Dear You ,
Hi ! Hanggang ngayon kinikilig parin ako. Ang lambot ng kamay mo. Di ko akalain na makikipag apir ka saken. Pinagmamasdan lang kita habang naglalaro kayo ng basketball, hindi kasi kita kilala eh pero palagi kitang nakikita kasama ka ni Kuya Alex , Yung model ng school.
Magaling ka naman, palagi ka ngang nakaka score eh. Kaso ako lang ang nakaka appreciate sa galing mo , puro pangalan kasi ni Kuya Alex yung naririnig ko, pero wala akong pake. Sayo kasi ako nakafocus eh. Sayo lang ako nag chi cheer. Namaos pa nga ako eh, pero sulit naman kasi nanalo kayo :))
Hinila ko agad yung classmate ko palapit sa inyo, pero nag aalangan pa akong lumapit sayo baka di mo ko mapansin eh. Nakatitig lang ako sa likuran mo , kinakausap ka kase ng mga team mates mo then bigla kang lumingon. Nakita mo ko, Nagkatitigan tayo.
"Ahm.. Eh. Congratulations po kuya :)) , Ang galing nyo po. " Shems! Nautal ako. Nahalata mo kaya yun ? Nakakahiya.
"Thank you ! May naka appreciate pala sa laro ko. Akala ko puro Alex lang eh. Haha "
"Oo naman po, Ang galing mo po kase :) " Mas magaling ka pa nga po kay Kuya Alex eh. Sa isip isip ko !
"Salamat ah. :)" then tinaas mo yung kanang kamay mo, HIGH 5
Nag High 5 tayo , grabe iba yung feels ! Nakakatuwa lalo na nung,Niyakap mo ko. Oo kuya , issue sakin yung pagyakap mo. Sa sobrang saya mo yata kasi nanalo kayo napayakap ka saken. Saglit na saglit lang, kumalas ka din agad. Nginitian mo lang ako tapos umalis ka na. Naglakad ka na palayo.
Ako? Naiwan lang ako , Nakatulala ! Pagkatapos mag sink-in sakin yung ngyare , hinabol kita ng tingin pero medyo malayo ka na , kausap mo na si Kuya Alex.
Naiisip ko pa rin yung nangyare, Siguro nga.
"Crush na yata kita"
- E
******
A/N
Hi! This is my first ever story. Sorry for the typos and errors. Hope you'll understand. Please support my story. Votes and Comments. Thank You. :))
- E
BINABASA MO ANG
Dear Genesis
Romansa"Maybe my love will come back someday, Only heaven knows" ©socalledDYOSA Started: July 03, 2015 ✘