I

0 0 0
                                    

"The most painful word is everyone's judgement."

No. It's not everyone judgement.

I raised my hand to make it clear, "Maam, you're wrong."

Napataas ang kilay ng Prof namin when I said that, "Okay then, prove me wrong."

"The most painful word is not the judgement from everyone. It is from the people you trust, love  and care. In short po, sa family, friends and love ones po natin. When everyone is judging you, mind you, yung iba sa kanila, hindi alam ang totoo behind those judgements. But when your love ones judged you even though they know the reasons behind or the truth behind, di ba mas masakit yun?"

All my classmates agreed but our prof declined again.

"Well, it is always defend on the situation Ms. Dawne, so anyone from the class, who wants to oppose her opinion?"

Biglang nagtaas ng kamay si Sean, the great. Tsk.

"Well, that's true na mas masakit kapag yung taong pinagkakatiwalaan at mahal mo ang manghuhusga sayo. Pero may mas sasakit pa ba kapag hindi lang sila ang manghuhusga sayo? Wala na. When everyone jugdes you, kasama na dun pati yung family, friends and love ones mo. Everyone nga di ba?" Sarkastikong sagot niya at nakakainis pa siyang ngumiti sya sakin.

"Wala na. Uwi na tayo, Serene. Panalo na ang crush mo." panggagatong pa nitong si Kate.

I just don't mind them. Tsk. That's not my point. Tumahimik na lang ako at nakinig sa lectures ni Prof.

"Serene, inaaya ka ni Sean. Date daw kayo." I rolled my eyes to Kate. As if naman yayain talaga ako ng Sean na yan.

"Hey, ayaw mo ba?" napatingin na lang ako sa nagsalita at lintek na yan. Si Sean nga?

"Sure ka?" ngumiti lang sya at tumango.

" Pasensya na kanina. Gusto ko lang na mapansin mo ko." jusko, ang landi naman.

"Seryoso ka na nyan? Siraulo ka. Baka iba ang isipin ng mga kaklase natin. Tara na nga, best friend!" I emphasized the word best friend because yun lang naman talaga kami. Para na kaming magkapatid nitong si Sean no.

"Baliw kayong dalawa. Wag sana kayong magkatuluyan!" sigaw ng mga kaklase namin.

Yes. They know that we are best friend. Since Highschool kasi ay kami na ang magkasama ni Sean and mind you, no feelings (passionate) at all. Friendly love lang talaga. Kahit tunog defensive ako dito.

"Hindi ka naman lugi kapag ako ang naging boyfriend mo ah? Look! Ang gwapo, ang talino, at ang bait ko pa."

"Yan ang panget sayo, yang kahambugan mo. Atsaka, wag nga ako ang guluhin mo. Baka kaya hindi ka nagkakagirlfriend ay iniisip nila na ako ang girlfriend mo. Shupi, shooo away!"

"Libre na lang kita." pangungulit niya.

Break time namin ngayon kaya papunta na kami sa labas para bumili ng pagkain. Mas mura kasi ang pagkain sa labas ng school compare sa canteen ng school.

"Alam na alam mo kung paano makukuha ang atensyon ko eh. Tara na nga. Wala akong pera ngayon dahil graduating na si Kuya Fernan. Nag-iipon na rin kami para sa pagpupulis niya."

"Bakit kasi ayaw niyong lumapit sa tatay niyo? Atsaka nasaan ba ang inay niyo?" pagtataka talaga lagi niya.

"Saka mo na itanong sakin ang bagay na yan kapag nailibre mo na ko." pagbibiro ko kahit ang totoo naman ay hindi ko talaga sasabihin sa kanya.

"Iwas na iwas lagi sa topic na ganun. Tara na nga."

At iyon nga nilibre na nya ko ng pagkain.

Hindi ko talaga alam kung sino ang nanay at tatay ko. Nakalakihan ko lang na si Kuya Fernan ang kasama ko atsaka ang tiyahin naming si Tiya Ysabel. Malabo ang kwento niya tungkol sa mga magulang namin.

Ang alam ko lang ay namatay daw si inay dahil sa hindi malamang dahilan.

6 years old si Kuya Fernan nung nakita kami ni tiya Ysabel sa isang abandunadong hospital sa lugar namin dati. Panay dugo daw ang nanay namin habang si Kuya Fernan daw ay karga-karga lang ako na baby pa nung time na yun.

Wala naman daw naghanap samin kaya si Tiya Ysabel na lang ang kumupkop sa amin.

Mabait si Tiya Ysabel sa amin. Kaso madalas ay wala syang trabaho dahil sa hindi namin malamang dahilan.

Registered Nurse si Tiya Ysabel at hindi pa naman siya sobrang katandaan. Nagtop pa nga yan sa board exam kaya nagtataka talaga kami. Hindi na lang kami nakiusisa ni Kuya dahil alam naman namin na kailangan din niya ng privacy.

Pagkatapos kumain ay dumeretso na ulit kami ni Sean sa department namin. AB Journalism ang course naming dalawa dahil pagsusulat at pagbabasa ang hilig namin.

Pareho kaming kasali sa Journalism nung highschool kami at nilalaban din kami sa iba't ibang school.

Ewan ko ba dyan kay Sean, ang daming nag-ooffer ng scholarship na galing sa iba't ibang university sa Maynila pero nag-stay pa rin dito sa Batangas.

'This is my home, at ayaw kitang iwanan dito.' he always said that kapag inuungkat ko yung scholarship sa Maynila.

May kaya rin naman kasi ang mga magulang niya. At kayang- kaya nilang pag-aralin sya kahit wala siyang scholarship.

Medyo creepy nga lang ang mga magulang ni Sean. Lalo na kapag napunta ako sa kanila para makigawa ng report sa laptop.

Lagi nila akong pinupuri. Ang ganda at ang sexy ko daw. Pwedeng mag-model.

Endorser kasi sila ng iba't ibang product pero kahit na ganun, medyo nag-aalinlangan akong magpart-time modelling sa kanila. Ewan ko nga din.

"Punta ka daw sa bahay sabi ni Mama. May bago kasi silang products. Gustong gusto ka nilang kunin na model. Ang ganda mo kasi. Hahaha." alam din kasi ni Sean na ganun ang tingin ko sa mga magulang nya. Creepy!

"Ayaw ko pa ring maging model. Gusto ko lang magfocus sa pagsusulat. Malay mo rin, ako ang magsulat ng pangalan nila sa dyaryo tapos maging Headline. Ang gaganda kaya ng mga products nila."

"Kaya ikaw ang gusto ni Mama eh." pang-aasar pa niya.

"Magpakabait ka kasi." balik ko sa kanya.

" Bukas nga daw. Punta ka sa bahay." ulit niya.

"Pag-iisipan ko."

----

Hello there! This chapter is dedicated to those people na in denial sa feelings nila. Push niyo yan para di kayo magkalove life HAHAHA. Char! ilysm!

- frmiee

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Safe SpaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon