Chapter 32

458 8 0
                                    

Ilang araw na hindi parin gumigising si Zoey. Tinawagan ko na rin si Papa Felix para ipaalam ang kalagayan ni Zoey. Bakas ang mag alala sa boses Niya ng malaman iyon. Sinabi ko namna na okay na siya Sabi ng doctor at hintayin nalang kung kailan siya magigising. Okay rin ang baby namin, malakas daw ang kapit nito sa mommy niya. Humangi naman ng pabor si Papa Felix na alagaan ko si Zoey dahil Hindi siya makakapunta.

Nakahawak ako sa Kamay niya nang bigla itong gumalaw. Agad akong umangat ng tingin, dahan dahan niyang iminulat ang mata niya.

"Zoey..." Tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa gawi ko at ngumiti.

"Nico..." Mahina niyang Sabi.

"Teka lang tatawagin ko lang ang doctor," Akmang tatayo nako ng hawakan Niya ang braso ko.

"Dito kalang, wag kang umalis p-please. B-Baka bumalik si L-Laura. P-Papatayin Niya kami ng B-Baby Natin." Agad akong bumalik sa pag kakaupo at sinapo ang Mukha niyang puno na ng luha. Pinalis ko ito gamit ang daliri. Awang awa ako sa kanya. Nang dahil sa nangyari, na trauma siya. Hinding Hindi ko papatawarin si Laura sa ginawa niya. Sisiguraduhin kong makukulong siya.

Zoey's POV

Ilang araw lang ako sa hospital, Hindi naman daw malala ang natamo kong sugat. Daplis lang daw Yun. Tsaka ang ipinagpapasalamt ko ay okay ang baby namin ni Nico. Pupunta pala kami ngayun sa Mental hospital may dadalawin kami ni Nico.

Habang nasa byahe kami ay hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa labi at hinahalikhalikan.

"Are you sure? Sasama ka Sakin, Zoey?" Malumanay niyang tanong. Tumingin naman ako sa kanya, ngumiti at tumango. Napabuntong hininga nalang siya.

"Basta kong Hindi mo kaya, Sabihin mo Sakin. Iuuwi agad Kita ha?" Tumango ulit ako. Hanggang makarating kami sa mental hospital kung nasaan siya.

Nakita ko siyang naka upo sa Isang bench Kasama ang papa Niya. Kita ko pa kung paano punasan Niya ang luha sa mga mata ng papa niya. Awang awa ako sa sinapit niya. Papatawarin ko naman siya e. Hindi ko iniexpect na Dito siya mapupunta. Nag angat ng tingin ang papa Niya at kumaway para ipahiwatog na pwede kami lumapit.

Hinawakan ni Nico ang kamay ko at giniya papalapit sa kanila o sa kanya. Wala siyang ibang kinikilala kundi ang papa Niya lang. Siya lang ang kinakausap, Hindi Niya kami pinansin nang makalapit kami. Kinausap ko sila Nico at Tito na pwede ba kaming magusap dalawa. Pumayag naman si Tito pero si Nico ay nag aalangan pa. Pero Wala na siyang nagawa kundi pumayag.

Nag squat ako sa harap niya. Naka pag hospital na gown siya. At sobrang putla. Nakatingin lang siya sa kawalan.

"Laura..." Mahina kong tawag. Pero kahit Anong tawag ko ay Hindi siya lumingon. Napabuntong hininga nalang ako.

"Laura, alam mo naman na ayaw ko sayu Nung una. Tama ka, natatakot akong agawin mo sa akin si Nico. Pero Hindi ko naman inexpect na magiging kanito ang mangyayari sayo pag matapos nong nangyari. Laura, I'm sorry... Pero gusto ko lang malaman mo na ikakasal nako. Ikakasal na kami ni Nico. Sana palayain mo na siya. Magpakagaling ka ha? Sabi ni Tito, na dadalhin kana niya sa US para don ka magpakagaling. I'm sorry Laura and thank you, in advance if palayain mu na si Nico."

Pagkatapos namin mag usap ay tinawag ko na si Nico para umuwi. Kinausap rin namin si Tito about kay Laura. Sabi Niya next week daw pwede na siyang dalhin sa America.

_______

Nakangiwing tiningnan ako ni Mama at ang kinakain ko. "Ang Asim Niyan..." Nakangiwing sabi niya. Lukot rin ang Mukha niya na para bang siya ang kumakain. E ang sarap nga nito e.

"Kain ka ma," aniko sabay subo ulit ng sampalok. Ito talaga ang pinaglilihian ko. Pinahingi ko pa to kay Nico sa kapitbahay, Meron Kasi silang puno ng Sampalok Doon.

"Ayuko, ang Asim Niyan..." Aniya tapos bumalik sa panunuod ng tv. Nakanguso nalang ako at Kumain nalang.

Nasa America na si Laura. Tinawagan Kasi kami ni Tito kaya alam namin. Si Nico naman nag preprepare sa kasal namin. Okay naman na lahat pero gusto Niya na perfect daw at walang palpak. Next month na ang kasal namin dahil ayaw talaga Niya na maglakad ako sa altar na Malaki ang tiyan. Baka daw mapano pako.

__________:)________
Don't forget to vote!






The Healing TouchWhere stories live. Discover now