"Simple, Airajoy T. with High Honors." Abot hanggang langit ang ngiti ko habang papaakyat sa stage upang kunin ang medalyang pinaghirapan ko.
Apat na taon na lang, magkakadegree na ako. Inilibot ko ang tingin sa napakaraming estudyanteng nagsisipalakpakan para hanapin ang kaibigan kong may hawak na cellphone upang kuhanan ako ng litrato. Nang makita siya'y agad akong ngumiti ng napakalapad pero kaagad ding napawi iyon nang masulyapan sa likuran niya ang nakatiimbagang mayor ng Bago City. Salubong ang dalawang kilay na nakaderekta ang tingin sa akin habang pinapa-ikot ang hawak na ballpen sa kaliwang kamay. Nawala lang ang atensyon niya sa akin nang may lumapit na grupo ng mga estudyanteng gustong magpa-picture sa kaniya.
"Gaga, ayos na sana ang kuha mo rito pero bakit naman para kang nakakita ng multo," si Khamel na kanina pa nagrereklamo habang panay scroll sa gallery ko. Tapos na ang programa at kalalabas lang din namin ng coliseum.
"Saan ba tayo kakain?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Sa Crispy King, libre mo?" Inabot niya sa akin ang cellphone at hinila ako para pumara ng tricycle.
"Nga—"
"Huwag ka nang umangal, libre mo na at tutal nasama ka sa may honors at with high honors pa! Bwesit kasing Denubo iyon, binagsak ako sa finals!"
Imbes na magkomento pa ay napatawa na lang ako nang maalalang binagsak nga siya dahil hindi na pinakuha ng long quiz noong ma late siya, napaka-terror kasi ng guro na iyon.
"Kotse iyon ni Mayor, ah?" Itinuro niya ang papalabas na Black Bentley mula sa mansyon ng mga Gonzaga.
"Eh ano naman? Hindi mo naman kaano-ano 'yan." Agad akong pumara ng tricycle at ipinasok siya. Mahirap na't baka magbago pa ang isip niyang doon na rin makikain sa ipinahandang salo-salo ni Mayor para sa mga grade-12 students na nagsi-graduate.
"Hindi pwedeng nagtataka lang, teh? Siguro di na kaya ni Mayor pa-eme eme ng grupo nila Jazel doon kaya napalayas na lang din sa sariling mansyon, ano?"
"Mag f-first year college na tayo't lahat lahat hindi pa rin mawala-walang 'yang galit mo sa kanila," dumukot ako ng bente pesos at inabot kay manong driver, "Sa Crispy King lang po."
"Mga feeling kasi, akala naman nila gaganda na, pera lang naman lamang sa'tin. Jusq, ayan naiinis na naman ako."
Kahit abutin pa yata ng taon ay hindi na mawawala itong galit ng isang 'to. Ang aarte rin kasi ng mga iyon, mga high maintenance nga naman kasi.
"Hays moment, hindi man lang ako nakapagpa-picture kay Mayor, dinumog kasi kanina. Sayang, remembrance pa naman sana," napanguso siya.
"Bawi ka na lang sa susunod," I replied nonchalantly.
"Anong susunod, duda akong may susunod pa iyon e himala nga kaninang hinayaan pang may makalapit sa kaniya. Kung hindi lang iyon pogi iisipin kong bakla 'yon, eh. Ang bata bata pa pero daig pa nagmi-menopause sa sungit ng mukha." Kinurot ko siya sa tigiliran nang napasulyap sa amin si Manong Driver.
Hanggang sa makarating na kami sa Crispy King at lahat lahat itong si Khamel panay pa rin ang pag ra-rant, ang taas pa naman ng boses kaya pati ang ibang mga kaibigan ay nakita pa kami. Ang ending tuloy ay naki-upo na lang din kami sa mesa nila.
"Sa I-Tech din kami mag ka-college, tamang-tama sabay na lang tayong magpa-enroll baka maging magkaklase pa tayo ulit, ano?" Napaangat ako ng tingin kay Carlo na palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ng katabi kong babae.
"Ewan ko rito kay Joy at parang wala pang balak sabihan sa akin kung sa BCC ba 'to magpapa-enroll o sa I-Tech!"
Napa facepalm na naman ako sa taas ng boses nitong si Khamel na akala mo ay nasa kabilang baryo ako.
