Napag desisyunan na namin na pumasok at hanapin ang classroom namin. I texted Nadelienne na papunta na ako sa mga classrooms ng STEM para hanapin kung saan ang room namin.
Since nasa B naman kami, baka iyong pangalawang room ang sa amin. Agad naman kaming nakarating ni Hayes sa fourg floor dahil sa rooftop lang naman kami galing.
There were a bunch of students walking in the hallway to go to their respective assigned rooms. I look at Hayes who was at my back.
“Alam mo ba saan ang room natin?” Nagbabaka sakaling tanong ko sa kanya.
Madaldal naman ito, eh, baka may kaibigan na ito sa block namin.
Ngumisi lamang ito sa ‘kin.
Hindi ko alam pero sa palagay ko ay malapit nang magsalubong ang dalawa kong kilay. Seryoso, iyon ang isasagot niya sa tanong ko? I heard him cough to get my attention.
“Hindi ka ata nagbabasa nang gc, eh, nasa pinned messages kaya iyon,” sagot nito.
Shit.
Nakakahiya iyon ah.
My phone beep and it is a message from Nads.
Nadelienne:
Nasa classroom na ako, saan ka na?Me:
Fourth floor na
Saan ang room natin?Nadelienne:
Pangalawa, may nakasulat na BMe:
Okay coming na“I lead the way,” Hayes suddenly speak and started walking.
Tumango lamang ako at nanatili sa likuran niya. Habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilang mapatingala para matignan siya. Ang layo kasi nang height difference naming dalawa.
I am back to my senses when I saw how far he is from me already. I started running. Ang bilis niya namang maglakad hindi makahabol ang mga maliliit kong paa sa kanya.
“Hintayin mo ako!” Mahinang sigaw ko kay Hayes.
Hindi ko alam kung narinig niya ako dahil hindi naman siya tumigil sa paglalakad. Hayaan na nga lang, basta hindi siya mawala sa paningin ko ayos na. Siya kasi itong may mas alam kung saan ang room namin. Tinignan ko iyong 3D map na sinend nila sa group chat pero hindi ko naman masyadong na gets kung saan talaga.
Naabutan ko siyang nakatayo sa may pintuan ng classroom namin, habang nakangising nakatutok sa akin at dala-dala pa rin ang backpack niya.
“Tagal mo namang maglakad,” sabi niya.
“Kung binagalan mo sanang maglakad, alam mo naman na ang liliit ng mga paa ko,’’ reklamo ko sa kanya.
He just laughed at me and went to the classroom afterwards. Sunod akong pumasok at nakita ko si Nadelienne na nakaupo sa third row. I wave my hand at her and it's a good thing that she notices me immediately.
Tinuro niya ang katabing upuan. Naglakad ako papunta roon at nakita kong sumunod sa ‘kin si Hayes. So I immediately faced him.
“Baka nakalimutan mong seatmate tayo.” May mapang-asar itong ngiti sa kanyang habang nakatingin sa ‘kin.
“Desisyon ka ba?” Tanong ko.
Tumango lang ito sa tinanong ko.
He really loves making my blood boil. Kinakalabit ako ni Nads at tumingin sa lalaking kasama ko.
She is giving me that “who is he?” look.
“Classmate natin,” sagot ko nalang sa mukha niyang puno nang katanungan.
BINABASA MO ANG
Senior High School Series #3: Parallel Pulsations
Teen FictionSenior High School Series #3 Parallel Pulsations Dawn Felisha always had an eyes to Hayes the moment he saw him played his instrument last summer. But what if his heartbeat is parallel to what she felt towards him? For his heart until now still pre...