Naging parang isang magandang panaginip na lang ang nangyari nung gabing yun sa orphanage, dahil gaya ng sinabi ko noong una, kapag alam kong patay na patay na sakin ang isang lalaki ay iniiwan ko na lang syang parang isang basura at ganun na nga ang ginawa ko kay Austin.
Kinailangan ko nang harapin ang katotohanang tapos na ang larong sinimulan ko. Sa wakas ay nagawa ko nang makalaya kay Austin, so I started partying again. I am so back to my wild nights.
Masaya akong sumayaw muli sa bar pero sa bawat galaw ko at sa bawat sulok na matingnan ko ay mukha ni Austin ang nakikita ko. At sa tuwing makikita ko ang mukha nya ay bumabalik yung naramdaman ko nung gabing yun sa orphanage kaya naman umiinom agad ako para mapawi yun pero parang kahit sa paginom ko ng cognac na 'to ay yung labi nya pa rin ang nalalasahan ko.
Hanggang sa yung inakala kong guni-guni ko lang ay totoo na pala. Narealize ko na lang na nasa harapan ko nga sa Austin nung hawakan ko ang mukha nya. Yun na nga lang ang malinaw na alaala ko pagkatapos kong magising ngayon sa hotel na 'to kasama sya. Ang akala ko talaga everything was just a dream and I never thought na I really slept with this guy and now he's talking about marriage.
Ang inis na nararamdaman ko sa sarili ko ngayon ay sa kanya ko binuhos lahat.
"Hindi mo ba talaga naiintindihan? Kahit kailan hindi ako maiinlove sa'yo o sa kahit na sino!"
"Kung ganun, ano yung nangyari sa orphanage? Paano mo mapapaliwanag sakin yun?"
"My God! So you mean binigyan mo ng meaning yung halik na yun? C'mon Austin, it's just a kiss! I would kiss any guy when I feel like it."
"E yung nangyari kagabi? Sasabihin mo rin ba na you would have sex with anyone when you feel like it, when we both know that last night was your first time doing it?"
"And you're really using that as a reason for me to marry you? Para ano? Para habambuhay tayong maglokohan? Nagpapatawa ka ba?"
"No! Malorie..."
"I would never believe in love Austin, kaya maghanap ka na lang ng ibang paglalaanan mo nyan dahil wala kang mapapala sakin! Let's never meet again!"
*****
(R-18)
EPILOGUE
AUSTIN'S POV:
[before his Dad's bday party]
After I found out the truth from Natalie, natakot ako sa halip na magalit. I was afraid dahil sa tatlong buwan kong nakasama si Malorie ay nakilala ko na sya. And knowing her, kapag nalaman nyang alam ko na ang totoo ay siguradong tatapusin na nya ang lahat ng ito at tuluyan na nya 'kong iiwasan.
One day after class, I took the courage to confront her and as expected, balak na naman nya akong iwasan pero hindi ako pumayag. I made it clear to her na hindi pa dun natatapos ang lahat samin.
I took her to a boutique para ipamake over sya for Daddy's birthday party. I was so mesmerized when I saw her in that dress and I just fell in love with her even more. That night, it seems like I was under her spell or something 'cause I really can't take my eyes off of her. Sobrang proud ako nung pinakilala sya ni Daddy sa lahat dahil sa totoo lang gusto ko talagang ipagsigawan sa buong mundo na she's mine. We got a chance to talk about us but she got tired and suddenly want to go home.
Madami pa sana akong gustong sabihin sa kanya pero wala akong naging imik sa byahe nung hinatid ko sya pauwi. She insisted na maglalakad na lang sya at wala na akong nagawa. But then, dahil sa suot nyang yun kahit alam kong kaya nyang ipagtanggol ang sarili nya ay palihim ko pa rin syang sinundan sa paglalakad hanggang makarating sya sa bahay nila just to be sure na safe syang makauwi.
YOU ARE READING
Love Game (Book 1)
RomansaTwo broken players finally found each other. Will one of them win or will both of them lose in this love game?