"Kung ako sa'yo, sa I-Tech ka na lang din. Wala namang mga pogi dun sa BCC, eh." Muntik na akong mabulunan sa manok na kinakain nang dumapo ang mabigat na braso ni Jason sa balikat ko. Bwesit na 'to, magka-mini heart attack pa ako sa pagkabigla rito, eh.
"Magpapaalam pa ako sa nagpapa-scholar sa akin," tumikhim ako sabay lagok ng tubig.
"Sino ba kasi 'yang nag-scholar sa'yo at baka pwede naman nating paki-usapan?" Bumaling sandali sa akin si Khamel bago sumubo ng napakaraming kanin.
"Kung hindi ka payagan pwede ko namang sabihan si Mama na e scholar ka." Sinamaan ko nang tingin si Jason nang ang buhok ko na naman ang ginulo niya. Susuntukin ko na 'to, kaunti na lang.
"Anak nga naman ng councilor," sumipol si Gardo. Isa pa 'to, sana tumahimik na lang siya at nakakarindi rin ang laki ng boses niya.
"Hay naku, Gardo! Baka sa BCC na lang talaga ako mag-enroll kung boses mo lang din ang lagi kong maririnig," biro ko habang nilalagay sa ayos ang pinagkainan.
"Grabe ka naman, Joy," at talagang boses nagtatampo pa talaga siya kaya sabay kaming nagtawanan lahat.
Kausap ko si Jason nang maya-maya ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Agad ko iyong hinalungkat sa bag at nanlaki bigla ang mga mata nang mabasa ang caller.
"H-Hello po?" Nanginginig kong sagot nang makalayo sa mga kaibigan.
Tanging malalim na paghinga lang ang naririnig ko sa kabilang linya kaya't tiningnan ko pa ang screen at baka namalikmata lang ako kanina.
"In my office, now."
Tila natuod ako sa kinatatayuan nang marinig ang malalim at kalmado niyang boses. Ang uri ng boses niyang hindi ko gugustuhing marinig kahit kailan.
"S-Sa mansyon po ba?" Pagkukumpirma ko pero putol na pala ang linya kaya dali dali na akong bumalik sa mga kaibigan at nagpaalam na aalis.
Hawak ang strap ng bag at ang cellphone, butil butil na ang pawis ko dahil sa sobrang init at katatakbo dahil punuan ang mga tricycle na dumadaan at ayokong magsayang pa ng oras at baka ilang kilong words of wisdom na naman ang maabot ko nito.
Humahangos ako nang dumating sa tapat ng gate kaya pati si Kuya Bato na guard ay nagtatakang tumingin sa akin.
"Bumalik po ba siya?"
Tanging tango lang ang sagot niya sa pagkabigla, siguro ay dahil natatakot na rin para sa akin. Naiiyak na ako.
Habang tinatahak ang daan papasok sa loob kung saan walang bisita o estudyanteng makakakita sa akin ay nag-iisip na ako kung ano ba ang posibleng nagawa ko na ikinagalit niya dahil nagawa ko namang makakuha ng honor kahit papaano, sinigurado ko namang nakapaglinis ako kanina sa ibaba bago ako umalis. Bwesit, iyong scholar ko baka matodas pa nito. Tangina, naiiyak na talaga ako.
Iniiwasan ko pa naman sa lahat lahat ay iyong magalit siya. Ayokong masaksihan muli kung paano madurog ang wine glass sa palad niya, kung paano unti-unting tumulo ang maraming dugo mula doon, at kung paanong kalmado pa rin ang mukha niya kahit ang mga mata ay nanlilisik, parang gustong tunawin ang baril na nakapatong sa ibabaw ng kaniyang mesa.
Mabibigat ang bawat hakbang ko habang paakyat sa hagdan hanggang sa makarating sa harap ng pintuan na para sa akin ay kapag pumasok ka, empyerno ang bubungad sa'yo. Syempre, kapag sa empyerno, may Satanas din. Parang umuurong ang kaluluwa ko habang iniisip na ang madidilim niyang mata ang sasalubong sa akin sa loob.
Nanginginig sa takot pa ako doong nakatayo nang biglang bumukas ang pinto at dire-deretsong lumabas ang isang lalaking hindi ko kilala kaya wala na akong ibang nagawa pa kung hindi ang pumasok na lang din sa loob. Nang makapasok ay dinahan-dahan ko pang isinara ang pinto dahil takot na harapin siya. Kung pwedeng magpalamon sa sahig ay talagang magpapalamon na lang talaga ako.
"Lock the door." Tangina.