Chapter 9

1K 16 0
                                    

Sa wakas nakarating na rin kami sa school. Maraming mga studyante ang naririto, mga ka batch ko lang. Siguro titingnan rin nila kung San hospital sila o company I assign.

Pumasok kami ni Justine sa building namin na puro nursing student lang. Pagkapasok namin sa room wala pa ang Prof kaya maingay pa ang mga studyante.

Umupo kami ni Justine sa bakanteng upuan malapit sa bintana. Tumitingin ako sa bintana ng kalanitun ako ni bakla.

"Besh, kamusta sa trabaho mo. Tagal nating di nagkita ahh, mga two months yata." Sabi Niya. Tumawa naman ako ng mahina.

"Okay lang naman ako don, Malaki ka ang sweldo eh, syaka mabait Naman si boss. Binigyan pa nga ako ng dagdag na sweldo, bunos daw ket di pasko."

"Wow taray!, Ikaw ha so ano libre Moko?"

"Ulol, bahala ka, magpapadala pako kay papa no, syaka Ikaw Ang mayaman sa ating dalawa."

"O cge, basta ikamusta mo ko sa papa mo ha..."

"Oo naman" Magsasalita pa Sana siya kaso dumating na ang prof namin na may dalang papeles.

"Okay class, good morning, nandito na Sakin ang mga kailangan niyo ngayun. Tatawagin ko lang mangalan niyo tapos punta kayo sa harap. Understand?" Sabi ng Prof namin. Tumango lang kami sa kanya. Nagsimula na rin siyang mag tawag ng pangalan Hanggang si Justine ang susunod.

"Montero" tawag ni prof kay bakla. Agad namang tumayo si bakla at pumunta sa harap. Binigay naman sa kanya ni prof ang papeles. Bumalik naman ng upo sa tabi ko si bakla.

"Fernandez" tawag naman Sakin ni prof. Tumayo na rin ako at kinuha ang papeles ko. Bumalik na rin ako ng upo.

"Okay class were done, hope na pagbutihin niyo ang pag OJT niyo okay?" Tumayo na rin kami.

"Yes prof" sagot namin. Tumango naman siya.

"Class dismissed"

Pagkasabi ni prof non, lumabas na rin kami ni bakla. Pumunta kami sa malapit na cafe para daw don namin tingnan kong San kami naasign. Sabay daw kami eh. Nakarating na rin kami sa cafe kaya pumasok kami at umupo sa malapitlang sa entrance.

"So besh, sabay tayong tingin ha, gosh! excited nako!" Sabi Niya kaya napatawa ako. Umorder Muna siya ng dalawang milktea. Nang dumating na Ang order namin, nagkatinginan kami.

"So this is it, basahin na natin. Okay?"Sabi ko kaya tumango lang siya. Hinay hinay naming binasa ang laman ng papeles. Mga nasa tatlong minuto kami nagbasa, sabay kaming ibinaba ang papeles sa mesa at nagkatinginan.

"So saang hospital ka bakla?" Tanong ko na nakangisi.

"Ewan ko ba kung, parehas tayo. Basta ano Sakin sa...." Pabitin nitong Sabi sabay higop sa milktea Niya.

"San nga?!" Ang Tagal sumagot.

"Sa Ramirez Hospital! Ikaw?!" Excited niyang sagot. Malawak pang nakangiti kaya Nung narinig ko ang ang sagot Niya mas lumawak ang ngiti ko.

"Same!, Parehas tayo bakla, gosh! Sa Ramirez Hospital din ako." Maligayang Sabi ko. Tumayo naman siya sa inupian Niya at pumunta sa gawi, Bigla nalang akong niyakap kaya niyakap ko rin siya pabalik.

"Gosh! Besh! Sabay tayo ha pumunta don bukas, okay?"

"Boba! Anong bukas Ngayon oyh!" Tumawa pako para asarin siya. Napasimangot naman ang bruha.

"Ngayon Pala o cge Tara!"

__________:)__________
Don't forget to vote!

The Healing TouchWhere stories live. Discover now