Hunyo 19, 1861...
lahat tayo nagigising sa bawat umaga sinisilaw ng sinag ng araw , hanging bumubulong at nagsasabing simulan natin ang umaga ng may saya at galak at maging ang mga huni ng ibong umaawit sa aming tarangkahan ay parang sinasabi bumangon kana Lorenzo at simulan ang yung umaga.Nadidinig ko si ina na naghahain ng aming agahan agad akong bumangon upang tikman ang nalalanghap na agahan.
Lorenzo: buenos dias mama
( magandang umaga mama)tama ang inyong nadinig kami ay nagmula sa maharlikang angkan ang aking ina ay si Juanita Esperon at ang aking ama na hindi kupa nakikilala ay isang espanyol na nagmula sa malayung lugar hindi man kami kabilang sa mga aliping indio isa padin akong kalahating indio dahil ang aking ina ay pilipino.
Juanita: buenos dias Lorenzo, mataas na ang sikat ng araw hindi kapa naglilinis, magmadali kana.. oo ngapala malapit napala ang iyong kaarawan ano ba ang nais mong regalo mula saiyong ina .
Lorenzo: ina Hunyo 19, palang po at ang aking kaarawan ay sa katapusan pa ng Hunyo ngunit bakit ngaba ina ilalayu mo ako sa araw ng aking kaarawan? hindi ko nais mabuhay sa gitna ng kagubatan at malayu saaking mga kaibigan.
Juanita: Lorenzo! Te dije que no quiere decir que, (hindi bat sinabi ko na wagkang maingay baka may makarinig). mahigpit kong bilin sayo na wala dapat makarinig at makaalam sa ating planong paglisan.
pagalit at nagaalalang wika ni ina.
nang makatapos mag agahan tumungo naako sa liwasan upang makipaglaro saaking mga kaibigan, lagi ako tumutungo sa syudad na napalilibutan ng matataas na bato o ang intramuros kung saan makikita ang mga naggagandahang simbahan at ang paaralan na Colegio de Nuestra Senora del Santisimo (colegio de santo thomas). gustong gusto ko pinagmamasdan ang mga eliganteng stractura at mga kalesa na tumatakbo sa kalsada ng syudad, pinagmamasdan ang mga babae at lalake na pusturang pustura na naglalakad habang nagliliwanag ang kanilang mga kasuotan, ito ang mga tanawin ng kagandahan na matatanaw sa loob ng sibilisadong lugar ng intramuros. habang aking pinagmamasdan ang ganda ng syudad natanaw ko ang isang batang pilipina , paki warikoy mga kaidaran ko o mas bata pa , ako ay 15 na taong gulang malamang sya ay nasa labing apat o higit pa katulad ko marahil. habang ako, ako na nasa mayamang syudad ng intramuros sya naman ay nasa extramuros ito ang syudad sa labas ng intramuros kungsaan madaming indio at mangangalakal na intsik, habang pinagmamasdan ko siya lalo ako nabibighani sa kanyang ganda, bagamat mahigpit na ipinagbilin sa akin na bawal ako maki salamuha sa labas ng syudad diko napigilang lumapit at tanungin ang kanyang pangalan.
Lorenzo: buenas tardes senyora?
ako nga pala si Lorenzo Esperon kinagagalak kita makilala,Ngunit walang imik na naka tunghay saakin ang magandang binibini , hinihintay ko sabihin dinya na maganda ang umaga ngunit tanging ingay lang at kalabog ng mga mangangalakal sa extramuros ang aking nadinig. muli aking sinubukan simulan ang aming usapan baka sakaling may sabihin na ang magandang binibini.
Lorenzo: muli binibini ako si Lorenzo maari kubang malaman at marinig ang yung pangalan?
Muli nabigo akong madinig at makausap ang binibini. hangang sa dikalayuan may nadinig ako tumatangis at hinahanap ang dalaga.
''Esperanza! halika na at tapos naakong mamili tayo na at umuwi .''
Ginang: Esperanza hindi bat sinabi ko nasayong wag lalapit sa dikilala? lalo't may mga mabangis na baboydamo na kumakalat at kinakain ang mga alagang hayup sa lugar,.
halika nat lumisan esperanza.Kung ganun Esperanza ang pangalan ng dalagang aking nakilala, ang palad ng aking araw isang magandang dalaga at magandang tanawin mula sa bayan ang aking nasulyapan. nakakatawa lamang ang winika ng kanyang kasama muka ba akung baboy gaya ng nasambit ng matanda ? hehe
BINABASA MO ANG
Magbalik
RomanceTrue love waits.. After 100 years , muling natagpuan ni Lorenzo ang babaing nagparanas sakanya ng tunay na pag ibig.. It is a story of love that travels time to prove that true love exist ..