Inmortal (imortal)

8 1 1
                                    

Bago matapos ang gabi inilibing ni Lorenzo si Esperanza sa ilalim ng puno ng manga sa gilid ng ilog, tulala ang bampirang si Lorenzo na naglakad mula sa ilog patungo ng maynila, lumayu ang binata at dina muling nakita, nagtungo siya sa kanilang dating tirahan at nahiga sa ataul na ipinagawa ni Antonio, nahiga siya upang humimbing at dina muling gumising. natulog si Lorenzo ng ilang taon, hindi siya bumangon at kumain. sinubok niya ang pagiging bampira ilang taon siyang hindi kumain at nagkulong sa kanyang madilim na silid.
Ang bawat taon ay lumipas hindi bumangon ang malamig na binata sa himbing ng pagkakahiga, nakalimutan ang alaala ng isang binata na noon ay nanirahan sa mansyon ng mga Esperon. may mga tumira sa kanilang tahanan mga malayung kamag anak sila ang nagalaga at nagpanatili ng kagandahan ng tirahan ngunit wala sakanila ang nakatuklas ng lihim na tarangkahan patungo sa ilalim ng silid kung saan mahimbing na nakahiga ang natutulog na bampira.
mabilis na nag palit ang mga panahon madaming ingay ang naganap sa labas ng tahanan subalit walang niisang ingay ang gumising sa kanyang pag kakahimbing . Mayo 1,1898 ng madinig sa buong bayan ng maynila ang putukan ng malalakas na kanyon, ang araw na nag digma ang Estados Unidos laban sa mga kastila, naagaw ng mga puti ang pamamahala sa bansa at sila ang humawak sa bayan , madaming digmaan ang naganap sa mga sumunod na taon nanatiling maingay sa bayan ngunit tahimik na nahihimbing ang binata sa kanyang kinalalagyan. makalipas ang mga taon muling nagkagulo sa bayan maraming tahanan ang nasira bagamat nanatiling nakatindig ang kanilang tahanan , Desyembre 9, 1941
dumating ang mga hapon upang bagsakan ng mga bomba ang bawat establisyemento sa bayan maraming umiiyak at madaming sumisigaw ng tulong ng mga araw nayon subalit nanatiling tahimik na bangkay sa ilalim ng tahanan ang binata.
1986 Panahon ng mga Marcos sa Pilipinas ngunit wala pading nakapagpagising sa natutulog na binata sa baba, bombahan sa Mendiola at ingay ng mga tao na nag wewelga , maging ang putukan ng mga baril at hinagpis ng mga tao ay hindi naging hadlang sa kanyang pagkakahimbing.
Unti unting nasira ang magandang tahanan ng mga Esperon sa lungsod ng maynila, mga pader na nabasag mula sa matagal na digmaan, mga eliganting kahoy sa kisame noon, ngayon ay nagbabagsakan na, mga bubong na nagkatangalan at nilipad ng bagyo, ang magandang tahanan na niluma na ng panahon ay nanatiling nakatindig bagamat wala ng naninirahan mistulan nalamang alaala ng nakaraan. Noon tinitingala at kinikilala ang mansyon bilang mayamang tirahan ng mga maharlikhang Esperon, ngunit ngayon kilala ang tahanang pinaninirahan ng mga ligaw na kaluluha, mga multo at barang, panakot ng mga magulang sa kanilang mga anak. Katulad ng pagkaluma sa tahanan ng mga Esperon ang binatang nahihimbing ay mistulan ng bangkay sa ilalim, mga payat na pisngi at butot balat na mga katawan, kulang nalamang ay maagnas ang binata sa pagkakahimbing, subalit nanatiling buhay ang gutom na bangkay sa ilalim ng bahay.
Ilang taon na ang lumipas ngunit pinili ng binata na manatiling himbing sa ilalim at wag na muling gumising.

MagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon