Chapter 18

14 1 0
                                    

“Ba't nandito nanaman kayo?”

Natigil ako sa paghaplos sa tiyan ko nang magsalita si Aeron matapos buksan ang pinto.

Dalawang buwan na ang lumipas at kabuwanan ko na ngayon.

Mukhang alam ko na kung sino yung kumakatok kanina.

Walang iba kundi yung dalawang babae na magkalapit lang yata ang tingin sa Laguna at Manila.

“Bakit? Hindi mo kami namiss?” Tanong ni Zharitz na dere-deretsong pumasok sa bahay namin. Inilapag nya ang bag nya at humiga sa sofa.

“Hoy, paa mo nga, ibaba mo!” Singhal ni Aeron kay Zharitz at sinimangutan sya nito.

“Pakielam mo?!”

“Pwede ba, mag shut up kayong dalawa?!” Reklamo ni Brittney at umupo sa tabi ko. Hinalikan nya ang tiyan ko at sumandal sa sofa.

Pumunta naman si Aeron sa kitchen at sa tingin ko ay kumukuha sya ng mga snacks.

“Grabe, nakakastress mag-isip ng unique product sa entrepreneurship!” Reklamo ni Brittney at hinubad ang sapatos nya.

“Tsk. Product lang nahihirapan ka pa?” Saad ni Aeron na may bitbit na tray.

Inilapag nya ang tray na may mga foods at drinks sa table at agad namang bumangon si Zharitz bago kumuha ng fries.

“At bakit?! May naiisip ka ba na pwede naming product, ha?!”

“Ang dami-daming pwede ih.” Umupo si Aeron sa tabi ko at inabutan ako ng apple juice. Tinanggap ko 'yon at uminom.

“Oh, sige. Magbigay ka nga ng product kung talaga?!” Hamon ni Zharitz bago kumagat sa burger.

“Hmmm…” Bahagyang nag-isip si Aeron at lumawak ang ngiti nya. “Alam ko na! Baril!”

“WHAT?!” Sina Zharitz at Brittney.

“Common na 'yan! Saka, as if naman pwede yung baril!” Kontra ko.

“Ayos lang 'yon. Sabihin nalang nila na kakaiba yung baril nila…”

“Wala ka talagang kwenta.” Usal ni Zharitz at isinawsaw ang fries sa ketchup.

“Aba, ako na nga ang nagsa-suggest ih. Baril na nga lang ang product nyo. Tapos sabihin nyo nalang na, ‘Good day, everyone. Ang product po namin ay unique na baril. Ngayon po ay pipili kami ng tatlong maswerteng babarilin para i-test ang product namin kung accurate’ Ganon! Tapos barilin nyo isa-isa yung mga panelist—aray!”

“Wala kang silbi!” Singhal ni Zharitz matapos batuhin si Aeron ng kutsara.

“Grabe ka naman, ako na nga ang nagsu-suggest—”

“Walang kwenta ang suggestion mo!”

Napakamot nalang sa ulo si Aeron bago kumuha ng fries.

“Iisip pa ako ng product. Hmm…” Umastang nag-iisip si Aeron.

“Wag ka nang mag-isip! Wala ka naman non!” Singhal ni Brittney.

“Ah, alam ko na! Biko nalang!” Saad ni Aeron.

“Common na 'yon! Unique nga dapat ih.” Kontra ko ulit.

“Edi gawin nyong unique.” Wika nya kina Zharitz at Brittney. “Gawin nyo nalang na muta yung toppings—”

“YUCK!” Napailing nalang ako nang masamid si Zharitz sa iniinom dahil sa sinabi ni Aeron.

Gagong Aeron.

FRAGMENTS OF PAINWhere stories live. Discover now