Senaryo 2: Agwat

10 1 0
                                    


Sa paglipas ng ilang paghikbi
at pagbangon muli pagkatapos, sapagtagal ng panahon mas
humaba ang agwat natin.

...

Matapos ang limang taon, hindi ko inaasahang makikita ko siyang muli sa unang lugar kung saan kami nagkita, at ang lugar na siyang saksi din sa unti unti naming pagbitaw sa isa't isa.

Kitang kita ang walang kupas na kanyang angking hiwaga, habang ang malumanay na pagsibol ng araw ay tumatama sa kanyang mukha.

Ilang metro ang agwat namin, ngunit damang dama ko ang kasiyahan sa kanyang puso. Ang kanyang ngiting taga-pawi ng karimlan sa aking puso. Na sa kahit anong pagsubok na naranasan, nandyaan lang siya...nandyaan lang ang ngiti niya.

Subalit, habang tinatanaw siya papalayo, tama lang pala na nandito lang ako. Dito lamang ang puwesto ko.

Kasi habang ang presensya niya ay lunas sa bigat na aking dinaramdam, ang paglapit ko naman ay nagpapabigat sa kanyang pinapasan.

Sa huling pagsulyap ko sa kanya, alam kong nahanap na niya ang para sa kanya. Saksi ang bawat ngiti at paghawak ng kanilang kamay sa isa't isa. Tila'y panghabang buhay na.

...

Photo | Yyuma

Mga SenaryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon