P19

5 2 0
                                    

Classmates

by missingkylee

nagsimula sa goodmorning classmates,
at magtatapos sa goodbye classmates.
Sa halos dalawang taon nating pagsasama,
marami din tayong nagawang alaala.

Isa na dun ang pagkilala pa sa isat isa,
kung paano tayo nagturingang bilang isang pamilya.
Salamat sa mga tawanan, iyakan, kagaguhan, pang bu-bully, kopyahan, at alaalang di malilimutan.

Room nating mala palengke ang ingay,
Naturingan na ngang pinakamalala sa lahat ng klase,
Pero dahil sa mga yon,
Nabuo ang isang samahan na kailan man hindi malilimutan,
Ako na ang mag so-sorry sa mga nawalaan ng ballpen,
Sa mga naubusan ng papel kakahingi,
Sa mga pagkain na pagkain ng lahat,
Paalam, masisigurado kong hindi malilimutan ang sandaling ating pinagsamahan.

linyang hindi ko malilimutan ay yung,
"pahiram ballpen"
"pahinging papel"
"pakopya ako"
"andaming assignment",
"pagod nako"
"ayaw kona"

Umabot pa tayo sa puntong iniiyakan ang mga gawain,
at hindj alam kung ano ang uunahin,
dahil sa dami ng gagawin,

Syempre di rin malilimutan ang mga kaklseng joker,
Mga kaklaseng sipsip na nga backstabber pa,
Mga kaklaseng ang galing kung kumanta,
Mga magagaling sumayaw,
Mga kaklaseng ring mga palaaway,
Mga kaklaseng unang lumilikha ng gulo,
at mga kaklaseng mga siraulo.

Paalam sa inyo,
Ngunit ang alaala ay mananatili parin sa puso ko,
Pero hindi ko muna tatapusin ang kuwentong ito,
may araw pa naman bago magtapis ang pasukan,
may iilang araw pa tayong pwedeng magsiyahan.

🖤🖤🖤
a poem that I wrote for my dear classmates




My Piece and Peace Where stories live. Discover now