KABANATA 1

7 3 1
                                    

NAG-BABASA ng libro si Avril sa likod ng kanilang bahay. Sabado ngayon kung kaya't binababad niya ang sarili sa pag babasa. Iyon na ata ang nakasanayan niya simula ng mag dalaga.

"Sabi na nandito ka eh." Hindi na siya nagulat nang marinig ang boses ng kaibigan, alam na alam na nito kung saan siya lagi hahanapin.

Saulo na nito ang lahat ng ginagawa niya simula pa nung six years old siya. Ito rin ang nag silbing taga pag-ligtas niya. Taga kuha ng mga bulaklak sa hardin ng lola nito. At ang numero unong taga sira ng mood niya. 

"Nandito ka na naman ba para guluhin ako?" Wala sa mood na tanong niya rito. "Hindi mo ba nakikita, Kenneth, I am reading peacefully."

Kahit na mas matanda ito sa kaniya, hindi niya ito tinatawag na kuya. Nasa kolehiyo na si Kenneth habang siya ay nasa high school. Apat na taon ang agwat nila. Pero kahit na ganoon ay hindi iyon naging hadlang upang hindi sila maging mag kaibigan.

Mas lalo itong gumwapo ng mag binata. Halos lahat ata ng babae sa school nila ay may gusto rito. Simula nang lumipat ito sa pinapasukan niyang school, hindi na siya nawalan ng kaaway. Madalas kasi siya'ng pag selosan ng mga followers nito.

Nang mag High school si Kenneth ay pinili na niyang manirahan sa Laguna. Hindi niya alam kung bakit pero ayon sa binata ay mas gusto na niyang manirahan doon upang bantayan siya. Sakitin at mahina ang katawan niya kung kaya't ipinangako ng binata sa sarili na hindi ito aalis sa tabi niya.

"Bawal ka na bang bisitahin?" Nakangusong tanong nito sa kaniya. "Namimiss na kasi kita."

Hindi na naman niya alam kung paano mag re-react sa mga sinasabi nito. Kung alam lang ng binata kung paano'ng nag aalboroto ang kung ano mang bagay na nasa tiyan niya.

"Namimiss ba kamo?" Isinara niya ang libro'ng binabasa.

"Oo kaya..." Sumandal ito sa upuan at pinag cross ang mga braso. "Hindi na kita masyadong nakikita sa school, masyado na tayong busy dahil parehas tayong graduating."

Ang isa pa palang nag bago rito ay hindi na ito katulad nung dati na bawat salita ay may english. May accent ito kung mag english dahil sa amang may lahi. Ngunit maganda rin ang punto nito kapag nag ta-tagalog. Hindi mo mahahalatang pinipilit.

"Isa pa, hindi na rin kita masyadong nadadalaw rito sainyo, alam mo na masungit ang tatay mo. Buti na lang ay bumalik na ulit siya sa Manila, halos isang buwan kitang hindi mapuntahan dito." Pagre-reklamo nito.

Totoo'ng pinag babawalan ng kaniyang tatay ang pag punta-punta ni Kenneth sa kanilang bahay. Nung mga bata pa sila ay ayos lamang dito, ngunit ng mag dalaga ay naging mahigpit ito sa kanila. Hindi na rin siya pinapapunta nito sa bahay ng binata dahil hindi raw iyon magandang tignan.

"Masaya ka pala tuwing umaalis si papa, ha..." Bumungisngis siya. "Isusumbong kita!"

Nakita niyang nag taas ito ng kilay. "Hindi naman sobrang saya, na e-excite lang ako kapag umaalis na siya dahil malaya na kitang napupuntahan dito."

"Pasalamat ka dahil hindi ka isinusumbong ni mama."

"Malakas kasi ako kay tita." Pag yayabang nito sa kaniya. Umirap siya sa kawalan, kahit totoo naman ang sinasabi nito.

"Oo na, ikaw na..." Sang-ayon niya. "Ano ba'ng ginagawa mo rito, alam kong hindi lang dahil miss mo ako."

"About that, what do you plan for college?" Tanong nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BINHIWhere stories live. Discover now