"Ava, dalhin mo 'to doon sa poso at labhan mo"
Tumingin ako sa dalang basket ni Tiya Candy. Ang bagong asawa ni tatay. Kadarating niya lang dito noong nakaraang linggo.
Tahimik akong tumango. Walang reklamong kinuha ang basket na basta nalang niya ipinatanong sa lupa. Nalaglag pa ang iilang mga damit doon.
Matangkad ako kahit na sampung taong gulang pa lamang ako. Morena at hanggang pwetan ang natural kong kulot na buhok, alagang-alaga kasi ito ni mama.
Namatay si mama noong nakaraang taon. Kinuha niya ang sarili niyang buhay. Depresyon. Yon ang sinasabi na naririnig ko. Ang dahilan ay sobrang kahirapan raw sa buhay pero hindi ako naniniwala.
Masaya si mama. Hindi ko nahalata ang dinadala niya sa tuwing magkasama kami. Sa buong araw namin sa bahay, sa pagluluto, sa pagwawalis at pagpupunas, sa paglalaba o kahit sa panonood man. Magkasama kaming tumatawa.
Hindi ako naniniwalang hindi siya masaya. Hindi ako naniniwalang iiwan niya ako. Hindi ako naniniwalang basta nalang niya akong pababayaan. Hindi niya ako iiwan.
Alam kong may ibang dahilan.
Naglakad ako patungo sa poso. Naroon si Anima. Ang aking pinsan sa tatay. Naghuhugas siya ng pinggan habang ang maliit na speaker na tila lata ng coke ay tumutugtog. Naroon ang musika ng grupong iniidolo niya. Korean boy group yata yon.
"Bang! bang! bang! Bang! bang! bang! Ppangya, ppangya, ppangya Bang! bang! bang! Bang! bang! bang! Ppangya, ppangya, ppangya"
"Hindi ka ba naririndi diyan?" Inilagay ko sa tabi ang basket at saka ko kinuha ang dalawang timba at palanggana. Paghihiwa-hiwalayin ko kasi ang de-color at puti.
"Ano ka ba, kapag mahal mo, kahit sumabog ang eardrums mo, matitiis mo"
Napailing nalang ako at nagpatuloy na sa paglalaba.
Nagpatuloy ang ganoong sitwasyon ko. Tumigil ako sa pagpasok sa eskwelahan dahil kulang ang perang ibinibigay kay Tiya Candy ng Itay. Abala naman ang ama ko sa pamamasada ng tricycle at pagkakarpintero minsan.
Nagbabasa ako ng libro nang bigla akong sabunutan ni Tiya Candy. Halos sumubsob ako sa sahig ng bahay.
"Tiya!" Ramdam ko ang paghapdi ng aking anit. Ang sakit na nakuha kong lumuha lalo na nang mas hilain niya pa ang buhok ko. Naalis ang pagkakapusod noon at tuluyang naputol ang sanriyong ginamit ko. "Masakit po"
Hindi lang ito ang unang beses na pinagbuhatan niya ako ng kamay. Madalas ang pagpalo niya sa akin ng walis, paghampas sa akin ng timba o basket o minsan ay ang pagpukpok niya ng ulo ko gamit ang sandok sabay pagtawag sa akin ng tanga.
"Nawawala yong isang daan sa cabinet ko! Pambili ko yon ng kojic! Ikaw lang ang nandito! Sinong kukuha non, ha! Subukan mong magdahilan at mas malilintikan ka sakin!"
"Hindi po ako, Tiya. Maniwala po kayo. Hindi po ako kukuha ng akin" iyak ko. "Hindi po ako"
"Sinungaling! Magnanakaw ka! Hindi ka pa nakuntento na pinapakain kita!"
"Tiya—" kinaladkad niya ako. Nasinok pa ako sa paghagulhol ko. Ang sakit, lalo na nang tinulak niya ako palabas ng bahay.
Nakita ko si Anima na nasa kanilang bahay, nagwawalis. Wala ang kaniyang ina at mga kapatid. Siya lang kasi madalas ang naiiwan sa kanila. Walang tutulong sa akin.
"Talagang bubugbugin kita" hinila niya ang isang stick sa basurahan.
Napapikit ako. Naghanda ako sa panibagong sakit, mas masakit, pero hindi yon dumating.
Dahan dahan ang naging pagmulat ko at halos malaglag ang panga ko nang makitang hindi ako ang nahampas ni Tiya kundi ang isang batang lalaki.
Malaki ang stick at alam kong babakat yon sa kaniyang balat kahit na nakadamit pa siya nang tamaan ni Tiya.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE SERIES: CROSSING THE LINE
RomanceAvianna Aimee Gutierez has been tolerating the Herrera's notorious playboy since she was ten. She had been living her life babysitting and cleaning Ares' mess. She's his personal assistant slash maid, slash driver, slash cook, slash mess vacuum clea...