chapter 2

4 0 0
                                    

Amira










Nandito kami Ngayon sa canteen Kung saan kami palaging nakaupo habang Ang grupo ni hades nasa tapat lang namin.

" Ammy bakit ba Wala ka sa sarili mo kanina kapa nakatulala " nagaalalang Tanong ni Chloe.

" May problema ka ba? " Tanong ni jandra.

" Gutom lang Yan ikain mo na Yan " alliyah said.



Pa simple Akong tumingin sa gawi ni hades nanghihinayang man ako sa relasyon nila pero kailangan Kong ipakita sa kanya Yung video Hindi para Sakin nya ibaling Kung pagmamahal nya.


Kundi matauhan sya na ung babaeng inalayan nya ng totoong pagmamahal niloloko na sya ng paulit ulit.


Simula nung araw na Nakita ko sya sa bar na may kahalikan palagi ko na syang sinusundan, madami Akong video nya na Hindi lang Iisang lalake Ang kahalikan kundi ibat ibang lalake.



Pero pag nakikita Kong nakangiti si hades habang kausap si ida nakokonsensya agad ako nakakapagdalawang isip kahit Hindi nya ipakita Sakin Yung mga ngiti nayon nakakapanlambot ng puso Yung mga tawa at ngiti nya na alam Kong Hindi nya magagawa at maipapakita Sakin.

" Amora baka naman matunaw si hades Nan " natatawang Sabi ni alliyah.


" Tumigil ka nga alliyah alam nyo naman Kase Kung bakit " inis Kong Sabi dito.


" Oo nga naman alliyah tumigil ka nga sa pang-aasar Jan Kay Amira " sita ni jandra Kay alliyah.



" Wala ka pa din bang balak na ipakita yang mga ebidensya na Yan sa Asawa mo? " Tanong ni Chloe.

" Tignan mo nga si hades tignan mo ung mga ngiti at tawa nya habang nasa tabi nya si ida Kung ikaw ako gugustuhin mo bang makitang nasasaktan ung taong mahal mo? " Seryosong Sabi ko Kay Chloe.

" Masasaktan talaga sya normal yon pero kapag pinatagal mo pa Yan mas lalo lang syang masasaktan " Sabi ni jandra.

" Hindi ko Alam ewan ko bahala na " nalilitong Sabi ko.

" Mabuti pa pumunta na tayo sa room " pagaaya ni Chloe.


Tumayo na kami sa mga kinauupuan namin, naglalakad na kami papunta sa exit ng canteen ng biglang mag salita si ida.


" Tignan mo nga naman may umaalingasaw na mabahong basura Yung mga babaeng desperada na patapon naman " pagpaparinig nito.


" Atleast ako walang ginagawang kababalaghan sa likod ng boy---- " naputol Ang sasabihin ni Chloe ng hilahin ko sya paalis.


Hilahila ko si Chloe papunta sa room ng makarating kami sa upuan namin saka ko sya binitawan at hinarap, " ano kaba Chloe maghunus dili ka nga muntikan mo ng mabanggit hayaan mo nalng sya pwede? " Inis Kong Sabi dito.


" Pano ko hahayaan e iniinsulto ka sa harapan namen pwede ba yon na Wala Akong gawin " Galit nitong sigaw Sakin.


" Please Chloe hayaan mo na " pagmamakaawa ko dito.

" Fine pero pag Hindi ako nakapag timpi Jan sa babae na Yan baka Hindi ko na matansya Yan " gigil na Sabi nito.


Umupo na kami sa kanya kanya naming upuan dahil dumating na Ang prof namin.



Lumipas Ang oras at finally awasan na nakakadrain naman Kasi magaral Kung pwede nga lang na Hindi na jusq kinder palang ako tumigil nako kemerut.



Mr. Billionaire Child'sWhere stories live. Discover now