Inggit
by missingkylee
Isang salitang diko maiiwasan,
sapagkat araw araw kong nararamdaman,
kahit pilit ko namang iniiwasan,
kahit pilit ko namang kalimutan.Anumang pilit kong lumihis ng daan,
palagi parin itong natatagpuan,
anumang paraan ito kalimutan,
palagi paring tumatakbo sa isipan.Bakit nga ba napakalupit ng mundo?
bakit pinagkait ang kaligayahan ko?
ganito nalang ba ang buhay ko?
ang mainggit sa bagay na wala ako?Sana kinuha niya nalang ako.
🖤🖤🖤