Is this really possible to be in
someone for long years with a facade-love. Tell me it isn't....
"Na realize kong matagal na pala tayong hindi para sa isa't isa," diretsahan kong kompronta sa kaniya. Pagkatapos ay bahagya kong iniyuko ang ulo ko para hindi niya makitang pinipigilan kong hindi lumuha. "Sa loob ng sampung taon, bilang lang pala ang mga panahong minahal mo 'ko."
I chuckled and look at him. "Matagal na palang naubos ang pagmamahal mo." Huminto ako saglit, "ba't 'di mo naman agad sinabi sa akin?" hinang tanong ko.
Nanatili siyang nakayuko at tahimik lang na pinapakinggan ako. Gusto kong sumagot siya sa bawat salita na sinasabi ko. Nais kong malaman ang lahat.
Kung bakit siya tumigil? Kung saan at kailan napagtanto niyang ihinto ang lahat? Kung ano bang mali sa akin, para maubos siya?
Hindi na ako nakapagpinti. Lumapit ako sa kanya at nanghihinang hinawakan ang dalawa niyang kamay.
"Ba't hindi mo ako masagot? Mahal mo ba talaga ako?" desperado kong tanong sa kanya. Nasilayan kong unti unting bumuhos ang kanyang luha.
"I-im so so s-sorry..." maluha luhang sagot niya.
Doon na bumuhos ang mga luhang kaninang pinipigilan kong makita niya.
...
Photo | Tinaserw