Hindi ko akalain na mahuhulog agad si Austin sa akin nang ganun kadali. Actually, mas maaga 'to sa inaasahan ko at malamang mas mahulog pa sya sakin ngayon dahil sa suot kong red swim suit. Swimming kasi ang lesson namin ngayon kaya talagang pinaghandaan ko ang pagkakataong 'to. Habang naglalakad ako papunta sa pool ay halos mapanganga ang lahat ng lalaking makasalubong ko sa paghabol ng tingin sakin. Dedma lang ako kahit na magkandarapa man silang lahat sa kasexyhan ko dahil isang tao lang naman ang target ko sa mga oras na 'to at yun ay walang iba kundi si Austin.
Nagstretching muna ako, flexing my fit body saka ko isinuot ang goggles na hawak ko. Nagdive ako sa pool at nagmermaid swim papunta sa direksyon ni Austin saka ako marahang umahon sa mismong harapan nya sabay hawi sa basa kong buhok, making my seductive look.
"Ahm..."
"Pwede ko bang mahiram ang towel mo naiwan ko kasi sa locker yung sakin e?"
"Ahm...sure! Here..."
"Thanks!"
Ibinalot ko sa katawan ko ang towel na iniabot nya habang hindi naman maalis ang tingin nya sakin at ako ay ganun din sa kanya hanggang sa dalhin na ako ng mga paningin ko sa pinagpapawisan nyang katawan. I was in awe when I stared at his body pero hindi ko yun masyadong pinahalata. In fairness, he's hot and I wouldn't deny the fact na sobrang gwapo nya. Actually, I've never dated anyone like him before.
Napansin ko kung gaano kawell-defined ang body nya, he reminds me of that cute, hunk actor na si Gab Lagman. Tama, he kinda resembles him. Ang firm chest nya, ang malapad nyang mga balikat, yung biceps nya na kahit hindi nya pineflex e mapapansin mo talaga at yung six-pack abs nya na nakabandera ngayon sa harapan ko. Mukhang madalas din sa gym ang lokong 'to ah? No wonder maraming babae ang nababaliw sa kanya, too bad my best friend was one of them.
"Ang init ngayon noh? Pinagpapawisan ka tuloy."
Mas lumapit pa ako sa kanya at marahan kong pinunasan ang dibdib nya gamit ang towel na nakabalot sakin habang sya naman ay napatagok lang sa ginawa ko.
"Yeah, sobrang...hot mo. Ahm...I mean it's so hot...here..."
Napangiti lang ako sa sinabi nya saka ko sya biglang itinulak sa pool.
"Hey! Bakit mo ginawa yun?"
"Naiinitan ka di ba? Enjoy the pool!"
"Ah ganun?"
Winisikan nya ako ng tubig at hinila rin ako sa pool. Hindi nagtagal ang landian naming dalawa dahil biglang dumating yung instructor namin at pinaalis na naman kami sa klase dahil sa ginawa namin.
Maya-maya pa matapos kong magshower ay nagkasalubong kami ni Austin sa labas ng locker area at napatawa na lang kami sa isa't isa.
"Mukhang ayaw talaga nila satin."
"Don't mind them! You know, may alam akong pwedeng gawin na mas exciting. C'mon!"
Hinawakan ko ang kamay nya sabay hila sa kanya papunta sa parking kung saan nakapark ang motor bike ko. Excited 'kong iniabot sa kanya ang extra helmet ko.
"Here, wear this."
"Ha? Ahm..."
Ang playboy na 'to, takot pala sa two wheels? Mahigpit ang pagkayakap nya sa bewang ko habang pinahaharurot ko ang motor bike ko.

YOU ARE READING
Love Game (Book 1)
RomanceTwo broken players finally found each other. Will one of them win or will both of them lose in this love game?