Prologue

6 2 0
                                    

"hoy panget hindi ba't sinabi ko na sayo na wag kang lalapit kay Will" galit na saad ni Monica saka ako tinulak

"H-Hindi ako lumalapit sakanya lumapit lang siya sakin para tanungin kong may assignment ba tayo" saad ko

"Liar bitch hawakan niyo nga yan" saad ni Monica sa mga kaibigan niya kaya hinawakan nila ako

"P-Please maawa kayo sakin" halos umiyak na ako ng sampalin ako ni Monica chaka tinulak

"Sa susunod na lumapit ka pa sakanya makikita mo kahit kailan hinding hindi ka magugustuhan ni Will" saad niya akmang tatayo na ako ay sinampal niya uli ako at nagtawanan ang mga kaibigan niya chaka umalis

Iyak ako ng iyak pero agad ko ring pinunasan at lumabas na ako ng Cr dahil uwian na rin pagkalabas ko sa gate ay nakita ko yung sundo ko kaya pumasok na ako sa sasakyan

"Ma'am ano pong nangyari sa muka mo?" tanong ni kuya Marlon

"Ahh wala lang po to" saad ko

"Sigurado po kayo ma'am baka gusto niyong pumunta tayo sa ospital para ipagamot yan" saad niya

"wag na gagamutin ko na to sa bahay" saad ko

"Okay po" saad niya at pina andar na ang sasakyan

pagkarating namin sa bahay ay lumabas na ako ng sasakyan at pumasok na sa bahay nagulat ako ng nakita ko si kuya Zach na nakaupo sa sofa habang hinihintay ako

"H-Hello kuya napa aga ata kay—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang biglang nagsalita si kuya

"what happened to your face, why are your cheeks red and your lips are bleeding? sino ang may gawa niyan sayo" kalmadong tanong niya

"wala po to kuya nadulas lang ako sa Cr kani—" hindi ko ulit natuloy ang sasabihin ko nang sumigaw siya

"SINO ANG GUMAWA NIYAN!" sigaw niya

"w-wala n-nga p-po k-kuya n-nadulas l-lang p-po a-ako" utal utal na saad ko

"HUWAG MOKONG PINAGLOLOLOKO MAYUMI SINO MAY GAWA NIYAN SA MUKA MO!" saad niya pero hindi ako nagsalita at umiyak nalang ako

"SASABIHIN MO O IPAPASARA KO YANG SKWELAHAN NA YAN!" galit na saad niya

"s-si Monica Kelsy at Cassandra po" umiiyak na saad ko

"PUTANGINA NAMAN MAYUMI BAKIT HINDI MO AGAD SINABI SAKIN!" sigaw niya

"kase natatakot po ako kuya pag nagsumbong ako hindi lang sampal ang gagawin nila sakin" saad ko

"shushh tahan na Mayumi huwag ka nang matakot andito ako kasalanan ko to pasensiya na kung wala ako sa panahon na kailangang kailangan moko" saad niya

"wala po kayong kasalanan kuya wag niyo pong sisihin ang sarili niyo" saad ko

"halika gamutin natin yang sugat mo manang Helen pakikuha nga yung first aid kit" saad niya kaya lumapit ako sakanya

"bukas na bukas papupuntahin ko yang nangsampal sayo at ang mga kaibigan niya sa principals office" saad niya

"kuya wag na po lalaki lang ang gulo pag ginawa niyo yan" saad ko

"Anong gusto mong gawin ko tutunganga lang dto walang gagawin pagkatapos nang ginawa nila sayo? wag ka nang umangal Mayumi ipapatawag ko sila sa ayaw at sa gusto mo" saad niya kaya wala na akong magawa kundi tumango nalang




Happiness Where stories live. Discover now