Chapter: 5

2 0 0
                                    

"Fit na fit sa situation." Macie teased kaya natawa si Reigna. "Ballpen! Ballpen!"

"Huh?"

"Lena!" Nagtatalon si Justice sa gilid ko at pinakita sa akin ang message ni Endra sa kaniya. "Mahal niya raw ako!"

"Ay? Hindi ba yon required sa mag-jowa?" I asked kaya inirapan niya ako. "Asan si Endra? Baka hanapin ka nun."

"Hindi, kasama niya yung friends niya." He answered. "Si Ken?"

"Nasa room may inaasikaso." Reigna answered.

"Grabe Hustisya, ginagawa mo naman kaming backburner. Kapag wala yung bebehan mo sa amin ka didikit? Unfair." Macie said while acting hurt.

"Hindi naman sa ganon pero alam niyo na..."

"Suportahan mo si Lena sa third day ah? Patunayan mo sa amin na number 1 supporter ka!" Reigna threatened him.

"Siyempre naman! Baka Lena 'yan."

Akala ko sabay na ulit kaming uuwi kaya hinintay ko siya sa labas ng room nila. Napansin ko na parang ang tagal masyado kaya sinilip ko na ang door nila. Nakita kong wala na silang magkakaklase.

Nakauwi na yata siya. Bumaba ulit ako sa building at nakita si Macie sa may tapat. She walked towards me and handed me a piece of bread and a bottle of juice.

"Binilhan ka namin ni Ken. Sabi ni Reigna ay hindi niya daw sure if magiging maayos ang ending ng araw mo."

"Macie..."

"Huwag mong pansinin. Hayaan mo na andito kami." She pulled me for a hug kaya naiyak na lang din ako. "Stop, Lena ayaw kong makitang ganiyan ka." She pulled away and wiped off my tears.

"It's just... he's the only guy I ever liked. 11 years na, Macie." I wiped the tears on my cheeks. "11 fucking years."

"Tahan na, gala tayo bukas ah? Tayong tatlo lang."

Kinabukasan ay kasama ko na ulit sila para sa problem ko. Ayaw ko kasi talagang iopen sa kanila ang nangyayari sa akin.

"Cheer up Lena! Hay nako ganiyan talaga ang mga lalake na yan hayaan mo na." Reigna said. "Listen, may girlfriend na siya and that should make you happy because he is happy."

"Alam ko naman iyon, tinatry ko nga eh pero ito ako umaasa pa rin talaga sa kaniya."

"Lena, listen to us okay? We don't want to see you hurting." Macie said. "I think you should distance yourself muna kay Justice to give them time for each other. May mga naririnig na ako na rumors that you are trying to steal him away from Endra."

"Who said that?" I asked.

"Obviously ang forbidden section."

Nag-picnic kami sa may malapit na kagubatan dito sa amin. Kasama naman namin ang mga tatay namin pero andun sila nangingisda sa may distance.

"Lena, iwasan mo siya."

Tumango ako at kinuha ang phone ko. Justice sent a photo kaya viniew ko. He was with Endra but he sent a pic of a blue drink he ordered. Endra of course had red kasi nga devil's color iyon.

"Sineen ko lang siya."

"Very good!" Macie said at inabot sa akin ang isang box. "May key chain diyan, pumili ka muna bago kami pumili ni Reigna."

I obviously picked the blue moon. Kinuha ni Reigna yung purple na star at kinuha naman ni Macie ang pink na sun.

It's cute.

Transparency of SoulsWhere stories live. Discover now