Prologue

5K 72 0
                                    

Napaigtad ako sa malakas na paghampas ng tupperware o sauce pan yata yung nahulog sa sahig. Pero hindi galing sa'min, kundi galing sa kapitbahay. Parang magulo sa bahay dahil sa mga kapitbahay namin eh dikit-dikit lang naman ang bahay dito sa amin at ang nipis lang din ng pader kaya nagkakarinigan kung ano na yung pinag-aawayan.

Kami naman ay lima kaming nakatira sa bahay, pareho kaming babae kaya nagtataasan kami ng boses dahil parehong mga reyna at walang nagpapaalila.

"Ate okay na po ba yan? Wala bang kulang?"

Nagawi ko ang tingin ko kay Skan na naglagay ng plastic wrap sa pagkain para hindi malangawan, mainit-init pa pero dahil kailangan naming dalhin yun sa may birthday na mainit pa ay linagyan lang ng plastic wrap. Nakalimutan ko yung tawag ng plastic na yun para sa mga pagkain basta plastic siya na translucent.

"Oo okay na. Huwag mong i-sealed masyado kasi baka mahuom yan at mapanis pa."

"Wait lang kasi ate. Yung puto pwede na yung lagyan ng plastic kasi hindi na mainit yun."

"Okay, ako na ang bahala, oh siya tawagin mo na si Safara para makaalis na tayo."

"Ate Safara!"

Iniwan ako ni Skan para tawagin si Safara. Bunso si Skan sa aming magkakapatid at kinse anyos palang siya ay sobrang galing na niya sa pagluluto. Bilang panganay, obligasyon kong tulungan silang mga kapatid ko lalo na sa pag-aaral.

Marami akong sidelines para lang kumita ng pera. Hindi man malaki yung nakikita ko pero at least nauuwi din sa mabuting gastusin kagaya ng miscellaneous sa eskwelahan. Pareho kaming nag-aaral lahat kaya kailangan ay kumayod.

Siguro nasa apat o lima ang trabaho ko, hindi naman araw-araw ginagawa ko dahil priority din ang pag-aaral.

"Safara halika ka na! Baka mahuli tayo sa pagdeliver ng mga pagkain!" sigaw ko dahil ang tagal niya.

"Oo nandyan na!" sigaw naman niya pabalik.

Napailing nalang ako. Teenagers.

"Lahat na ba yan ipapasok na sa pedicab?" Lumapit si Sack sa lamesa, mula siya sa likod ng bahay.

"Oo, dahan-dahan lang baka mapunit yung plastic niya."

"Sure, ilalabas ko na." sabi niya saka kinuha yung isang aluminum na lalagyan ng pagkain.

Paglabas ni Safara ay pinadala ko rin sa kanya yung pagkain tapos ay sumunod si Skan. Sumunod din ako para mailagay yung pagkain sa loob. Ako yung maghahatid sa mga pagkain na inorder lang sa'min. Ito yung isang sideline namin, ang magluto.

Ilang beses ng lumahok si Skan sa mga cooking contest simula noong maliit pa siya pero ni minsan ay hindi pa kami nagkakaroon ng chance para makapagtayo ng karenderya. Mas pinili ko kasing ipasok sa eskwelahan ang mga kapatid ko kaysa ang magtayo ng negosyo. Mabuti kung lahat kami ay tapos na sa pag-aaral dahil may magbabantay sa negosyo namin pero wala eh.

Mas importante yung may laman ang utak para wais ka sa kung ano ang gagawin mo, hindi yung nakatutok ka sa negosyo ng ganitong kaaga at wala pang pinag-aralan. At isa pa wala din kaming sapat na pera. Kaya ito nalang kami, tumatanggap ng mga orders para magkapera. Pambaon narin kasi sa eskwelahan namin.

Si Saf ang magmamaneho ng pedicab at habang kami ni Skan ang siyang nakasakay para ihatid yung mga inorder na pinaluto sa aming pagkain. Malinis kaming nagluluto dahil nakapusod yung buhok namin saka may hair net pa kaming suot at kapag nagluluto kami ay may gloves pa. Pinapakita talaga namin sa mga customers para marami pa silang magpaluto sa amin.

"Sack aalis na kami! Yung pinto pakisara ha!" sigaw ko dahil nasa loob ng banyo si Sack at naglilinis.

"Oo ako na ang bahala dito!" balik niyang sagot.

Leighton (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon