3RD PERSON P.O.V
It was a rainy day, maaga pa pero nakasindi na ang mga ilaw sa hallways. Nagsisiksikan ang mga estudyante sa mga waiting sheds, at kanya kanyang sumisilong kung saan pwede. Ang iba ay matapang na sinusulong ang ulan makapasok lang.
Ara on the other hand was ready. She had a black jacket on, and a matching black umbrella protecting her from the rain.
She loves the rainy season, but because her immune system was weak, her late father would always remind her to stay dry and to bring an umbrella with her so that she can safely enjoy it.
Alas syete na nang umaga, she was running late for her 7:30am class pero hindi gaya ng ibang estudyante, she didn't seek for shelter, instead she was patiently waiting under the heavy downpour of the rain. She was waiting for Apollo, she thought it was strange. Hindi niya nakitang naghihintay ang binata sa gilid ng canteen nang dumating siya, and so she was worried.
Baka wala siyang payong at mabasa, she thought to herself.
Apollo on the other hand was mad. Hindi niya gusto ang ulan, he despises it. Every bad thing in his life happend with the rain as its witness, he thought it was mocking him. Para bang reminder ito na tuwing umuulan may mali na naman siyang nagawa.
Gaya ngayon.
Gaya ngayong papunta siya sa Dean's office para harapin ang mga katanungang naghihintay sa kanya dahil sa nangyaring rambolan kahapon.
Parang pinagbagsakan ng langit si Apollo. Alam niyang andun ang Nanay niya at ang kunwaring Ama niya, his fists clenched at that thought. He's well aware that after today, lahat ng pagtitiis niya mapupunta nalang sa wala. Ang mana niya, at ang monting pag-asa na makaalis sa bahay nilang tinuturing niyang impyerno.
Parang ayaw humakbang ng mga paa niya, lalo na't alam niyang bawat hakbang na ginagawa nitrogen ay nilalapit siya sa katapusang ibang-iba sa ginusto niya. And for once, although it sounded so wrong he regretted that day, he regretted helping Arabella.
Alam niyang it wasn't Arabella's fault, hindi niya ginustong mapunta sa sitwasyong yun. But he could've done better, Sana hindi nalang siya naki-alam. Siguro, kung hindi ay wala siya sa sitwasyong to. Sana may pagkakataon pa siyang makuha ang mana at lisanin ang bansa, at ang lahat ng masasamang ala-alang nakakabit dito.
Apollo wasn't wearing anything that could protect him from the rain. Basang-basa na siya sa ulan, kaya nang makita siya ni Arabella na naglalakad, hindi nagdalawang-isip ang dalagang lapitan ito at isilong sa bitbit nitong payong.
"Mababasa ka Apollo!" Arabella said in worry.
Hamak na mas mataas si Apollo, towering at 6 feet, hindi siya maabot-abot ng payong. So she tiptoed and smiled when the umbrella finally covered his head.
Kung ibang sitwasyon lang, He must have thought it was cute. Pero sa tuwing nakikita niya ang mukha ni Arabella, wala siyang ibang maisip kung hindi ang lahat ng nawala sa kanya just because he helped her.
Siya na ang tumulong, siya pa ang lumabas na mali.
Alam niyang punong-puno na siya nang galit and he couldn't think straight at the moment. So he started walking away, baka hindi niya mapigilan at mailabas niya ang galit kay Arabella na walang ka muwang-muwang sa mga nangyayari.
YOU ARE READING
Answered Prayer
RandomAfter losing her father, Arabelle is uprooted from the Americas to the vibrant streets of Tondo Manila, Philippines. In this new chapter of her life, she meets Apollo Alistair, a mysterious figure who becomes both her love and her protector. Togethe...