"Saan po tayo lilipat Mama?" Saad ng batang lalake na puno ng katanungan.
"Maganda ang lilipatan nating lugar, anak. Sigurado akong magiging maayos ang kinabukasan mo dito."
His mother knew well enough that even if they ran, she wouldn't escape her husband's abuse. She ran away with her child who she named after what she longed for so dearly. Ang hustisya laban sa kaniyang asawa.
Nakulong kaagad ang asawa niya matapos siyang saktan ng halos 7 taon ng pagsasama nila ngunit hindi iyon sapat para makatakas siya sa trauma na nakuha niya dahil doon.
"You must be Mrs. Corpuz! I'm Gilbert Agustin."
"Gilbert Agustin?" Tila nakulayan ang noo'y malamyang mata ni Mary. "Ako ito, si Mary Lacsamana."
"Mary?!" Natuwa naman si Mang Gilbert at nakita ni Justice kung paano kumislap ang mata ng kaniyang ina at ng lalake sa harap nila. "Kamusta ka na?"
"Maayos naman." Alam ni Mary sa sarili niya na hindi iyon ang totoo pero kinailangan niyang magsinungaling para sa anak niya.
Hindi maintindihan ni Justice kung bakit kinailangan nilang lumayo sa lugar kung nasaan buo ang pamilya niya. He was sure enough that they were happy back home.
"Ito pala si Simon Justice, anak ko." Saad ni Mary kay Mang Gilbert. "Justice, ito si Mayor Gilbert."
May mga kaganapan sa barangay, nasaktuhan nilang dalawa na piyesta na sa bagong tahanan nila. Inimbitahan sila ni Mr. Salazar na makikain sa kanila.
May tatlong bata na naglalaro sa may labas ng bahay.
"Macie, Aleana, Reigna be careful." Saad ni Mr. Salazar. "Oscar, bantayan mo nga ang mga bata!"
"Hi Ate Penny!" Sigaw nung babaeng naka purple dress. "Ate Penny magpinsan po ba talaga kayo ni Aleana?"
"Of course baby Reigna!" Saad ng mas nakakatanda sa kanila. "Ang cute naman mukha kayong powerpuff girls pero wala namang purple doon ah?"
"Meron po!" Paglaban nung naka purple.
"Laina, ito si Mrs. Corpuz at ito naman ang anak niyang si Justice." Pinakilala sila nung lalake kanina.
"Ay! Baby boy!" Binuhat siya ni Mrs. Salazar at hinalikan sa pisngi.
"Mommy!" Nagtaray yung isang naka pink kaya ibinaba ni Mrs. Salazar si Justice.
"Oscar! Nasaan ang baby girl ko?"
"Reigna! Baby come here muna, Penny parito kayo ni Aleana." Sumunod kaagad ang tatlo.
"Babies, ito pala si Justice. Bagong friend siya okay? Be nice to him." Saad ni Gilbert. "Ay, ito nga pala ang 1 and only baby girl ko. May kuya siya pero kasama ng asawa ko sa ibang bansa."
"Napaka ganda mo naman, hija." Saad ni Mary kaya nahiya si Aleana.
"Naku, mahiyain po si Aleana." Saad ng kaniyang Ate Penny. "Ito po sabihan niyo ng maganda."
Tumuro si Penny sa anak ni Oscar at Estella.
"Ang gandang bata mo naman, Reigna-."
"Thank you po, alam ko naman po." Kinurot ni Oscar ang ilong ni Reigna habang tumatawa silang lahat.
"Hindi pa tapos magsalita eh." Macie said.
Naging masaya ang selebrasyon na iyon dahil may bagong makakasama ang tatlong bata na makalaro. Hindi nila masyadong nakakalaro si Ate Penny nila dahil na rin sa Elementary na ito at sila ay kinder pa lang. Malayo rin ang inuuwian ni Penny kasama ang kaniyang mga magulang.
Magkapitbahay lang sina Macie, Lena at Justice ngunit si Reigna naman ay taga kabilang city pa.
"Justice masaya ka ba, anak?" Tanong ni Mary.
"Masaya naman po pero hindi po ba malulungkot si Papa? Kapag nakalabas na po siya ng kulungan hindi niya po tayo makikita."
"Anak, alam mo namang mahal ko ang papa mo pero sana kapag may pagkakataon. Sana huwag mong sasabihin sa kaniya kung nasaan tayo, masakit masyado."
"Ano po bang nangyari? Bakit po ba siya nakulong?"
"Justice! Gusto mong maglaro?"
Hindi na sinagot ni Mary ang tanong ng anak niya at nagpapasalamat siya sa anak ni Oscar na inabala niya ang mag-ina.
YOU ARE READING
Transparency of Souls
Teen FictionJustice Corpuz met his bff back when they were just 5 years old. Lena Agustin knew she felt something for her best friend but she was too scared to ruin their friendship so she kept it to herself. Justice was never good with identifying feelings lik...