Panimula

4 2 0
                                    

"WHAT are you doing?"

Nagulat si Avril ng may mag salita sa gilid nya. Ito ang batang lalaki na nakita nya nung isang araw na bumaba sa kotse. Hindi nya alam na nakatira pala ito sa katabing bahay nila, ayun ang bahay ng matandang babae na palagi syang sinisigawan kapag pumipitas s'ya ng tanim nitong bulaklak.

"Hey, I'm asking you-"

Mabilis s'yang kumaripas ng takbo papasok ng bahay nila. Pumipitas na naman kasi s'ya ng mga bulaklak na tanim ng masungit na matanda. Dumungaw s'ya sa bintana upang muling silayan ang batang lalaki na nakatingin na sa mga bulaklak na dapat ay pipitasin nya.

Sa wari nya'y mas matanda ito ng apat na taon sa kanya. Tinitigan nyang mabuti ang hitsura nito. Sa edad na anim na taon, naramdaman nya ang pag bilis ng tibok ng puso nya.

Agad syang nag tago sa ilalim ng bintana ng lumapat ang magaganda nitong mata sa direksyon nya. Namumula ang pisnge na tumakbo sya papasok sa kaniyang silid.

"Kenneth, ano'ng ginagawa mo diyan?" Narinig niya ang boses ng matanda kung kaya't binuksan niya ng kaunti ang bintana ng kaniyang kwarto upang silipin ang mga ito.

"I saw a girl, she's living there." Tinuro nito ang bahay nila. "Who's she, lola?"

Nangunot ang noo ng matanda. Hinawakan nito ang balikat ni Kenneth, at tsaka inakay na paalis doon. Narinig niya pa na muling tinanong ni Kenneth ang kaniyang pangalan ngunit hindi sumagot ang lola nito.

Sinarado na niya ang bintana. Kilala ang pamilya ng matandang babae na iyon sa kanilang lugar. Lola Nelia ang tawag niya rito, dahil malapit ang mga magulang nya rito, sadyang ayaw lang nito ang pag pitas niya ng mga bulaklak na tanim nito. Ang pamilya nito ang nag mamay-ari ng halos kalahati ng lupain ng lugar.

Matagal na itong nakatirang mag-isa, akala niya nga'y haunted house na ang bahay nito. Lumaki kasi siya'ng walang nakikitang tao sa loob ng bahay. Bumubukas lamang ang ilaw non kapag alas sais na ng gabi at muling namamatay kapag alas dyis.

Katabing-katabi nila ang bahay nito, tanging bakuran lamang ang pagitan. Mababa ang bakuran kung kaya't lumalagpas sa kanilang bakod ang ibang tanim na bulaklak ng matanda na siya namang pinipitas nya upang gawing palamuti sa kaniyang buhok.

LUMIPAS ang maraming araw na hindi na muli niya nakita ang batang lalaki. Patuloy siya sa palaging ginagawa tuwing hapon, ang pag pitas ng bulaklak. Kapag ganung oras kasi ay nag ro-rosaryo ang matanda kaya hindi nito malalaman ang ginagawa niya.

Pinipilit niyang abutin ang mga iyon ng magasgas ang siko nya sa pader na bakuaran na agad naman niyang ininda ang sakit. She hold her elbow to see if there's blood, agad naman s'yang naluha ng makitang dumudugo ang siko n'ya.

"Let me see."

Tila tumigil ang lahat ng hawakan ng gwapo'ng bata ang braso niya. Hindi na niya nagawang umangal pa dahil naestatwa na siya sa lapit nito.

"Oh, it's just mababaw." Tumango-tango pa ito bago tumingin ulit sa kaniya. "Wait me here, I'll get you a band aid."

Hindi niya alam kung bakit imbis na tumakbo papasok sa bahay nila ay sinunod niya ang sinabi nito. Hindi nag tagal ay bumalik na ito dala ang first aid kit.

"Bakit kasi ayun pa ang kinukuha mo?" namangha siya lalo ng mag salita ito ng tagalog. Nakalimutan na niya ang iniinda dahil sa pagkamangha niya sa kaharap. "Don't stare at me like that, I won't do anything bad to you."

Natapos ito sa pag linis ng sugat niya ng hindi man lang siya nakaramdam ng sakit o hapdi. Ngumiti siya rito. "Salamat."

"You're welcome." Natatawang sagot nito. "So, bakit mo pala ninanakawan ng bulaklak si lola?"

"Hindi ko siya ninanakawan 'no." Nanlaki ang kaniya'ng mata dahil sa sinabi nito.

"Eh ano lang ang ginagawa mo?"

"Kumukuha-"

"Without permission?" Tumango siya bilang sagot. "Then, ganun na rin 'yun."

"Hindi naman kasi, eh!" naluluha na siya dahil sa mga sinasabi nito. "Gusto ko lang naman ilagay sa buhok ko yung mga flowers."

He chuckled then pinch her nose. "Nag jo-joke lang ako, huwag kang umiyak."

"Okay."

"Anyway, I'm Kenneth, how about you?"

"Avril."

And that was the first time she felt something in her heart. She was just 6 years old, pero alam na niyang gusto niya ang bata'ng iyon.
__________________________________

iamMicccc © 2024

BINHIWhere stories live. Discover now