tell me no lies
Just hold me close, don't patronize....
Don't patronize me...."
Agad kong iminulat ang aking mga mata, at tumingin ako ke Jake.. we looked into each other's eyes, bago ko itinuloy ang chorus ng kanta..
"Cause I can't make you love me, if you don't..
You can't make your heart feel something you won't...
Here in the dark, in this final hour,
I will lay down your heart, and feel the power, if you don't..
![](https://img.wattpad.com/cover/43748119-288-k750895.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Comes When you Least Expect It
RomansaThis is a story of a man looking for a person who will love him unconditionally. And when he finally finds it, he has given more than enough to handle. Subaybayan natin ang kwento ni Sam, ang kanyang magulong college life, at ang kanyang nalilitong...