SI-JAHK

7 3 0
                                    

PROLOGUE

"Three more lapses around, faster!"

Hinihingal man ay dere deretso pa rin akong tumakbo kasama ang ibang athletes. I am used to running but this- this is hell. We already did more than the usual lapses our seniors give us before. He is certainly tiring us!

"Janyle, is that all you got?" He pointed out some other athletes. "You can do it, lalaban ka 'di ba?" I don't know if he's encouraging us or what. Ang gusto ko lang ay matapos na ang three lapses na ito! "I can't hear you shouting, guys!"

"Hah!" Sunod sunod ang pagbuga namin ng hangin. We ran until we finished the lapses. Nang bigyan nya kami ng permiso ay dumeretso ako sa mga bench ng field para makapagpahinga saglit. I checked my phone and it's almost 6AM in the morning and yet, wala pa ring liwanag. I counted minutes before drinking my water.

I roamed my eyes around and I can see the other athletes I am with. I see how tired they are already- just like me. I know that our tournament is close and I understand that our senior is readying us for that, but I swear, we never did this before! The others never made us run for almost 10 lapses around this huge field. Tanging sya lang. Non-stop pa! Napailing na lang ako.

"Warm up na!" Our senior shouted again. Alerto naman kami at sumunod sa kanya. We went inside the gymnasium na malapit lang sa field. Kanya kanyang pwesto ang mga players sa sahig at nagsimula na sa warm ups nila. I did the same, tinapos ko muna ang mga warm ups for my upper and lower body bago umupo sa sahig to condition my flexibility. I spread my legs, open wide. 'Yung tipong straight talaga at saka ako yumuko.

"AAAHH, SHIT!" Napasigaw ako bigla nang makaramdam ng bigat mula sa likuran ko, dahilan para mas lalong dumikit ang katawan ko sa sahig. "Aahh, coach, aray!" I couldn't help but to complain, binigla nya ang katawan ko!

"Sus, kaya naman pala e" He said nang makita na naka dikit naman ang katawan ko. Tumawa pa sya ng mahina sa daing ko. Umalis rin sya pagkatapos. Inangat ko ang katawan ko at dinama ang sakit. Nakasimangot tuloy ako buong training dahil sa pambibigla na ginawa ng senior namin.

"Oh, tangina, napano ka?" Tumatawang bungad sa akin ni Azi kaya inirapan ko sya. Kahit anong subok na gawin ko para maglakad mg maayos, hindi ko talaga kaya. Hindi ko alam kung training pa ba ang pinagawa ng senior na naka assign sa amin kanina o parusa. Grabe, eh, sagad yata sa buto!

Umupo na lang ako sa harap nya at ibinaba ang dala kong bag. Nagtawag na rin ako ng waiter para mag order. "Isang Salted Caramel Iced Latté" Aniko at tinignan pa ang menu na inabot sa akin ng kabigan ko. "Saka ito" Tinuro ko sa waiter ang pagkain na gusto ko. Tinanong pa ako ng waiter kung iyon lang ba at tumango naman ako. Pagkaalis ng lalaki at humarap na ako kay Azi at handang bulayawan sya.

"Shhh! Alam ko na ang sasabihin mo, 'wag ka nang magsalita" Pagpigil nya. For the second time, I rolled my eyes at her. "Kaya hindi ako sumama today dahil alam kong si Senior Karlz ang naka assign sa inyo, okay na?" She mocked.

"Aba't talagang!" I fought the urge to kick her ass dahil nasa Café and Love kami ngayon at public place ito.

"Don't worry, sasama naman ako bukas" Bawi nya. Dumating na ang order ko at inilapag nila yon sa table namin. Hindi na ako nagtaka na dalawa iyon dahil baka nag order at nagsabi na rin si Azi na isabay ang kanya sa akin. I took my iced latté and took a sip from it.

"Dapat lang, 'no. Hindi pwede na ako lang ang mag isang naghihirap sa Karlz na 'yon!" Reklamo ko pa. Si Azelleah lang naman kasi ang sobrang ka close ko sa team. The rest? Wala na akong pakialam!

"Alam mo, Sie? Hindi rin kita maintindihan, eh." Panimula nya. Sumimsim sya saglit sa inumin nya bago uli nagsalita. "Ka level mo na sana si Karlz ngayon kung hindi-"

Out of the GameWhere stories live. Discover now