C1

2 0 0
                                    

"Ano ang mga ginawa nila sayo Ms. Figueroa?" tanong ng Principal sakin

nandito kami ngayon sa Principal's office nandito din sila Monica,Kelsy at Cassandra kasama rin ang mga parent's nila

"Mayumi magsalita ka" saad naman ni Kuya pero hindi parin ako nagsasalita

"Mayumi" diniin pa niya ang pagkasabi sa pangalan ko

"p-pinagsasampal po nila ako,t-tinutulak minsan po k-kinukulong nila ako sa rest room" saad ko

"HOW DARE YOU TO DO THAT TO MY SISTER!" sigaw ni kuya

"kumalma po kayo Mr. Figueroa pag usapan po natin to nang maay—" hindi natuloy ang sasabihin ng Principal nang biglang sumigaw si kuya

"PAANO AKO KAKALMA KUNG PINAGSASAMPAL TINUTULAK AT KINUKULONG NILA ANG KAPATID KO!" sigaw ni kuya

"k-kuya" saad ko kaya napatingin sakin si kuya kaya kumalma siya

"Mr. Figueroa gusto ko sana na humingi ng pasensiya sa ginawa ng anak ko sa kapatid mo" saad nung nanay ni Monica ganun din ang ginawa ng mga magulang ni Kelsy at Cassandra

"walang kapatawaran ang ginawa ng mga anak niyo sa kapatid ko" saad ni kuya

"ganito nalang po Mr. Figueroa masususpend po ng 1 month sila Ms. Robles Ms. Lopez at Ms. Garcia" saad Ng Principal

"No I want to kick them out from this school" saad ni kuya

"What! no ayokong masususpend ng 1 month" sabat ni Monica habang si Kelsy at Cassandra ay naluluha dahil sa sinabi ng Principal

"Shut up Monica!" saway ng nanay niya

"hindi po namin magagawa yan Mr. Figueroa binully lang po si Ms. Figueroa suspension lang ang pwedeng iparusa sa tatlo" saad ng Principal

"Mr.Figueroa nakikiusap po kami kahit ipasuspend niyo nalang ang anak ko huwag niyo lang po siya I kick out" paki usap ng nanay ni Cassandra

"no kung hindi niyo yun magagawa ipapasara ko ang paaralan na ito" saad ni kuya

"let's go Mayumi" saad niya at umalis na kami sa Principal's office

***

andito kami ngayon ni kuya sa sala si kuya na nagbabasa at ako naman na nakaupo sa harapan niya habang nakatingin sakanya nakakabingi rin ang katahimikan dto sa sala walang may gusto samin na magsalita

"If you want to ask or say something you should talk hindi yung pinapanood mo akong nagbabasa para kang ewan jan sa ginagawa mo" saad ni kuya

"Ahm ano kasi kuya... ba't pa kailangang I kick out sila Monica sa school okay lang naman sakin na masuspend sila" saad ko

"they deserve it... teka lang ba't parang kinakampian mo pa sila diba binully ka nila" saad ni kuya

"hindi ko po sila kinakampian kuya huwag niyo na po silang I kick out" saad ko

"give me a reason kung bakit hindi ko sila paalisin sa paaralan na yan" saad ni kuya

"huwag niyo na po sila paalisin dahil ako na mismo ang aalis kuya" saad ko

"what" natigilan si kuya sa sinabi ko

"pagod na rin po akong mag aral dun puro panunukso lang ang naririnig ko.palagi nilang sinasabi na nerd ako hindi ako marunong mag ayos sa sarili ko pangit daw a-ako" naiiyak na saad ko pero pinipilit kong ngumiti at tumayo naman si kuya at nagtungo sa kinauupuan ko para yakapin

"okay okay kung gusto mong umalis dun sige hindi kita pipigilan hindi ko na rin I ki-kick out yung nang bully sayo" saad ni kuya habang yakap yakap niya ako

Kinabukasan

ito ang huling pasok ko sa paaralan na to at pagkatapos nun ay kukunin ko na yung card ko at aalis na kami ni kuya papuntang Korea next week

"balita ko lilipat na ng ibang school si Mayumi"

"bakit daw?"

"di ko alam baka siguro dahil kina Monica diba binubully nila yun"

"baka nga"

"mas mabuti nanga na umalis na siya para wala nang panget na nerd dito sa school"

"grabe ka naman hahaha" rinig kung bulungan at tawanan nila

di ko nalang sila pinansin at hinintay na pumasok ang teacher namin

"Good morning class"

"Good morning ma'am" bati namin sa teacher

"Our topic for today is about algebraic expression"

Discuss

Discuss

Discuss

Discuss

Fast Forward

natapos na ang klase namin kaya pumunta na ako ng faculty office para kunin ang card ko

"here's your card" saad ni Mrs. Sandoval adviser namin

"Thank you po ma'am" saad ko

"talaga bang aalis ka na iha third quarter na malapit na rin kayo mag fourth quarter at magbabakasyon na kayo" saad niya

"kailangan ko na pong lumipat ng school ayoko na pong laging natutukso at nabubully kaya napag desisyonan ko nalang na lumipat ng ibang school" saad ko

"naiintindihan ko ang sitwasyon mo ngayon iha mag iingat ka sa lilipatan mo na school san ka ba lilipat iha" saad niya

"sa Korea po" saad ko

"mag iingat ka dun iha"

"opo thank you po ulit una na po ako ma'am" saad ko

"sige sige" saad niya kaya lumabas na ako ng faculty office nang makalabas na ako ng faculty ay nakita ko si kuya Marlon na naghihintay kaya nilapitan ko na siya

"tara na po ma'am" saad niya saka binuksan ang kotse at pumasok na ako

habang nasa biyahe kami ay tinanong ko si Kuya Marlon kung sasama ba siya samin ni Kuya

"ahh Kuya Marlon sasama ka po ba samin ni Kuya sa Korea" tanong ko

"opo ma'am sino po ang maghahatid at susundo sainyo kapag di ako sasama" saad niya kaya natawa ako

"oo nga no hahaha chaka wag niyo na po akong tawagin na ma'am at pinoPo mas matanda po kayo sakin" saad ko

"ahh okay Miss Mayumi nalang okay lang ba?" tanong niya

"kayo po ang bahala" saad ko

nakarating na kami sa bahay at nakita ko si Kuya na nagbabasa

"hii kuya!" saad ko

"oh nandito ka na pala" saad niya

"wala ka po bang ginagawa?" tanong ko

"kita mo namang nagbabasa ako" eto talaga si Kuya napaka pilosopo

"tigil mo muna na yan laro tayo ml" saad ko kaya natawa siya

"magpalit ka muna ng damit mo" saad niya kaya pumunta na ako ng kwarto ko pagkatapos kong magpalit ng damit ay bumaba na ako at umupo sa sofa

"kuya kong sino ang matatalo pipitikin ang noo" hamon ko sakanya

"sige ba" saad niya

una siyang natalo kaya pinitik ko ang noo niya

"Aray ko naman!" saad niya kaya natawa lang ako

ako naman ang natalo

"Aray ko kuya!" saad ko habang nakabusangot at siya naman ay tawa Ng tawa

natalo nanaman ako apat na beses na akong natalo at sobrang sakit na ng noo ko kakapitik ni Kuya

"yoko na ang sakit na ng noo ko" saad ko at siya naman ay tawa ng tawa









You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Happiness Where stories live. Discover now