Chapter 1

23 2 0
                                    

“Ante, wala ka bang balak magpa enroll ngayon?” Naalimputagan ako dahil sa sinabi ni Nadelienne sa ‘kin.

Shit, ngayon ba iyon? Sa pagkakaalala ko kasi ay next week pa ang schedule.

“Nads, next week pa, excited ka naman masyado mag-aral,” inaantok na sagot ko sa kanya.

“Gaga, ngayon ang simula nang schedule, hindi ka talaga nagbabasa, eh,” the frustration was so evident on her tone.

Base sa tono nito, mukhang naiinip na ito sa 'kin.

“Gago, eh, next week iyong nasa sched!” Pakikipagtalo ko pa rin sa kanya.

“Ikaw ba may-ari nang paaralan? Patayo ka nalang ng sarili mong paaralan, ante, nakipagtalo ka pa, eh, ako ‘tong nakakita no’ng announcement nila.” Naiinis na sambit ni Nads na nasa kabilang linya ng telepono.

Hindi ko na mapigilang matawa dahil ramdam ko na kung nandito lang ang babaeng ito sa aking tabi ay kanina pa ako nito nabato ng unan.

“Ito na, mag-aayos na, feeling ko susugurin mo na ako rito sa bahay kapag hindi pa ako kikilos.” Nakangising sabi ko habang tumayo na sa aking higaan.

I heard a sigh of relief from her on the other line.

“Buti alam mo. Sige na, hihintayin kita sa gate ng school.”

The call ended after that.

***

Habang nakasakay ako sasakyan ay napamuni-muni ako. Gusto ko ba talagang mag STEM? Kasi sa pagkakaalala ko hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong track sa senior high ang gusto kong kunin.

I am still undecided that it fears me when I enter college I'll regret the decision I'll make.

Sabi nang mama ko noon na dapat umisip ako nang kursong makakatulong sa akin.

Sabi naman nang papa ko na sundin ko ang kung ano ang gusto ko.

Kaya ngayon ay mas lalo akong nalito. Hindi naman talaga ako sure sa STEM, eh, pinili ko na lamang ito dahil sabi ni mama na maganda raw doon at mas mabuti raw iyon.

That's what they said, so I just agreed.

Nang makarating ako sa paaralan ay agad akong nakaramdam ng paninibago. First time kong mapalayo sa aking pamilya at mag independent living dahil may kalayuan ang paaralan na ito sa dati kong inaaralan.

Kaya mo ito, Dawn.

Like what Nadelienne said to me lately, naghihintay na nga siya sa gate ng paaralan.

Ngumiti ako kay Nads ngunit hindi na maipinta ang mukha niya habang nakatingin sa ‘kin. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa pinakitang mukha ni Nadelienne.

“I'm sorry, Nads, hindi ko talaga nakita sa iyong announcement, eh. Akala ko talaga next week pa.” Agad akong humingi ng tawad kay Nads nang makalapit ako rito.

Sa lahat nang ayaw ko ay may mga taong magalit o mainis dahil sa ‘kin o sa mga ginagawa ko.

I don't want them to feel disappointed because of what I did. That's my fear—to disappoint the people around me.

“Gaga, ayos lang. Para namang pas-an mo ang buong problema nang mundo,” Nads assured me. “Pasok na tayo, future silvinians.”

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Parang nabunutan ng tinik ang buong puso ko.

Nads is my cousin and my friend at the same time. Hindi kami gano'n ka close rati, nagsimula lang ang closeness namin nang maisipan namin pareho na lumipat ng paaralan at dito na mag senior high.

Senior High School Series #3: Parallel Pulsations Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon